BM 29

615 35 3
                                    

•••••

|JD's POV|

Napapaungol ako sa sakit habang iniikotan ni Kael ng dressing ang sugat at pasa ko sa braso. Tapos na rin niyang malagyan ang ulo ko. Ginigisa na ako ni Kael ng tanong at sinabi ko na sa kanya ang rason na sinabi ko rin kay lola pero hindi siya naniniwala matapos niyang makita ang mga sugat ko kaya wala na akong mapagpipilian kung hindi ang sabihin sa kanya ang totoo. Makakakuha sana ako ng kutos galing kay Kael pero naalala niyang may sugat ako sa ulo kaya hindi niya natuloy. Laking tuwa ko nalang dahil sa bagay na iyon.

Kasalukuyang inaayos na ni Mikael ang mga gamit niya at unti-unting ibinabalik sa loob ng kanyang dalang bag ang mga gamit niya.

"Mabuti nalang at iyan lang ang natamo mo James. Kung ginawa nga niya ang sinabi niya noon ay baka nagkabali-bali na ang mga buto mo. Suhesyon ko lang bilang kaibigan ilayo mo nalang kaya ang iyong sarili kay Euphe. Sayang man pero James naman may mga kapatid ka pa tsaka hindi lang naman siya ang kahuli-hulihang babae rito sa mundo. Marami pa riyan."

Napailing ako sa sinabi niya. "Alam ko pero..." Napatungo na lamang ako sabay sapo sa aking ulo. Naguguluhan ako. Gusto kong protektahan ang pamilya ko pero ayaw ko namang lumayo kay Euphe. Nakakainis! Nakakainis!

"Tara na sa baba?" Inangat ko ang aking ulo at tumango kay Kael. Nakatayo na ito at hinihintay ako. Buntong hiningang tumayo ako't lumakad na rin kami. Walang imik kami habang tinatahak ang daan papunta sa hagdan. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa mga nakasabit na larawan sa dingding. Sa bawat isang dipa may malalaking vase na iba't iba ang disensyo. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kael kanina tungkol sa anak ni Lola Bing. Ritchel Leonare Smith ang buo niyang pangalan. President of Leonare Hospital kung saan nagtatrabaho si Mikael. Ang ospital rin kung saan ako nagpapaDNA test at nakita ulit si lola. Ayon kay Kael iyong ospital na iyon dito sa Pilipinas ay isa sa mga branch ng ospital na nandoon sa America.

Bumaba na kami sa hagdan at sinunod ko nalang si Kael sa daang tinatahak niya kasi wala na akong alam kung saan pupunta. Nakarating kami sa isang pinto na may isang lalaking naghihintay sa labas. Pinagbuksan kami nito at hahakbang na sana ako sa loob nang hinawakan ako sa balikat ni Kael. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga bagay bagay kaya huwag ka munang gagawa ng katangahan. Basta mag-iingat ka."

"Natouch ako p're," natatawang sabi ko. Napangiwi naman siya.

"Gago!"

"Oo na. Seryoso mo kasi. Susubukan kong maging normal sa harapan ni Euphe. Ayaw ko namang bigyan siya ng alalahanin tsaka sila tatang at nanang."

"Good."

Tuluyan na kaming pumasok at nadatnang nakaupo silang dalawa habang nagkwe-kwentuhan. May nakalagay na tatlong platito na may lamang cake sa ibabaw ng mesa. Magkasabay naman silang lumingon sa gawi namin nang makapasok kami. Nakangiting pinalapit kami ni lola at pinaupo.

Inutusan naman ni Sir Ritchel ang maid na nasa malapit na ipaghanda kami ng makakain.

"Kamusta ang mga sugat ni James?"

"Ayos lang naman. Hindi mo alam daig pa ang balat ng baboy ang balat nito. Maraming layers."

"Baliw," bulalas ko nalang. Napatawa naman sila. Nakita kong matamang tiningnan ako ni Sir Ritchel. Dahil sa 'di mapakali kong nararamdaman ay napakamot tuloy ako sa aking ulo.

"May problema ho ba?" Napapitlag siya matapos kong matanong sa kanya iyon pagkatapos ay nakangiting umiling ito. Napansin kong sinenyasan niya ang lalaking nasa tabi niya. Lumapit ito sa akin at may inilahad. Nagdadalawang isip man pero kinuha ko iyon.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon