CHAPTER 17

729 15 0
                                    

PAGOD siyang umupo sa pang-isahang sofa habang hinihintay ang tinimplang kape ni Adam sa kaniya. Wala pa rin ni isa sa kanila ang nagsasalita pagka-uwi galing sa medical mission. Pawang napipi at hindi nila alam pareho kung saan mag-uumpisa. Umiyak lang siya sa balikat ni Adam hanggang sa maubos ang luha niya habang hinahaplos nito ang likuran niya, pinapaalala na nandoon lang ito sa tabi niya. Naisip niya rin kung magtatagumpay ang plano niya kung naaapektuhan nito ang mga emosyon na hindi niya mapangalanan.

She doesn't know if her plan is right or it will just ruin her just like it did few years ago. Sometimes, she feels lying to herself, reminding her that she is doing all of those things to get revenge from Sidney.

"Here, drink this," Iniabot nito sa kaniya ang isang tasang kape na agad niyang tinanggap "You don't have to talk about what happened earlier."

"Thank you, Adam," Tinignan niya ito at marahang ngumiti "But you don't have to do that for me."

"I'll do everything for you, Veronika. Even if you don't ask for it."

"I'm asking you not to," Sinimsim niya ang kape bago ulit haluin ito gamit ang kutsarita "I need to sort my feelings. I need to start forgetting on my own. I need to let myself free from the past and just move-on," She heaved a sigh before turning to him "I love him, Adam. I know that what I am feeling will not do anything good. I lie to myself countless of times..."

"That's why I am here to help you with that," Lumuhod ito sa harapan niya kasabay ng paghawak nito sa magkabilang kamay niya "You don't have to ask me anything, Veronika. I'll do everything to help you. Everything."

"You see, I lie to myself to justify what I am doing," She squeezed his hands as she smiled weakly "Let me, Adam. I want to experience pain so I won't choose him again. Alam ko sa sarili ko na hindi ko mapipigilan ang puso ko," Hinawakan niya ang kaniyang dibdib kung saan nakalagay ang puso niya "My heart chose him and still, it wants him. I'll figure this out, Adam. I'll know what to do."

"I can just replace him, Veronika," Puno ang pagsusumamo nito na pumayag siya "Just say what you want and I'll make it happen even if I need to move heaven and earth to make things in your favor, Miene Liebe."

"Kahit anong layo ang gawin niya, siya pa rin ang pipiliin ko. Walang mangyayari hangga't hindi ko matanggal 'tong pagmamahal sa puso ko," She smiled as if she knows that it is hard to do the things she is saying "I can't let him go if I love him, Adam. I just can't."

"Alright then," Isang malungkot na ngiti ang isinukli nito bago tumayo "I'll go to my room. Call me if you need anything, okay?"

"Can you stay for tonight, Adam?" She whispered as Adam stared at her in shock "It is okay if you don't wa---,"

"I'll stay. Don't worry," Saad nito nang makabawi sa pagkagulat. Alam niyang sadista siya kung mas ilalapit niya ang sarili kay Adam pero kailangan niya ng makakausap lalo na ngayong unti-unti na niyang pipilitin na kalimutan ang pagmamahal kay Sidney. "I'll sleep on the couch, Veronika."

I'll get even without putting my heart at risk. Maybe...

"You can sleep in my bed. We just have to put a pillow between us," Suhestiyon niya sa binata ngunit isang ngiti lang ang isinagot nito sa kaniya

"I know I said some bullshits to you but," Hinawi nito ang takas na buhok sa kaniyang mukha kasabay ng pagdaan ng isang estrangherong emosyon sa mga mata nito na nakikita niya noon "I respect you. I'm fine sleeping in the couch when you sleep."

"Okay, then. You can get your clothes in your room while I take a bath," Tumayo na rin siya para pumunta sa banyo ngunit napatigil nang nagsalita si Adam

"I don't know what's going on inside your head but I'll wait 'til you sort it out. Always."

Sa pagsarado ni Adam ng pintuan ay ang pagpasok ng kaisipan na kahit siya'y hindi malaman kung paano nga niya ba makakalimutan ang pagmamahal kay Sidney. Ganito ba talaga ang tao? Alam mong mali pero pinipilit mong paniwalain ang sarili mo na tama ang ginagawa mo basta masaya ka? Minsan hindi mo alam ang gagawin dahil nagtatalo ang puso at isip mo sa hakbang na dapat mong pag-desisyunan? Gusto mong gawin ang isang bagay dahil alam mong iyon ang tama ngunit nag-aalinlangan ka dahil mawawala ang kasiyahan at pag-asa na baka...Baka umayon ang tadhana sa gusto mo?

Napatingin siya sa tubig na unti-unting pumupuno sa bathtub na inihanda niya. Gusto niya lang mag-isip patungkol sa desisyon na gagawin niya.

"If I choose to be happy for a short period of time, will I be contented?" Tanong niya sa sarili at dahan-dahan na nilublob ang katawan sa tubig na may sabon "Or will I just hurt myself? Mas mahihirapan ba akong kalimutan siya kung hahayaan ko ang sarili ko na mapalapit sa kaniya?"

Pumikit siya para mas makahanap ng katahimikan ngunit kahit sa pagpikit ay hinahabol pa rin siya ng kaisipan at realidad na gusto niyang takasan. Hinahabol pa rin siya ng katotohanan na mahirap tanggalin ang unang lalaki na bumihag sa puso niya.

"Maybe, I'll get over him once I put my mind unto it..."

Tinapos niya ang pagligo at agad na lumabas sa kuwarto para magbihis. Naririnig niya ang pagkanta ni Adam sa labas na nagpangiti sa kaniya. Ganito sila dati nung magkaibigan pa sila. Si Adam ang lagging bumibisita sa apartment na tinitirhan niya buhat ng pagpapalayas sa kaniya ng kaniyang ina. Si Adam at Xanthrus ang naging sandalan niya ngunit alam niyang higit pa sa pagiging kaibigan ang tingin sa kaniya ni Adam noon.

"The food is ready, Veronika," Kinatok siya nang binata na agad naman niyang sinagot

"I'll be there in a few!" Sagot niya bago sinuklay ang mahabang buhok para maging presentable sa harapan nito. Kung tutuusin, dapat siyang mahiya sa ayos niya dahil si Adam ay isang dugong bughaw na hindi nararapat na pakisamahan ang isang tulad niya.

She's successful but his parents are in the highest class.

"Wow! Anong niluto mo? Sana umorder ka nalang sa baba," Saad niya niya nang makarating sa kusina at agad na nalanghap ang mabangong amoy "Grabe! Amoy palang nagugutom na ako!"

"Fettuccini." Adam shrugged and smiled as he served a plate with a pasta dish on it "It's been a year since I stopped cooking. I don't know if it tastes good."

"Of course, it is!" Kinuha niya ang tinidor at agad na tinikman ang luto nito "See! Sabi ko sayo masarap e!" Sumubo pa siya nang dalawang beses bago muling magsalita "Is it really necessary for a duke to know how to cook?"

"Finish your food before talking," He chuckled and get his own food "It is not but you know that cooking is fun."

"You have your maids with you so why bother?"

"Are they here?" Tinaasan pa siya nito ng kilay na para bang alam na dapat niya ang sagot "I just stopped cooking because of what happened."

"Because of me?" Marahan siyang napayuko nang mapagtanto kung gaano niya naapektuhan si Adam

"I won't sugarcoat and say that it wasn't your fault," Humawak ito sa island counter habang nakatitig diretso sa mga mata niya. Kung hindi niya kilala si Adam ay marahil nahimatay na siya sa lagkit ng titig nito maging ang labi nitong mapupula.

Perfection.

"I know what happened was really, really hard to swallow. Kahit ako hindi makapaniwala na para tayong nakasakay sa rollercoaster noon," She said as she remembered how they met in UST. That day when he helped her. "Do you remember how you saw me crying in Arc of the Centuries?"

"Of course," Adam chuckled and started narrating what he remembered as she laughed because of that.

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon