CHAPTER 22

633 10 0
                                    

DAHIL medyo malapit lang naman ang El Barca de Seudama, hindi na sila nahirapan na pumunta roon. Ipinatayo ni Xanthrus ang floating bar na malapit lamang sa dalampasigan. Kung nais na uminom ng mga tao sa loob at magbabad sa tubig, mayroong swimming pool na may floating pool bar din.

They just sat in the sofa inside the El Barca de Seudama, not minding the people's stares.

"Hi, Adam!" A petite girl approached them. She can see that this girl has some Japanese blood. "Oh, you're with Seraina too!"

"Hi?" She awkwardly said as the girl stared at her while smiling

"Can I sit here?" Itinuro pa nito ang puwesto sa tabi niya

"Of course, yes!" Well, she can be friendly when someone is being friendly too.

"Grabe, you're really beautiful in person. Swear!" Natutuwang saad nito bago ilabas ang camera "Can I include you in my vlog? I really admire your circle of friends. Seeing women do things especially dominating the business industry, I'm in awe!"

"Thank you so much," She smiled and looked at Adam "I thought you're here for Adam."

The girl chuckled and shook her head, "I know him because of the interviews and twitter threads,"

"Twitter threads?" Takhang tanong niya sa babae. Alam niyang hindi naman siya masyadong aktibo sa mga social media at tanging Facebook lamang ang nagamit niya noon dahil na rin sa nangyari kaya hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito

"Everyone is very eager to know you more," Kinuha nito ang telepono at binuksan ang Twitter para ipakita sa kaniya ang iba't-ibang positibong komento tungkol sa kanilang magkakaibigan "Young girls are very motivated be like you. Successful businesswomen. Dominating your fields."

"How can I use that bird application?" Kunot-noong tanong niya rito bago tignan ang ginagawa

"Well, Twitter is where you share your thoughts, experiences, tips or anything. Ikaw bahala kung anong gusto mo,"

"Parang Facebook lang ba 'yan?"

"Sort of? Mas okay sa twitter kasi you can see the trending topics," Itinago nito ang telepono bago maglahad ng kamay sa kaniya "I am Majanne from your friends' company. Vlogger wanna-be 'tsaka Wattpad writer na rin."

"Wattpad?" Mas lalong kumunot ang noo niya dahil parang salitang alien ang sinasabi nila. Lahat hindi niya alam. Ganito na ba talaga kapag matanda na?

"Yung online platform chenes for writers and readers. Libre 'ron!" Halata ang kagalakan sa mukha nito na para bang matagal na silang magkakilala "Follow mo ako kapag bet mong magbasa, okay? Pero unahin mo sila jonaxx, Cecelib, rainbowcoloredmind tas sil,"

"You're really talkative, Majanne." Naiiling na sabat ni Adam sa pagsasalita nito

"You're mean, Adam! Kay Seraina ka lang naman marupok!" Natawa pa ito nang mapipi si Adam at tanging pag-iwas lamang ng tingin ang nagawa "See! I read magazines!"

"Stop it, Majanne." Nahihiyang sagot ni Adam sa pang-aasar nito

"Blah-blah!" Tinignan siya nito at marahang ngumiti "May mga kaibigan akong kasama. Nakita ko kasing kayo lang dalawa nandito. Baka gusto ninyong sumama sa table namin? Don't worry! Mababait sila!"

"We're fine here," Walang pakialam na sagot ni Adam na hindi niya nagustuhan. Mabait naman si Majanne kaya ayaw niyang tanggahin ang paanyaya nito.

"Actually, I think that's a great idea!" Nilakihan niya pa si Adam para iparating na pumayag na lamang ito sa imbitasyon ni Majanne

"Yun naman pala 'e. Tara!" Tumayo na si Majanne at nauna sa paglalakad papunta sa lamesa nila. Hindi niya marinig ang sinasabi nito kaya ngumingiti na lamang siya para hindi iyon ipahalata. "Guys, si Seraina tsaka Adam nga pala."

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon