CHAPTER 20

675 9 0
                                    

MINSAN naiinis siya dahil sobrang pawisin niya kaya hindi niya nakakaligtaan na magdala ng baong damit. Pumasok siya sa banyo na hindi kalayuan sa lugar kung nasaan ang buong medical team. Akmang isasara niya ang pinto nang pumasok si Sidney at pinigilan siya.

"Sidney! Bakit ka nandito?!" Mahinang sabi niya bago isinara ng binata ang pinto sa likuran nito "Baka may makakita sa atin. Ano ka ba!"

"I've made sure they won't. The Governor is already there, talking to the Duke. The team is eating." Akmang lalapitan siya nito nang umatras siya para umiwas "Siri, hindi tayo okay."

"We're okay, Sidney. Umalis ka na," Humakbang muli siya paatras nang lapitan siya muli nito

"What's on your mind, Siri? Something's bothering you." It wasn't a question but a statement.

"Ayos lang. Pagod lang ako," Umiwas siya rito ng tingin ngunit agad nitong hinawakan ang baba niya para humarap siya rito

"No. We are not okay because I can see that you're being distant," Tinitigan nito ang mga mata dahilan para malunod nanaman siya sa emosyon na matagal na niyang gusting kalimutan "Tell me, baby. What's wrong?"

"Nothing's wrong except from you," Tinabig niya ang kamay nito "I don't know what you feel towards me, Sidney. You're showing mixed signals."

"Is that it?" Kinulong siya nito sa isang mahigpit na yakap "You should've told me, Siri."

"Wala ka rin namang gagawin. Bakit ko pa sasabihin?"

"I don't know how to sort this feeling but once thing's for sure," Tinitigan siya muli nito sa mata at marahang ngumiti "I don't want to lose you. Not again, baby."

"What about your wife? Your children? Sidney, this is so wrong," Umiwas siya ng tingin at inalis ang kamay nito na nakahawak sa kaniya "Ayoko na ng ganito. Pagod na akong makihati."

"There's something called annulment," Para siyang na-estatwa sa sinabi nito. Hindi niya alamg kung ano ang unang mararamdaman dahil sa unang pagkakataon, siya ang pipiliin nito. "It makes me jealous when you're with the Duke. I didn't," Hinaplos nito ang pisgi niya "Feel this with Lareign, Siri. Just you."

"Sidney..."

"I don't know why I feel these emotions, Siri. I got confused," Sumandal ito sa balikat niya na para bang pagod sa kung saan "Pagod na akong maging mabuting anak para sa magulang ko. Pagod na akong pilitin mahalin si Lareign dahil kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan."

"Veronika, are you there?" Napahiwalay siya sa yakap nito nang marinig ang boses ni Adam "The governor is also looking for you."

"Oo, Adam! Teka lang," Tinignan niya si Sidney na kaagad naman nagtago sa isang cubicle "Masyado kasi akong pawis 'e."

"I should've waited for you here," Agad na saad nito nang mabuksan niya ang pinto at sumilip sa loob

"Wala namang tao diyan, Adam." Kabado niyang saad bago ito hinila paalis doon "Grabe kasi yung pawis ko. Tagaktak."

"The governor is looking for you. I told him I'll fetch you because you're talking with your investors,"

"Sana sinabi mo nagpalit lang ako ng damit," Napatigil ito sa paglalakad at kunot-noo siyang tinignan "Bakit nanaman?"

"If I told him that, then he will surely imagine how you undress yourself." Hinawakan siya nito sa palapulsuhan at tumuloy muli sa paglalakad

Hindi na siya nagsalita at nagpaanod na lamang sa binata para wala na silang pagtalunan. Sanay naman na siya sa pagiging 'protective' nito dahil magmula pa noong kolehiyo ay ganoon na talaga ito sa kaniya. Hindi na siya nakikipagtalo at sumusunod na lamang dito dahil alam niyang kapakanan lamang niya ang iniisip nito.

"Architect Semberova!" Saad ng gobernador bago siya kamayan na halatang galak na galak "Hindi ko alam na nandito ka rin pala."

