CHAPTER 38

642 6 0
                                    

KINASA NILA ang baril na hawak nila habanv tinatanaw ang mga lalaki na nasa tawid lang ng highway. Nilakad nila ang magubat na daan habang si Katia naman ay naiwan sa sasakyan para makapunta kaagad. Hindi niya alam kung paano napunta rito si Xaia ngunit malakas ang kutob niyang may nangyayaring hindi maganda.

Kanina pa nila tinatawagan si Xaia pero hindi ito sumasagot na hindi nito ginagawa kaya nalaman nilang may mali.

"Tawagan ninyo si Katia mamaya. Hindi ko alam kung anong nangyayaro pero putangina," Bakas ang galit sa tono ni Ream pagkatapos ikasa ang baril "Walang kwenta yung ibang pulis. Ang tagal nilang dumating."

"Let's just kill these motherfckers instead of waiting for them." Suhestiyon ni Akilina na sinang-ayunan ng lahat "Just kill them. That's it."

"Hanapin ninyo kaagad si Xaia. Kung ganito ulit ang nangyari, wala akong ititirang buhay sa kung sinong may pakana nito." Sabat ni Reich na tinapakan ang sigarilyo at malamig na nakatingin sa mga lalaking nasa tawid

Wala na silang sinayang na oras at kaagad na sumugod papunta sa warehouse. Lahat sila ay marunong sa pag hawak ng baril, hindi lamang kagaya ng abilidad ni Xaia pero masasabing kaya na nilang ipagtanggol ang sarili.

Walang habas niyang pinaputukan sa ulo ang kung sino mang bubunot ng baril habang abala ang iba niyang kaibigan sa pagpunta sa mismong pintuan ng warehouse. Akmang babarilin na si Reich ng isang lalaki nang makita nito agad iyon at inunahan sa pagkalabit ng gatilyo diretso sa noo nito.

"These motherfckers think that they are better with handling weapons," Nilapitan ni Reich ang lalaking nakadilat ang mata ngunit may tumutulong dugo sa noo nito "Fuck you, bitch. I'm a woman." Tinapakan niya ang mukha nito dahilan para masuka-suka siya ngayon

"The fuck, Reich." Saad niya na hindi maipinta ang mukha

"What?" Inosenteng tanong nito sa kaniya na para bang walang ginawa na kahit ano

"That's not how you kill a motherfkcr, Duchess," Malamig na tugon ni Akilina at itinutok ang nguso ng baril sa lalaking papalapit na sa kanila "This is how you do it."

Hindi niya alam kung matatakot o magagalingan sa sunod-sunod na pagbaril ni Akilina sa ulo ng lalaki dahilan para sumabog ang mukha nito.

"Xaia!" Napatingin silang lahat sa loob ng warehouse at dali-daling tumakbo nang marinig si Ream na sumigaw

"What happe---Xaia!" Akmang papasok siya nang marinig niya rin ang sigaw ni Kannika pagkabungad nito kay Xaia na ngayo'y punong-puno ng dugo ang hita

"Si Xanthrus, Kannika. Iligtas mo siya..." Wala sa sarili nitong sambit habang nagpapadala na lamang may Ream at Kannika papalabas ng warehouse

Hindi niya alam kung anong uunahin nang makita si Xanthrus na nasa sahig at pawang duguan. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magalit at pumatay pero tanging pag-upo lamang sa sahig ang nagawa niya.

"Xanthrus..." Nag simulan tumulo ang luha mula sa kaniyang pisngi habang malungkot na nakatingin sa walang buhay na katawan ng kaniyang kaibigan "Para ka namang tanga 'e. Ang pangit naman ng biro mo."

Lumuhod siya para daluhan ang kaibigan. Pilit niyang pinipigilan ang luha na walang habas na kumakawala sa kaniyang pisngi.

"Siri, tara na... Si Xaia..." Ava said while looking at her with sadness "She needs us. Please, Siri. I need you too."

"I'll be there," Walang gana niyang sagot at hinawakan ang nakadilat na mata ni Xanthrus para ipikit na ito "You did everything to protect her. Magpahinga ka na, Xanthrus."

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili bago daluhan ang mga kaibigan na pinapakalma rin si Xaia. Bakas ang lungkot sa mukha nilang lahat.

"Please, tell me that this is a dream. A nightmare." Marahang bulong nito ngunit narinig pa rin ito ng mga kaibigan

Nagsimulang maiyak ang iilan nang makumpleto sila sa labas ng warehouse kung saan naganap ang madugong labanan. Gusto niyang magwala sa galit dahil hindi niya alam kung sino mismong gumawa ng kahayupan na ito. Gusto niyang pumatay, gusto niyang iparamdam ang galit na nararamdaman niya ngayon.

They all looked at Xaia with sadness, pity and unnamed emotions in their eyes. If Xanthrus is just here, he can definitely make her calm. But not anymore. He died. He is dead and that fact won't be change.

"Rest now, Xaia." Binuksan ni Kannika ang telepono at tumawag "Ready the emergency room. We're coming."

"Mam, wala po si Kent Cordoval sa mga namatay na armadong lalaki." Napatingin silang lahat sa pulis na kumakausap kay Ream na ngayo'y pinipigilan ang sarili na maiyak

"Look for that son of a bitch. Dead or alive." Utos nito sa kapulisan kasabay ng pagdating ang ambulansya galing sa ospital ni Kannika

"Xanthrus! Ang anak ko!" Napatingin siya sa ina ni Xanthrus na tumatangis habang nilalabas ang bangkay ng anak galing sa warehouse

Alam niyang tinitibayan lamang ng iba niyang kaibigan ang loob dahil sa nangyayari ngayon. Halatang nawalan sila lahat ng lakas sa kung ano mang dinaranas nila ngayon. Nakakapagod. Pagod na pagod na siya ngayong araw.

"I know that this is a lot to take in but we need to be strong. For our friend." Garagal na saad ni Chaz na ngayo'y umiiyak na dahil sa kalungkutan

Napahinga na lamang siya nang malalim at napatingin sa makulimlim na kalangitan at umaasa na sana'y panaginip lang ang lahat ng sakit buhat ng araw na ito.

Everything is so tiring. I just want to rest.

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon