CHAPTER 37

707 12 4
                                    

DALAWANG ARAW na ang nakalipas noong huling bumisita siya sa bahay nila. Hindi siya masyadong makabisita dahil sa sobrang dami ng trabaho. Ganoon din ang pagdamay niya sa kaibigang nagluluksa dahil namatayan ng ina.

Minsa'y naisip niya na suwerte pa siya dahil matagal niya pang makakasama ang Mama niya, hindi kagaya ni Xaia na kung kailan bumabalik ang loob nito ay tsaka kinuha nang maaga ang ina.

"Anong oras tayo pupunta sa burol ni Tita Catherine, Siri? Ayoko ng bad vibes pero sobrang nalulungkot ako para kay Xaia." Salubong sa kaniya ni Ava pagkapasok niya sa bar na pag-aari nito

"Mamayang hapon na. Nandon pa yung pamilya ni Xaia. Sila na muna. Medyo mabigat din ang pakiramdam ko," Napabuntong-hininga siya bago umupo sa bar island para magsalin ng isang baso ng brandy "Alam mo naman kung anong pinagdaanan ni Xaia noon. Sobrang bigat. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin niya para makatakas sa bangungot na 'to."

"Sana lang hindi niya tayo ipagtulakan kagaya ng dati," Umupo na rin ito sa tabi niya "Nalulungkot ako para sa ating lahat. Hindi ko na alam gagawin sa buhay ko."

"Care to share?" Itinaas niya ang baso para sa pagkampay

"Hindi na. Basta nandyan kayong lahat. Kahit wala kayong sabihin, maramdaman ko lang na hindi ninyo ako iiwan, ayos na ako."

"Hindi ka okay pero kung gusto mong huwag akong mangialam, sige lang. Basta one call away kami kahit pang-asar ka." She chuckled as she drank the glass of brandy on her hand

"Aga mo namang uminom. Buti pa ako," Itinaas nito ang isang baso ng gatas "Healthy living lang."

"Sa ating dalawa, ikaw ang panay inom at sigarilyo kaya huwag ako. Ako ang healthy living dito."

"Healthy living ba pagiging kabit? Ayoko subukan. Baka mapaaway nanaman ako," Sinamaan niya ito ng tingin at pagkuwan ay tumawa rin naman. Hindi siya naooffend kung galing sa kaibigan ang insulto "Sana naman itinigil mo na ang kung ano mang plano mo. Gusto kita sabunutan 'e. Pasalamat ka kaibigan kita."

"Hinihintay ko tawag niya pero wala pa rin. Matagal na kaming hindi nag-uusap," Malungkot niyang sabi at pumangalumbaba "Dapat pa ba akong maghintay?"

"Alam mo, nakakabobo ka. Hindi ko nga alam bakit sa dami-dami ng nagkakandarapa sayo, sa lalaking nakatali at maputi ka lang nagkagusto 'e," Saad nito na para bang hindi makapaniwala sa desisyon niya "Sa totoo lang, hindi ko gusto ang ginagawa mo. Mali yan. Hindi porket kaibigan kita, ikaw na kakampihan ko. Sobrang mali nyan, Siri. Gumising ka nga."

"Aray hah! Ang sakit mo magsalita, Avaniella. Tagos e."

"Kahit gaano pa kasakit tong pinagsasabi ko, patuloy kang kakabit kasi tanga ka. Masaya siguro maginf kabit kaya hindi mo mapigilan," Puno ng sarkasmong pasaring nito sa kaniya "Maawa ka naman sa anak nila, Siri. Maghanap ka nalang nung walang sabit. O gusto mo, yung kapatid niyang kwinento mo. Tutal mag kamuka naman."

"Mandiri ka nga. Kapatid niya yun 'no. Ayoko namang patulan silang dalawa," Umirap pa siya para ipakitang hindi siya payag sa gustong mangyari nito "Tsama galit sakin si Dean. Baka ibaon pa ako nang buhay non."

"Ay, Siri! Mas mandiri ka sa kabit. Mas nakakadiri yun."

"Alam ko naman."

"Alam mo pala 'e. Bakit ayaw mong tigilan?" Tinaasan pa siya nito ng kilay na para bang isang kalokahan ang sinasabi niya "Ano yun alam mo pero ayaw mong gawin ang tama?"

"Hindi ko nga alam." Pag-iwas niya sa tinatanong nito. Wala na siyang balak sagutin ang kahit ano dahil alam naman niyang tama si Ava.

"May tumatawag sa telepono mo. Sagutin mo na bago pa kita mabatukan. May aayusin lang ako."

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon