BM 26

708 34 8
                                    

•••••

|JD's POV|

Nasa isang mall kami ngayon. Kasalukuyang nagpe-perform ang Zerien sa itaas ng entablado. Nasa isang tabi naman nakatayo si Euphe. Inaayos niya ang bangs niyang tumatabon sa kanyang mga mata. Gusto ko sana siyang lapitan pero abala ako sa pagbabantay ng mga fans ng tatlo. Pilit kasing pumapasok ang mga 'to kahit na may harang. Napatingin naman ako sa taas. Nakita kong puno ng mga tao sa ikalawa at ikatatlong palapag. Napailing nalang ako.

Nagtagal ng dalawang oras ito. Pagkatapos nilang kumanta ay pinahintulutan ni Euphe na pa-akyatin ang mga fans na may dalang album para malagyan ng pirma. Maraming natuwa. Maraming hindi maipinta ang mukha sa saya. Ramdam na ramdam sa paligid ang kasiyahan. Natapos naman ito ng walang problema. Ngayon nga ay papauwi na ang tatlo. Nasa kanilang van na ito. Nasa may harap ng manibela naman ako. Hindi pa kami maaring umalis kasi hinihintay pa namin si Euphe na may inaasikaso lang saglit.

"JD!" tawag sa akin ni Jayden. Lumingon naman ako sa likod. Bumungad kaagad sa harapan ko ang mukha ni Jayden kaya lumayo ako ng kaunti. Magkapalit pa kami ng mukha ng wala sa oras e. Tiningnan ko naman ang nasa likod niya. Si Ythan naman ay may kausap sa telepono. Narinig ko pang may sinabi siyang... Danica? Hindi ako sigurado. Hindi ko nalang iyon pinagtuonan ng pansin. Si Lyth naman ay natutulog. Nakatakip ang mga mata niya ng isang tela. Naalala kong parang lasing na pumasok si Lyth kanina sa van. Pagod na pagod ng anyo niya. Tiningnan ko naman ulit si Jayden.

"Ano iyon boss?" tanong ko rito. Sinapak naman niya ang likod ng aking ulo dahilan upang hawakan ko iyon.

"Maka-boss ka naman! Sabing Jayden nalang e."

"Boss kita sa araw na ito. Bukas maari kitang tawagin sa pangalan mo."

"Hay nako! Ako na magsasabi! Itigil mo na iyan kung hindi sesante ka na ngayon din."

"'Di naman 'to mabiro o," sabi ko. Natawa naman siya. May nilahad siyang isang album. Naguguluhang kinuha ko naman iyon.

"Para sa'yo iyan. Nandiyan ang mga pirma namin. Akin mas malaki sa tatlo. Mahal kita, e."

"Hindi ako pumapatol sa bakla!" sabi ko habang ngumingiwi.

"As if!" Tumawa siya ng malakas. Napatingin naman ulit ako sa binigay. Hindi ko naman sila iniidolo. Pero magaganda naman ang mga kanta nila kanina. Siguradong karamihan ng narinig ko ay nandito. Tsaka naalala ko. Gusto ng kapatid ko ang Zerien ireregalo ko nalang sa kanya 'to. Tama! Nagpasalamat naman ako kay Jayden.

"May itatanong pala ako sa iyo."

"Ano iyon?" nagtataka ko namang tanong sa kanya.

"Kamusta na? Nasabi mo na ba kay Euphe na may gusto ka sa kanya?"

"Ano? Saan mo nakuha ang ideyang iyan?" Nakakunot kong sabi sa kanya. Tumaas naman ang isang bahagi ng labi niya.

"Tumigil ka nga. Noong huli mong pagpunta sa bahay. Pansin ko kaagad na nagseselos ka sa aming tatlo. Teka ano nga ulit iyon... Nakahubad ka bro! Magsuot ka ng pang-itaas." Iniba niya pa ang kanyang boses para gayahin ang sinabi ko noon. Natawa pa siya pagkatapos. Ako naman ay napangiwi. "Niyayakap ko talaga si manager kahit walang suot na pang-itaas. Wala naman iyon kay manager kasi sanay na iyon."

"Hindi ako nagseselos."

"Sinungaling. Ikaw kung hindi ka pa gagawa ng paraan baka maagaw iyong si manager sa iba. Umaaligid pa naman si Mico sa paligid no'n kahit pa nandiyan ka nakabantay."

Napabuntong hininga ako. "Nasabi ko na sa kanya Jayden kaso lang hindi ko muna hinihingi ang sagot niya. Natatakot kasi akong malaman."

"Nasabi mo na?! Ayos iyan! Sana maging maayos ang lahat."

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon