CHAPTER 3

1.5K 22 1
                                    

NASA OPISINA siya ni Aki para pag-usapan ang bibilhin niyang lupa para sa pamilyang Lao. Balak niyang bilhin na rin ang lupa at ipatayo ang bahay gamit ang tulong ng kumpanya ng iilang kaibigan lalo na ni Ream na siyang may hawak sa Lajani Construction Company.

They didn't ask her why she asked them for help because they value their privacy, except for Reich.

"Do you want a land in my subdivisions? Or a land far from the city? Maybe, something that will show them that they are in a province but they are certainly not?" Magaspang ang pagkakasabi nito dahil sa Russian accent na hindi nakatakas sa kaniyang pandinig

"I prefer the last one. Give me the best location that could be a great one for my new design." Prente siyang umupo sa sofa habang hinihintay niya ang dokumento

"I know that you're doing this for that asshole. But suit yourself. You can fuck all you want." Inilapag nito ang mga papeles sa lamesa "Everything will be easy since I will approved your request. Talk to your clients and come back here for confirmation."

"Thank you, Aki!" Lumapit siya sa kaibigan at niyakap ito nang mahigpit bago lumabas para bumalik sa opisina at paghandaan ang muli nilang pagkikita.

They don't know that she will be the one who's going to build their home. She's sure that they were surprised because a high-end architectural firm offered them a deal. Hindi sa pagiging mayabang pero alam ni Siri na higit pa sa paggawa ng bahay ang kapasidad nila. Ni hindi nga dapat siya ang maghahanap ng mga trabahador at materyales pero para matupad ang plano, kailangan niyang gawin ang mga iyon.

Dumaan ang ilang oras na biyahe bago siya makarating sa opisina. Pabagsak siyang umupo sa swivel chair at binuksan ang kaniyang laptop.

"Siri, hayaan mo akong gawin ang trabaho ko." Pagpupumilit ng sekretarya

"Kaya ko naman, Freya. You don't need to call them for me. Tsaka ka nalang kumilos kapag hindi ko na kaya." Bumuntong-hininga siya bago tinuro ang mga papeles sa lamesa "Paghiwalayin mo nalang yung projects. Ako na ang makikipag-usap."

"Yes, Miss Siri." Pumunta ito sa lamesa at agad na ginawa ang iniutos niya

Abala naman siya sa pag-aayos ng proposal na ibibigay niya sa opisina ni Ream mamaya. Small time lang kasi iyon at tiyak na maaaprubahan kaagad lalo na siya ang pipirma sa arkitekto at si Ream naman bilang inhinyero.

"This will get approved for sure, Miss Siri." Itinuro ni Freya ang perspective plan "Ikaw ang architect at si Miss Ream naman ang engineer. Makita lang yan ng lokal na pamahalaan, approve na kaagad yan."

"Salamat, Freya. Anyway, yung ibang plano sa subdivision ng Vasiliev RS ayos na ba?" Tinipa niya ang keyboard para ibahin ang iilang detalye sa exterior design ng ginagawa niyang bahay "I'd like to see the progress of the proposal. Para kung may hindi nagustuhan, maiiba natin agad sa architectural head."

"Miss Siri, gusto ka rin kausapin ng finance tungkol sa pagtaas ng suweldo." Tumango siya para magpatuloy pa ito sa pagsasalita "Maraming empleyado ang natutuwa sa kumakalat na balita na pagtaas ng suweldo."

"Good to know. Don't let the Pinedas steal our employees or there will be hell." Malamig niyang tugon at patuloy sa pagdedesign

This is her daily routine. She designs buildings whenever she has free time. She's a busy person but still, she can't let herself do the work that is not related to her course. Ayaw niyang panay pirma lamang siya. Gusto niyang mamahala sa mga proyekto ng kanilang kumpanya.

"Paki-follow up kay Ream yung materials and equipments na sinabi ko para sa VRS. Titignan ko kung pasok sa designs yung inorder na materials." Tinuro niya ang intercom dito "Call Ream to coordinate with Aki. Matalino 'yon pero makakalimutin."

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon