BM 10

1.1K 56 15
                                    

•••••

|Yuan's POV|

Napatingin ako sa wrist watch ko at matapos sipatin iyon ay napahikab ako. Konti na lang at matatapos na ito. R-Reviewhin ko na lang at bukas naman ang iba. Mag-aalas dyes na rin at gusto ko nang humiga sa malambot kong kama.

Pinirmahan ko na at sinara ang folder. Bukas naman. Inayos ko na ang mesa at bag ko. Hindi na rin ako nag-abalang pumunta pa sa CR na nasa tabi lang kasi nakakatamad talaga. Inilabas ko na lang ang foundation at matapos malagyan ng konting polbo ay sinundan ang lip gloss. Inilabas ko na lang din sa bag ang pitaka't cellphone baka ano na naman kasing mangyari sa akin. Paglabas sa opisina ay agad sumalubong sa akin ang katahimikan ng palapag. Iilang cubicle lang ang nakailaw. For sure mga nag-o-over time. Tahimik na binagtas ko ang elevator at naghintay.

Nakababa naman ako sa ground floor ng matiwasay pero halata siguro sa mukha ko ang matinding pagod. May lumabas na namang hikab mula sa akin. Nang mapadaan ako sa pinto tiningnan ko ang g'wardyang nakatoka sa gabing iyon at napangiti na lang matapos ding mapatingin iyong huli sa akin. Nginitian naman ako't binati. Wala na si James baka umuwi na iyon.

Dumiretso ako sa lugar kung saan p-in-apark ko palagi ang sasakyan at habang papalapit hinahalungkat ko ang bag ko para hanapin iyong car keys. Saan na ba iyon? Hinalungkat ko pa lalo at sa wakas nakita ko na rin. Natigilan ako sa orasna umangat ang aking ulo. Bumilis ang tibok ng aking puso at gusto ko agad magwala. Kanina si kuya ngayon siya? Pagod na pagod ako at ang laking pang-asar na siya pa talaga ang huli kong makikita sa araw na ito!

"Long time no see."

Isang pangungusap na binitawan niya para sa akin.

Isang pangungusap mula sa bibig niya.

My eyes stings as those thoughts crosses plus the fact that he is actually right infront of me now. I hold myself not to cry but the feeling of loss and betrayal overpower me. I saw how his smiling face turned into a frighten one as I step closer to him. Closing the gap between us and a few steps away from him a loud slap echoed the damn parking lot.

"How could you!" Iyon lang. All this time from all those hurtful years iyon ang kauna-unahang salita na naipalabas ko mula sa mataas na speech na p-in-apractice ko pa talaga sa harapan ng salamin.

"Y-Yuan. Please let me explain." He pleaded almost kneeling at me. B'wisit! Kahit pala galit na galit ako sa kanya nakakaramdam ako ng konting awa. I looked away before I could do anything stupid.

"I don't wanna. Just leave. I'm not ready to face you and I'm hella tired right now. Get your freakin' face out of my damn way before anything could happen to you." I warned him using the coldest voice that I can't imagine I actually have. Ngunit hindi ko inasahang kinulong niya ako sa bisig niya. I stiffed when his skin touches mine, felt his warm breath at the back of my neck and felt his presence.

"Please. Please. A little time for us to talk can help us. Hear me out. I... I still lo-- "

Agad ko siyang tinulak bago niya pa matuloy ang sasabihin niya. Ang kapal talaga! Ang kapal kapal!

"'Wag mo kong lolokohin, Mico. I've learned and don't have any plans on repeating that mistake ever again." I said. Hinawi ko siya sa dinaraanan ko para makaraan papunta sa pinto ng sasakyan. Binuksan ko iyon at pumasok. Ang kapal talaga ng apog ng lalaking iyon at may plano pa talagang sabihin sa akin ang katagang iyon. Call me assuming, names or whatever pero hundred percent sure akong sasabihin niyang 'I still love you.'. Hah! Explain? Talk! Ano pa bang dapat pag-usapan? Magpapaliwanag kung bakit niya ako biglang iniwan sa ere at tipong nakipag-break pa sa cellphone. Lalaki ba iyon? Mabuti nga at hindi nag-iba ang paningin ko sa mga lalaki, e. Isasara ko na sana ang pinto pero laking gulat ko na lang nang may pumasok sa shotgun seat ko at do'n umupo.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon