CHAPTER 31

625 13 3
                                    

DUMAAN ang ilang linggo matapos ang aksidente sa ospital ngunit wala pa ring nakukuhang lead kung sino ang nag-utos sa lalaki. Naging tutok si Xaia sa pagbabantay sa nobyo kung iyon ang matatawag sa kaibigan. Nagkanya-kanya rin muna silang buhay dahil balik nanaman sila sa trabaho.

Ngayong araw ay kailangan niya munang dumaan sa furniture at light fixtures shop para maayos na ang bahay nila Sidney. Mabilis gumawa ang mga trabahador ni Ream kaya walang naging problema lalo na't si Ream din ang nagmamando roon dahilan para ayusin nila ang kailangang ayusin. Kikitain niya rin ang interior designer para matapos na ang loob ng bahay.

"Miss Siri," Patuloy pa rin sa pagtipa si Freya sa tablet na hawak "Miss Andaya said that she's on her way. Puwede kayong dumiretso sa furniture and light fixtures shop bago ipadala yun kila Mr. Lao."

"Minimalist design ang gagawin. More on plants, whites and light brown ang kulay para sa loob," Inilabas niya ang color wheel at tinignan kung anong color palettes ang puwedeng idagdag "Mas may alam siya sa ganito. I'll leave the job to her. Afterall, we have our own role in building the house."

"Should I contact our partners for the furniture, Miss Siri?"

"Yes, please," Kinuha niya ang proposal sa drawer bago muli magsalita "Natawagan mo na ba yung secretary ni Adam tungkol sa business partnership?"

"Oo pero laging sinasabi na puno ang schedule for meeting kaya wala pa rin akong update kung kailan tayo puwedeng makipag-usap."

"Let's wait for their further notice. For now, asikasuhin muna natin lahat nf on-going projects para matutukan ng architecture department ang construction," Pinirmahan niya ang huling plano na kailangan para makakuha ng building permit sa city hall "Kailangan ko rin pala tignan yung perspective para ma-approve na yung designs para sa subdivisions."

"Ipapakita ko po yung manual render na gawa ng architecture department para sa rough sketch."

"Good to know," Tumango siya at marahang hinilot ang sentido "Nasaan na si Miss Andaya? Paki-contact ng furniture shop na branch ng partner natin. Paki-open kamo yung bodega para mas makapili."

"I already did, Miss Siri. Nagrequest na rin ako sa designer na maglabas ng furnitures para sa minimalist designs. Ganoon din sa light fixtures."

Marami pa siyang nilinaw kay Freya bago tuluyang dumating si Xaivana Andaya na nagtratrabaho rin sa firm nila bilang isang interior designer. Nakasuot ito ng tube na pinaresan ng denim jacket at pants na bumagay na suot nitong sunglasses at heels.

"Goodmorning, Miss Seraina." Nakangiti nitong bati sa kaniya "Not a fan of corporate attires." Umupo ito sa upuan na katapat ng lamesa niya

"It's okay. Wear what you want to wear. It's not a big deal," Tumayo siya para kamayan ang babae "Anyway, I hope you already know the plans for this project."

"I already saw the exterior design. Minimalist design interior surely fits with the architectural design of the house," Tumango-tango pa ito bago i-zoom in ang kulay ng pader ng rough sketch "Kailangan ko lang makita yung bagay para mas makita kung anong bagay."

"Is it okay to use plants, white and light brown color scheme for that or should we pick another set of colors? What do you think?"

"I suggest that we can use dark wood for the floorings instead of tiles to make it more modern and edgy," Nilabas nito ang tablet at ipinakta ang rough sketch design ng loob ng bahay "For the paint color, we can use simply white. For the accents, san antonio gray and gauntlet gray will surely make the design look minimalist."

"That's better. How about the plants? Can we add those? The succulents?"

"We can use creative pots for the plants or maybe, use brass rings to hang them inside the house," Xaivana opened the browser to search for plants "Strelitzia Nicolai or Bird of Paradise can be a great indoor houseplant. It can filling a wide, tall well-lit space because of its symmetrical shape and large oval-shaped canopy type leaves."

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon