CHAPTER 28

530 8 3
                                    

"MUKANG marami ka yatang iniisip?" Umupo si Sidney sa tabi niya dahilan para matigil ang pag-alala niya sa nangyari noon "Care to share?"

"Wala naman. Nagagandahan lang ako sa tanawin," Pagsisinungaling niya para hindi na ito magtanong. Alam naman kasi niyang marami nanaman itong sasabihan kung totoo ang sasabihin niya. Ayaw niya muna ng maraming diskusyon. "Tapos na yung tent di'ba? Hindi raw magbobonfire kaya diretso tulog nalang mamaya?"

"Yes. I need to talk to Pathos later for the construction of our clinic," Pagpapaalam nito sa kaniya na para bang may halaga ang kaniyang opinion. "Matulog ka nalang agad. Unless, may gagawin ka pa bago matulog?"

"Pagod din ako ngayong araw," Nag-inat siya ng kamay para mas mapaniwala ito. Hindi siya makakatulog kung hindi niya tatapusin ang kung anong meron sila ni Adam. "For sure, makakatulog ako kaagad."

"Buti naman," He looks relieved by the thought of her, sleeping early. "It is good that the Duke is distant. But I know he needs to talk to you regarding partnerships for your firm."

"Indeed. Kailangan kong makuha ang partnership sa D.K.A. para dumami ang international offers. Masyadong maraming kakumpitensya sa architecture industry kaya kailangan ko ng kilalang kumpanya sa likod ko."

"Bakit nga pala hindi ka nag-snorkel kanina? Marami pa namang magandang isda sa paligid ng isla. Sayang naman kung hindi mo makita."

She shook her head and said, "Masakit yung hita ko kanina. Kakalangoy siguro kaya ganoon."

"Sigurado ka ba?" Tinignan nito ang paa niya kung saan siya nasugatan noong nakaraang linggo "Hindi ba dahil sa paa mo?"

"Ayos naman na 'to," Marahan niya pa itong inikot-ikot bago muli tignan ang lalaki "Malayo naman sa bituka kaya ayos lang naman."

"Seraina, do you have feeling for him?" Napatigil siya nang tanungin siya nito. Agad na kumunot ang noo niya bago magsalita.

"Adam? Of course, not. Bakit mo naman natanong 'yan?"

"He's been with you since college. I know some information that the public knows and I can say that you're perfect for each other. Both architects successful in their field," Malungkot itong ngumiti na para bang isang insulto rito na hind imaging kagaya ni Adam. "I can't help myself but to get jealous whenever he's around. I'm sorry."

"Hey, hey." Tawag niya rito para tignan siya "It's been eight years, Sidney. Kung kaya kong magmahal ng iba, matagal ko ng ginawa."

"By that you mean?"

"That I should've forgot you if I could." Umiling siya at ngumiti na para bang isang misteryosong bagay ang pagmamahal niya ito "Kahit ako nagtataka kung bakit ikaw at ikaw pa rin pinipili ko 'e."

"I'm sorry if you have to deal with all these things." Malungkot itong ngumiti dahilan para mapansin niya ang sugat nito sa gilid ng labi

"Anong nangyari diyan? Pumutok ba labi mo?" Akmang hahawakan niya ito nang umiling si Sidney

"Wala 'to. Gasgas lang. Tumama ako sa bato tas nadapa. " Sinimangutan niya ang lalaki dahil alam niyang nagsisinungaling ito

"Grabe naman? Sa lahat ng parte, sa labi ka talaga nagasgasan? At ganiyan pa?" Puno ng akusasyon niya itong tinignan at agad na napatigil nang dumating si Kyla na may dala-dalang kahoy

"Nagsuntukan sila ni Duke Adam kanina, sis. Nandon ka kasi sa kabila nag-swimming ka kaya hindi mo nakita kung paano nagwala si Duke." Gulat siyang napatingin dahil sa itinuran nito "Hindi ko alam bakit sila nag-away pero grabe, kung hindi lang siguro sila naawat 'e malamang bali na buto mo, Sid."

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon