•••••
|Yuan's POV|
"You're late." Pambungad ko kay James matapos nitong makapasok sa opisina ko. Maingat ang mga hakbang nito habang papalapit sa aking mesa. Habang ako naman ay mataman siyang tinitingnan.
"Ano kasi..." Nahihiyang sabi niya sabay napakamot sa likod ng kanyang leeg. Palihim akong napakagat sa aking labi. Ang cute lang e. "Sorry po." Paghingi niya ng paumanhin. Napatikhim naman ako. Umayos ka Yuan. Ano ka ba?!
"Bakit ka nalate, James? This is unusual. What happened?" tanong ko. Tama naman kasi.
"May nangyari lang po sa bahay kaya nahuli ako."
Tumango ako. Gusto ko sanang magtanong pero alam kong labas na ako sa problema nila. Family problem din naman iyon.
"Sana nagsabi ka man lang. Maski magtext para alam ko. What if may gagawin akong urgent tapos wala ka? You're my secretary James. You need to be by my side always. Not to mention your obligned to know my schedule for this day and tell me what is it."
"Sorry po."
"It's okay. Tapos naman din. Sana nga lang hindi na 'to mauulit."
"Opo."
Bumuntong hininga ako sabay tango. Ngumiti ako pagkatapos kaso nagtaka lang ako. Nakita ko kasi kung paano lumaki ang mga mata niya. May mali ba sa mukha ko? Ngumiti lang naman ako a. Hindi ko nalang pinansin iyon. Tiningnan ko ang relos ko at nagsimulang magligpit. Oras nang lumakad.
"Anyways, get your self ready." Tiningnan ko siya at saka tinuro ang sopa. Sinundan naman niya iyon ng tingin. Nandoon nakahiga ang isang damit na binili ko kanina. It's a dark blue colored suit. Dual purpose bilang driver ko ngayon at bodyguard. Isa din ito sa dinaanan ko kanina aside sa pagpunta sa parlor upang magpagupit. Napahawak tuloy ako sa buhok ko.
May nakaschedule na mall show ngayon ang Zerien. Actually mamayang alas kuwatro pa iyon pero marami pa namang dapat gagawin kaya pupuntahan ko na sila ngayon. Napatingin ulit ako sa relos ko. Alas nuebe y mendya. Hmmm.
Pumasok na si James sa banyo habang dala-dala ang binili ko sa kanyang damit. Sa katunayan hindi dapat ako pumunta rito sa opisina. Pwede nga e dumiretso ako sa bahay ng tatlong 'yon pagkatapos kong magpagupit. Dumaan lang talaga ako rito para kay James. Naitext ko kasi sa kanya na rito kami magkikita. Babaguhin ko sana iyon. Na doon nalang sa mall kami magkita pero hindi siya nagreply sa first message ko kaya pumunta nalang ako rito. Mabuti na nga lang at hindi siya masyadong nahuli kung hindi ay iniwan ko na siya't hindi isasama.
Nilagay ko na ang huling folder sa bag ko at sinara 'yon nang lumabas si James sa banyo. Ngising aso niyang pinakita iyon sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat. Tumango ako.
"Bagay na bagay sa 'yo."
"Ang galing mong pumili Euphe."
"Ako pa," natatawa kong sabi. Binitawan ko ang dalawang balikat niya. "Oh sige na. Umalis na tayo."
Bumalik ako sa mesa at kinuha ang bag ko. Nilapitan naman ako ni James at kinuha ang mga dala ko. Iling na binigay ko nalang iyon sa kanya. Ako na rin ang umunang lumakad.
"Nga pala Euphe. Saan tayo pupunta ngayon? At bakit ako nakaget up na malaJames Bond?"
"James Bond?"
"Ay mali yata. Mas gwapo ako kay James Bond e."
"Hay nako ka talaga. Kahit kailan ang hambog mo pa rin."
"Nagsasabi lang kaya ako ng totoo!"
"Ewan ko sa iyo," sabi ko at pinindot na ang buton ng elevator. Sandali lang ay bumukas naman ito. Wala itong kalaman-laman. Kung sa bagay. Oras pa naman ng trabaho. Sumakay kami, siya naman ngayon ang pumindot sa buton.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...