CHAPTER 18

633 8 0
                                    

Gusto na niyang magpalamon sa lupa o di kaya'y tumalon nalang sa pinaka-mataas na building sa eskuwelahan nila para matapos na ang paghihirap niya. Kakagaling niya lang sa dating pinagtratrabahuhan na isang fast food chain dahil natanggal siya nung nakaraan. Nagmakaawa siyang bumalik pero hindi siya pinayagan dahil nakapanakit siya ng isang customer.

Who would not lash-out and get angry when she was harassed by that dirty old man? She didn't mean to throw a punch right in his nose but anger consumed her. She didn't even bother to report it to the police since she knows that it will take a lot of her time.

"Dean, sige naman na po. Parang awa ninyo," Naiiyak na siya sa harapan ng Dean ng Architecture Department dahil matatanggal na ang scholarship na matagal na niyang iniingatan "Last year ko na po rito. Dalawang sem at ilang units nalang tapos na po ako..."

"Ms. Semberova, you signed an agreement. Kung may grado kang mababa sa quota, pasensyahan nalang tayo." Masungit na saan ni Dean Hermosa dahilan para mas lalo siyang mawalan ng pag-asang makapagtapos "I suggest that you should look for another school and be their scholar."

"Pero dalawang sem nalang po ako. Hindi po ba talaga puwede gawan ng paraan? Kahit po gawin ko yung trabaho ng librarian o di kaya mag-serve po ako sa cafeteria, gagawin ko po. Huwag nyo lang po ako tanggalan ng scholarship. Wala po akong pampaaral."

"I'll try, Ms. Semberova. Ipapahanda ko ang reconsideration letter pati ang recommendation letter sa Registrar para i-grant nila ang request ng hindi pag-pull out ng scholarship mo." Dean Hermosa sighed and looked at her with pity "Alam kong mahirap pag-aralin ang sarili lalo na sa kurso mo, Hija. Pero hindi naman puwedeng pagbigyan ka pa kung babagsak ka ulit," Hinawakan nito ang kamay niya "Hindi ko alam kung aaprubahan dahil alam mo naming mahigpit ang unibersidad sa mga scholars. Asahan mong gagawin ko ang lahat, Hjia."

"Salamat po, Dean." Pinigilan niyang huwag umiyak sa harapan nito kaya dali-dali siyang tumayo para lumabas.

Lumabas siya sa silid nang may namumuong luha sa kaniyang mga mata dahil sa sobrang pag-iisip. Una, ni hindi siya pinadadalhan ng pang-matrikula ng Mama niya dahil galit at nagluluksa pa rin ito. Pangalawa, kailangan niyang maghanap ng trabaho kung hindi ay mawawalan siya ng pang-tustos sa araw-araw niyang pamumuhay. At huli, natanggalan siya ng scholarship.

"Hindi ba siya yung last year na m--," Napatigil sa pagsasalita ang babae nang tignan niya ito nang masama bago ito mawala sa paningin niya

Can't this day be so peaceful?

Wala siya sa wisyong pumunta malapit sa Arc of the Centuries at naupo sa pinakamalapit na bench para magpahinga.Hindi na niya alam ang susunod niyang gagawin kung mawawalan siya ng scholarship. Mukang pupulutin nalang siya sa kangkungan dahil kasabay ng pagkawala nito ay ang pagguho ng mga pangarap niya.

Maybe I should just end my life...

"This is not the perfect place to cry," Napatingin siya sa binatang may lahi dahilang para mapatigil siya sa pag-iyak

"Ano bang pakialam mo?" Matalim niya itong tinitigan, hindi alintana ang kakisigan na taglay nito. Masyado siyang maraming iniisip para mag pagtuunan pa iyon ng pansin

"I don't understand you language. What is it?" Nanatiling malamig ang mga titig nito. Animo'y may isang barikada para malimitahan na mabasa ang emosyon nito

"I said, what is it to you? Mind you own business, creep." Akmang tatayo siya nang hawakan nito ang palapulsuhan niya dahilan para mapatitig siya roon

"I saw you crying in Dean Hermosa's office," Mariin nitong hinawakan ang palapulsuhan niya kung saan ay may bakas ng kalungkutan na nakaukit dito "Does it hurt?"

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon