•••••
|Yuan's POV|
Pumwesto ako sa railings habang nakatukod ang dalawang siko ko rito. Pinagmamasdan ang araw na papalubog. Ang paghahalo ng kulay pula, dalandan at asul sa kalangitan. May mga ibon ding lumilipad. Nang maramdaman kong may tumabi sa akin ay nilingon ko ito. Only to see Mico flashing his smile at me. Matipid ko naman siyang nginitian.
Pasimple rin akong tumingin sa paligid. Bakit... bakit kami nalang ang nandirito? Ibinalik ko ang aking paningin sa kanya.
"Glad! I've found you!" sabi niya at ginaya ang pwesto ko. I let out a sharp sigh and look at the front.
"Y-yeah.," I said, stammering. Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko. Compase yourself. Compose yourself, Yuan.
"Why are you alone? Where's Monica?" Narinig kong tanong niya. Napahigpit ang paghawak ko sa aking baso.
"Downstairs. Siguro nakikipag-usap sa isang random guy."
"Pasensya na kung hindi kita kaagad nalapitan kanina. Pinigilan kasi ako ng mga kabarkada kong umalis sa kanilang paningin." Paliwanag niya sa akin. Umiling naman ako.
"Ayos lang."
"By the way, thank you for coming." Sa sinabi niyang iyon ay tumango lang ako. Tapos naghari sa pagitan namin ang kakaibang katahimikan. Uminom ulit ako. Pakiramdam ko kasi parang nanunuyo ang lalamunan ko. Well normaly ganito talaga ang mararamdaman ko. After so many years we're here standing side by side. Not uttering even a single word. It's kinda awkward... no way too awkward. Gusto ko nalang tumalon sa tubig para umalis na sa nakakailang na katahimikang ito.
Naramdaman ko siyang bumuntong hininga. I guess naramdaman din niya ang nararamdaman ko ngayon. Pero bakit naman siya makakaramdam ng ganito? Awkwardness? Kasi sinaktan niya ako? Nakakatawa. Hindi ko nga maimagine na makakaramdam siya ng gano'n. He have the nerve to leave me as if I'm just a trash so why the hell he would sigh like this? He should feel uhm, proud! You know. He should be because this is one way that can proof his masculinity even though it's not. Napairap nalang tuloy ako.
"I'm sorry."
Medyo nabigla ako sa biglang paghingi niya ng sorry. Iba kasi ang tono niya ngayon kesa kanina. Sorry? I presume that what he's referring to is that thing. Nasabi na niya iyan. Kahit na narinig ko na ang rason niya at paghingi niya ng tawad still nangyari na. Ang dapat nalang niyang gawin ay pagsisihan ang katangahang nagawa niya.
"Ang tagal ko nang gustong paulit-ulit na sabihin sa'yo iyan. I'm so sorry."
Parang unti-unting kumakawala na naman sa hawla ang nararamdaman kong kinulong matapos ang araw no'ng bumalik siya. Sabay ng pagtungo ko ay ang pagbasa ng aking mga mata.
"Patawad Yuan. Sa lahat ng nagawa ko. Sa lahat lahat. Noon ko pa talagang gustong gawin 'to. Ang paulit-ulit na humingi sa'yo ng tawad. Pero dahil sa pagban mo sa akin sa kompanya, kahit mismo sa bahay at condo mo. Hindi mo ko pinayagang makalapit sa'yo. T-tapos with that bodyguard of yours na kahit saan ay panay buntot nang buntot sa'yo," sabi niya.
"Hindi sapat ang sorry mo," mahina ang boses na sabi ko sa kanya pero nanatili akong nakatungo.
"Yuan, I really want you to see how I'm resenting my sin to you. But It's useless doing things without you seeing my effort. Sabihin mo Yuan kung ano ang gusto mo. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako."
"Reason."
"I already to--" Napatigil siya sa kanyang sasabihin nang inangat ko ang aking ulo't tiningnan siya sa kanyang mga mata. Kahit nagiging malabo na ang paningin ko sa kanya gawa ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...