•••••
|JD's POV|
Alas s'yete pa lang ay nandito na ako sa gusali ng Preeminent. Napaaga ako kasi ginising ako ni tatang ng madaling araw sa pag-aakala niyang alas singko y medya ang pasok ko tapos hindi naman ako makatulog ulit kaya ayon. Medyo puyat ako pero sinisigurado ko namang hindi nabawasan ang kag'wapohan ko. Napataas baba tuloy ang kilay ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa mababasaging dingding. Napatawa ako pagkatapos. Pero ayos na rin ito baka kasi sakaling papasok na iyon e 'di makikita ko siya. Ayos iyon.
Nakatayo ako sa malaking pintuan ng kompanya na nakasuot na ng plansado kong uniporme. Napatingin ako sa pintuan na makikita ang repleksyon ko. Napangiti ako. Naalala ko ang sinabi ni nanang kaninang umaga bago ako umalis ng bahay.
"JD anak, ang poging lalaki mo talaga manang-mana ka sa akin."
Kung sinabi pa iyon ni tatang maniniwala ako pero kay nanang. Naman! Ang gandang babae no'n tapos ihahawig sa akin na gandang lalaki? Di makatarungan iyon kay tatang.
Ikapitong araw ko na rito at hanggang ngayon nasa akin pa rin ang cellphone ni Euphe. Kinabukasan kasi no'ng nagkita kami ni Monica sabi niya nasa h-in-ahandle-an na banda si Euphe at hindi pa masasabi kung kailan ang balik. Nakakagulat. Maliban pala sa posisyon niya rito sa kompanya ay may banda rin pala siyang inaasikaso at base sa sinabi ni Monica papyular daw. Naisip ko nga baka nagpapayaman ng husto si Euphe pero winaksi ko agad iyon sa isip ko. Um-enroll nga iyon sa isang public na high school pero isang taon lang naman tapos nag-transfer ulit. Tapos kung umasta siya noon parang hindi siya anak mayaman kahit pa alam naming nakakalamang siya sa aming mahihirap. Tanggap niya kami na parang kalevel niya kaya masasabi kong hindi gahaman si Euphe sa yaman kaso sabi ko nga umalis siya sa paaralan namin pagkatapos. Hindi raw talaga kasi sang-ayon ang mama niya sa ideyang iyon. Iyong sa cellphone naman nasabi ko na kay Monica na siya na lang ang magsauli kay Euphe pero sabi niya ako na lang daw. Hindi ko alam iniisip no'n masyadong magulo... at madaldal... at nakakairita.
"Oh James ba't nakangiti ka riyan? May nabingwit ka na bang chikas dito sa gusali natin?"
Napalingon ako sa katrabaho ko ring g'wardiya na kasama ko sa shift na ito. G'wapo rin-- pero mas may dating ako. Galing talaga siya sa isang agency at kahit papaano may kaya ang pamilya niya kaso sa pagiging bulakbol ito ang hinantong. Pero hindi kagaya ko siya hinahabol ang mga babae ako naman... Ayon habulin. Ayaw ko sanang gano'n kasi baka makarating sa kanya at kahit may nagbibigay motibo o ako lang talaga ang makapal ang mukha binibigyan ko na lang sila ng ngiti sabay kurap na pinagkakamalang kindat.
"Wala Noel at wala rin akong plano," sabi ko sabay iling pa pero tapos no'n napaubo ako. Ugh! Napaka-hassle talaga nitong ubo ko. Ang malas kasi at natanto pa sa araw na ito ang pagkakaroon ko ng sakit. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi dahil 'di lang naman ako ang mayroon nito. Mukha kasing uso ngayon ang ubo.
Nakita ko namang ngumisi si Noel sabay tapik sa balikat ko."Kawawa 'yang alaga mo. Baka tigang na tigang na iyan," sabi niya.
Napangiwi ako pero kasabay ng pagngisi rin. Loko talaga. Lumayo siya at hindi na ako pinansin. Ilang minuto ang lumipas mangilan-ngilang dito nagtratrabaho ay pumapasok na.
"Kailan kaya kami magkakagano'n?" Tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ng tingin ang mga nagtratrabaho na kung hindi magara ang pananamit makikita naman sa mga dala at ayos nila sa sarili. Hindi naman sa pagrereklamo kung bakit ako pinanganak na mahirap pero maganda na sana kung may roon kaming mga gano'n. Tama na nga 'to! Putek talaga iyong si Monica hinawaan ako ng pagkabading niya. Nga pala saan na kaya iyon?
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomansHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...