"My brother and I have been helping Mr. Chua with his charity works, Governor." Ngitian niya ito bago naramdaman ang paghawak ni Adam sa likuran niya

"Really? How's your brother? Daniel is an aeronautical engineer, right?"

"Yes, he is. But he insisted to help me with our architectural firm. He's a great leader so I never doubted my brother in helping me with the firm," Sagot niya nang mahimigan ang pangmamaliit na tono nito sa kapatid. Alam naman niyang hindi na tinuloy ni Daniel ang pagiging inhinyero nito noon nang umunlad ang kumpanya dahil nais nitong tumulong sa kaniya

"Actually, an airline in Germany wants Daniel to be a part of their airline," Mas hinapit siya ni Adam papalapit nang mapansin ang malagkit na tingin ng gobernador sa kaniya "I will do everything in my power to eliminate people who will try to degrade and destroy them, Governor."

"I see." Kinakabahang sagot nito sa binata bago ito nagpaalam para umalis na

"Shitheads like him shouldn't be in the government," Walang pakialam na saad ni Adam bago siya balingan ng tingin "Let's just go to Cisco's house, Veronika. I don't want to talk with that asshole."

"He's a governor, Adam." She warned because some people might hear what he's saying

"And I'm Duke Adam of the House of Beinlich. Does it make him powerful enough to destroy me?"

"Alright, Herzog. Let's just go to Dr. Fong so we leave," Tinignan niya ang gawi ng mga dentista na kumakain nang magtama ang tingin nila ni Sidney

I can't fucking breathe.

"What's wrong?" Napansin ni Adam ang paghinto niya kaya agad niya itong hinila papunta kay Dr. Fong na ngayo'y nakikipag-usap sa kapwa doktor nito

"Doktora, aalis na po kami. May pupuntahan pa po kasi kami malapit lang sa hotel,"

"I'll ask the driver to get back here to fetch you,"

"Ganoon ba? Sige. Aalis na rin kami mamaya pagdating ng barangay captain. Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?" Tanong ng doktora nang may pag-aalala "Kumain na muna sana kayo bago umalis."

"Hindi na po. Busog pa naman po kami," Ngumiti siya sa ginang bago nagsabi ng paalam "Alis na po, Doc."

Agad silang pumunta sa kinaroroonan ng gobernador para magpaalam na. Nagkamayan lamang sila dahil sa tensyon na namuo kanina lalo na't kilala si Adam bilang isang lalaki na kayang tanggalan ng karapatan ang kahit sinong umalma rito. Kahit ata hindi sila isang pamilya na namuno sa Alemanya noon ay magiging makapangyarihan pa rin sila dahil sa mga kumpanya na itinayo ng mga Beinlich.

"Sir, babalik pa po ba ako roon?" Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang tanong ni Manong Edgar na ngayo'y nagmamaneho na

"Yes. You need to fetch them," Kumunot ang noo nito dahilan para matawa siya

"Opo, Manong. Babalik daw po kayo roon para sunduin sila." She translated what he just said because Manong Edgar didn't get what he said

"Ang bait nitong si Duke, Mam. Tingin ko nga isa na rin akong mahalagang tao kasi nakakasalamuha ko siya rito sa isla,"

"Nako, Manong. Tao rin naman poi tong si Adam," She chuckled as Adam's ears started turning red "Tignan mo nga, Manong. Namumula pa ang tainga niya."

"Veronika," He said in a warning tone that made her shut-up "Salamat po, Manong. Pero hindi naman ako ganoon ka-importante po."

Hindi nila napigilan na matawa nang malakas dahil sa pagsasalita nito ng Filipino. Minsan lamang itong magsalita kaya natatawa siya tuwing naririnig niya ito.

"Opo, Sir. Naiintindihan ko. Marami rin akong foreigner na kakilalang hindi pa bihasa sa Filipino," Pampalubag-loob ni Manong Edgar sa binatang nakasimangot na ngayon dahil sa hiya

Adam is a Duke of the House of Beinlich but he's still the snobbish duke she knows.

Well, a snobbish and childish Duke suits him.

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon