•••••
|Yuan's POV|
Umunat ako pagkatapos naglabas ng mahabang buntong hininga. Napasandal naman ako sa sandalan ng swivel chair ko pagkatapos. May ikakapagod pa ba ang araw na ito? Tumayo na ako at inayos ang aking mga gamit. Kakatapos lang ng pag-aayos ng ni-record na bagong kanta ng Zerien. Nakakapagod magmanage ng banda pero masaya naman. Lalo na ang mga miyembro ng bandang inaasikaso ko ay may pagkaisip bata. At least, hindi ako ganoon nai-istress. Napabungisngis tuloy ako nang maalala ang mga mukha nila.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakitang may mangilan-ngilan pang taong natira rito sa studio. Nakita ko ang isang staff sa tabi na siyang madali kong mauutusan dito. Kagaya ng iba nag-aayos na rin siya ng mga gamit palatandaang naghahanda na para umalis. Tinawag ko ang agent ng banda ko. Napatingin siya sa akin at tumaas naman kaagad ang mga kilay niya. Napangiti ako sa kanyang inakto.
"Mamaya ka pa uuwi?" Tanong ko. Kinamot niya ang kanyang ulo at napatingin sa ibang bahagi ng studio. Sinundan ko naman iyon ng tingin na siya namang nagpangiti sa akin. Tumingin ulit ako sa kanya.
"Dami ko pang aayusin," sabi niya. "Bakit pala? Uuwi ka na miss?"
"Oo, e."
"Okay lang. Ako na ang bahala rito," sabi niya.
"Sigurado ka?"
Nag-thumbs up ito sa akin. "Yep!"
"Oh sige na. Baka katayin kasi ako ni Monica, e. Kanina pa iyon naghihintay sa akin," sabi ko at agad sinukbit ang bag sa aking balikat. Kumaway naman siya.
"Guys! Mauna na ako. Kayo na ang bahala rito," sabi ko sa kanila. Ang mga taong nakarinig sa akin ay lumingon at sumagot. Ang ilan naman ay tumango lang. Tiningnan ko pa ulit ito at pagkatapos no'n umalis na ako. I check my wrist watch.
"Oh shez! Lagot ako kay Yana nito," sabi ko sa sarili ko.
Dali-dali akong pumunta sa sasakyan kong naka-park 'di kalayuan sa pinto ng gusali. Nilakad ko ang pagitan nito at mabilis na sumakay. Binuksan ko naman kaagad ang makina. Papalabas na sana ako ng parking lot nang mag-ring ang phone ko. Nilagay ko ang isang bluetooth earpiece sa tainga ko at agad pinindot ang accept call. Hindi ko na inabala pang tingnan ang caller kasi kilala ko na kung sino dahil sa ringtone.
-Hello, Monica?-
-Bruhilda! Sa'n ka na?! Kaloka ka! Itong si Yana kulang na lang kalbohin ako!- Sigaw ni Monica sa kabilang linya
-Maghunustili ka riyan, bakla!-
-Magmadali ka!-
-Papunta na nga,e! Malapit na. Paki-usap kay Yana.- Utos ko sa kanya.
-Oy bubwit! Oh heto na.-
-Che! Stupid uncle na auntie!-
Dahil sa sinabi ni Yana hindi ko mapigilang matawa. Pagkatapos din no'n narinig ko pang may nag-aray. Si Monica iyon panigurado. Kahit parang aso at pusa ang dalawang ito kung magkulitan alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Isa sa palatandaang iyan ay paghingi kaagad ni Yana ng paumanhin nang marinig niyang nag-aray ang auntie niya. Nako. Kung nasa tabi siguro ako ni Yana ngayon nakurot ko na iyon.
-Hello, mommy?- Malambing na saad ni Yana nang makuha na niya iyong phone. Parang nawala ang lahat ng pagod ko nang marinig ko ang boses niya.
-Hello baby. Sorry. I think ma-la-late si mommy.- Paliwanag ko. Hininto ko ang sasakyan kasi nag-red iyong traffic light. Kung sa'n naman ako nagmamadali ganito pa ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...