CHAPTER 41

756 13 0
                                    

This story is completed but I decided to add some chapters to celebrate my 1k followers. And also, as a thank you na rin. Hehe. <3

----

ADAM STARTED cooking at his kitchen while wearing his own apron which she bought as his birthday gift. She also asked Xaivana to design the kitchen solely for Adam as her 'sorry gift' for what happened for the past years. She wants herself to heal. Not just for herself but to give Adam a chance.

Nang mamatay si Xaia, nagsimula na siyang buuin ang sarili muli dahil alam niya kung ano ang hiling ni Xaia noong nabubuhay pa ito. Gusto ng kaibigan na magkaroon siya ng pagmamahal na walang kahati. At magkaroon ng kapatawaran mula sa sarili at sa babaeng inigawan - si Lareign. 

"What are you thinking?" Napatigil siya nang marinig ang baritonong boses ni Adam. Humilig ito sa kitchen island at tinitigan siya. "Care to share?"

"Wala naman." Humalukipkip siya at tinitigan ang mga magagandang mata nito. "Naisip ko lang na hindi ko deserve na nandito ka. Kasi deserve ko ng karma." 

"Well, being not chosen by your first love is a karma." Saad pa nito habang inihain ang nilutong Königsberger Klopse. "Losing a lot of money is a karma. Your mother getting angry at you is a karma. What more can you ask for?"

"I know, I know. Pero minsan iniisip ko na hindi ko deserve sumaya." Malungkot siyang ngumiti at kinain ang luto nito. "Gusto ko lang magsorry sa kaniya. Nang walang doubt. Yung totoo. Yung sincere. Yung may acceptance."

Tinaasan siya ng kilay ng binata. "Who?"

"Lareign. You know her. I've been talking about this for ages, Adam." Inirapan niya ito at itinuloy ang ginagawa. "Gusto ko lang magkaroon ng closure kasi ang hirap magmove-forward nang alam mong nakasakit ka. You know? I want a clean slate."

"Then, talk to her. I know their house."

"You know what?" Gulat niyang sabi. Noong nangyari ang kumprontasyon sa restaurant niya, wala na siyang narinig mula sa dalawa. Masyado siyang nalunod sa nangyari kay Xaia kaya kahit ang sarili niyang kumpanya ay nalugmok. 

"I've been helping her about the twins since she doesn't want her husband. And," Malamlam itong tumingin sa kaniya at pinunasan ang sauce na nasa gilid ng labi niya. "I want to do things to make your burden lifted. I don't want you to live like a prisoner by your conscience forever."

"Do you think she'll forgive me? I mean, I know that what I did was really, really," Humina ang kaniyang boses. "Unforgivable."

"What you did is really unforgivable, Meine Liebe. I can't say that you were an exception with my anger about cheaters. I was angry. For years. I told myself that you were not special. Just a random," Tumikhim ito na parang iniisip pa kung ano ang sasabihin. "Girl."

"Alam ko naman. Kaya nga gusto kong magsorry at gawin ang lahat. Nagsisisi. Sobrang nagsisisi ako." Kusang pumiyok ang boses niya nang maalala ang mga ginawa. 

Siri has been fighting her demons. She even blamed that Xaia must've died because of her wrongdoings. She thought that she became the reason why Sidney and Lareign's children do not have a father. It's all of her fault. Because of her impulsiveness and stupidity, everything was ruined. And now, her company is also at stake. 

"I can help you with your company. You know that, right?" Malambing nitong sabi at nilapitan siya upang yakapin.

"No. Please. Let me handle this. I deserve this, okay? Let me." Puno ng pagsusumamo niyang saan. 

"I respect your decision. But always remember that I am here. If you need anything, don't hesitate to say it to me." Malambing na sabi pa nito na ikinatuwa niya. Kahit gaano pa kapilit si Adam ay hindi niya puwedeng tanggapin ang tulong nito. Ayaw na niyang masabihan na manggagamit lalo na at nagiging mabuti na ang pagsasama nila. 

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon