CHAPTER 15

794 13 0
                                    

NGAYONG umaga ang nakatakdang oras para pumunta sila sa isang barangay na hindi kalayuan sa lugar na pinaglalagian nila. Binigyan sila ng numero dahil isang van ang gagamitin para sa labing-dalawang tao na ibinigay ni Adam. At sa kapag minamalas nga naman, magkakasama silang tatlo sa Team B kaya hindi niya alam ang kakahinatnan ng araw.

She chose to wear a black leggings paired and white v-neck shirt paired with rubber shoes so she can comfortably move since they need to go to Brgy. Malinao and Brgy. Catangnan. The head doctors per team are already calling the volunteers because they have to be early.

"My head really hurts," Napatingin siya kay Joyce na walang ibang ginawa kung hindi ang magreklamo habang naghihintay sila "Adam, can I sit with you later?"

"Ask Veronika if she wants to sit beside the window or not." Walang pakialam na saad ni Adam at tinuloy muli ang pakikipag-usap sa telepono

Ang gandang almusal naman nito.

"Go and sit beside him. The hell I care," Walang pakialam niya ring tugon para itago ang inis na nararamdaman niya sa babae. Hindi naman siya nagseselos, sadyang naiirita na lang siya sa ugali at pakikitungo nito sa ibang tao na para bang kaya niyang bayaran lahat ang nandoon

"See, Adam. She said yes," Nakangiting saad nito sa binatang walang pakialam na nakikipag-usap pa rin sa telepono

"On second thought, I want her to sit beside me too." Napatingin siya sa tinitignan ni Adam at napagtanto na si Sidney iyon, dala ang kagamitan para sa libreng check-up mamaya

"Good morning, everyone! Eyes here," Panimula ng head doctor na si Dr. Fong na isang physician "As what I have said earlier, pupunta tayo sa Brgy. Malinao at Brgy. Catangnan ngayong araw. Magbabahay-bahay tayo para sa magchecheck-up ng mga bata at matatanda. Maiiwan ang Dental Team sa tents na inayos na kahapon ng mga barangay captain."

"So our team will be divided into two?" Matamang tanong ni Adam atsaka siya pinasadahan ng tingin "I suggest that the volunteers without any background in medical field will join the physicians for check-up."

"Adam, it is better to also divide us. Mas mahirap ang trabaho kung sasama tayo sa iisang grupo." Sagot naman niya dahil alam niyang mag mahihirapan ang mga propesyunal na kasama nila kung nasa isang grupo lang sila

"We can arrange the team, Mr. Beinlich. Do you want to," Pinutol niya ang sasabihin ng doktor. Halata naming ayaw nito sa suhestiyon ni Adam pero wala itong magawa

"No. Do as you please. Mr. Beinlich will let you handle your job," Nilakihan niya si Adam ng mata at mariing nagsalita para sumunod ito "Right, Adam?"

"Yes. Do as you please," Malamig na tugon nito marahil ay iniisip na gusto niya lang na makasama si Sidney na hindi naman niya talaga intensyon. Mukang mas mahihirapan siyang hingin ang kapatawaran nito.

"For the Dental Team, Mr. Lao and Mr. De Guzman will be accompanied by Architect Semberova, Duke Beinlich and Miss Bernal. While Miss Sanchez and De Leon will accompany us," Nagsitanguan naman sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ng doktora maliban kay Adam na halatang hindi nagustuhan ang desisyon nitong pagsamahin sila kasama ni Sidney "Magkakasama tayo papunta ron pero iiwan naming kayo sa mga tents na itinayo sa bawat barangay. May stub din na binigay at listahan ng mga tao sa barangay. Madali lang din siguro tayong matatapos dahil anim na teams tayong pupunta 'ron."

Naghintay sila nang ilang minuto bago dumating ang van na sasakyan nila papuntang tents kahit na malapit na sila ron. Sa Brgy. Malinao ang hotel ni Xanthrus pero medyo malayo ang tents na pinagtayuan dahil doon ang barangay hall.

They cannot just walk because they have the medical equipment and supplies with them. There should be a proper handling and transportation to avoid getting it contaminated.

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon