CHAPTER 26

550 7 0
                                    

MAKALIPAS ANG halos isang oras ay nakarating na sila sa Magpupungko Rock Pools na talaga nga namang nakakatulala sa sobrang ganda at linaw ng tubig. May parting mapuno at mabato rin ito na swak para sa cliff jumping.

"Wala masyadong pumupunta ngayon dito dahil alam ng gobernador na pupunta kayo ngayong araw kaya pinabantayan ang paligid," Paunang sabi ni Dennis na kinukuha ang ibang damit na nasa bangka

"Iba talaga kapag may kasamang importanteng tao," Saad din ni Pathos na kanina pa abala sa pagtulong habang sila namang mga kababaihan ay naunang bumaba mula sa bangka

Naglakad siya sa pinong buhangin ng tinaguriang 'Hidden Gem of Siargao' na talaga nga namang hindi dapat palagpasin kung pupunta ang isang tao sa Siargao. Bukod sa tinaguriang Cloud 9 kung saan ay kinilala itong surfing spot, hindi rin magpapahuli ang rock formations na nagsusumigaw ng kagandahan ng buong isla.

Everything seems too unreal. From the crystal clear water and epic rock formations, everything is beyond beautiful.

"Picture tayo, Seraina!" Tawag sa kaniya ni Kyla na kasama ulit si Romeo na nakapameywang pa "Kanina niya pa gusting magpicture pero sinabi kong dapat kasama ka. Tara na!"

"'Te, baka bet mong bilisan? Tara na dali!" Pumunta siya sa puwesto ng mga ito na malapit sa rock pool at agad na tumabi para magpakuha ng litrato "Say Hotdog!"

"Hotdogggggggg!" Natatawa nilang saad atsaka ngumiti

"Pahiram ako. Picturan ko kayo!" Suhestiyon ni Pathos na pumunta rin sa kanila "Tapos picture rin ako ah!"

Kyla handed him her phone as they posed like some sort of beach babes in magazines. She really laughed hard when Romeo did a split in front of them. She's sure that Pathos captured that candid shot.

"Puwedeng pang-commercial si Seraina. Alagang dentista!" Tumatawang saad ni Pathos nang ibinigay kay Kyla ang telepono nito

"Magaganda naman silang lahat sa BC. Nako! Kung babae lang ako, sumali na rin ako diyan. Kaso hindi pa ako masyadong on top sa business 'e." Sabat naman ni Romeo na ikinailing niya "Botomesa naman ako lagi. Since birth!"

"Romeo, ayusin mo nga sinasabi mo. Tinatakot mo si Seraina!" Asar ni Kyla na may pagpalo pa sa braso ng kaibigan

"Bottomless iced-tea kasi, girl!" Mataray naman na pasaring nito sa asar ni Kyla "But kidding aside, solid talaga line-up nila. Kaso takot kami kay Xaia Akiyama. Yung haponesa. Grabe mandurog yun, sisteret!"

"Mandurog?" Kunot-noo niyang tanong

"Siya yung nagpabagsak as Tech Companies na bumabangga sa kaniya," Pumalakpak pa ito na para bang isang karangalan na mapag-usapan nila si Xaia "Super hanga ako sa inyo. Kapag talaga ako nagmana ng kumpanya namin, papa-under ako kay Ms. Lajani!"

"Gandahan mo muna pamamalakad mo para mag-under ka sa Lajani Construction Company! Baka ikaw pa gawin nilang haligi kahit di ka straight!" Pang-aalaska pa ni Kyla dahilan para humalakhak sila sa kakatawa

"Ganda ko namang haligi, sis?" He flashed a smile and battered his lashes

"Nakakaloka ka!" Nawiwindang na saad ni Kyla na todo pa rin sa pagtawa dahil sa sinabi ni Romeo

"Maligo na tayo! Ang linaw ng tubig, nakakaenganyo tumalon!" Itinuro ni Pathos ang tuktok ng isang malaking bato kung saan puwedeng mag-cliff jumping "Tara na!"

Dali-dali silang nag-akyatan sa bato habang ang iilan ay inaayos ang tent na tutulugan nila mamaya. Halos malula siya at matumba dahil sa taas ng bato na inakyatan nila pero alam niyang mas masaya kung mas mataas.

"Kumapit kayong maigi," Paalala ni Pathos na patuloy hanggang sa tuktok ng malaking bato at tinulungan din silang makasampa roon "Grabe. Ang ganda talaga rito. Parang ayoko na umalis."

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon