•••••
|Yuan's POV|
Dali-dali akong napahawak sa hawakan at inangat ang sarili mula sa tubig. Umayos ako ng upo rito sa loob ng tub at hingal na hingal ako. Matinding kaba ang nararamdaman ko sa oras na ito. Pinikit ko ang akinh mga mata at pilit na pinakalma ang aking sarili. Aksidenteng nakatulog ako sa tub! Malapit na akong matigok do'n ah.
May bigla akong naalala. Nagflash sa ulo ko ang mukha ni James. Kung paano niya sinabi ang mga katagang iyon. Kung paano ako umiskapo kasama siya at si Yana para lang hindi sumipot sa engagement party ko kuno, kung paano kami napadpad sa isang paraiso, at kung paano muling tumibok ulit ang puso ko.
Napahawak tuloy ako sa dibdib ko't pumikit. Pinakiramdaman ang bilis na pagkabog nito. Inaalala ko ang lahat na nangyari noong nakaraang tatlong araw. Alam kong hindi ako nananaginip. Alam kong totoo iyong lahat. Ito kayang nararamdaman ko? Totoo na ba talaga ito?
Totoo iyon 'di ba? Hindi ko mapigilan ang paggalaw ng aking labi. Alam kong nakangiti ako.
Walang pagdadalawang-isip akong tumayo at kinuha ang roba. Maayos ko munang sinuot iyon bago lumabas. Malalaki ang mga hakbang na pumunta kaagad ako sa living room at tiningnan ang paligid kaso wala naman siya. Sunod kong pinuntahan ang kusina kaso kagaya do'n sa living room wala rin si James. May napansin naman akong isang papel sa may lamesa. Lumapit ako at tiningnan iyon.
"Pagnabasa mo ito siguradong nakaalis na ako. Susunduin kita ng maaga, Euphe. JD."
May kumawala na namang ngiti sa akin. Loko loko talaga. Pumasok ulit ako sa kwarto ko dala-dala ang papel. Inilapag ko iyon sa side table at pumunta sa may veranda. Sumampal kaagad sa mukha ko ang malamig na hangin. May polusyonan kahit papaano'y nagdudulot ito ng gaan sa pakiramdam ko. Napangiti ako matapos kong makita ang tatlong ibon na sabay kung lumipad. Huminga ako at binuga iyon pagkatapos.
Pagbalik ko sa opisina alam kong bubungad sa akin ang pangigigisa ng aking mga magulang. Bahala na. Ayaw ko rin naman ng kanilang desisyon. Kung gusto nga nila sila nalang ang magpakasal sa lenshak na Micong iyon.
Bumalik ako sa aking kuwarto at kinuha ang selpon na nasa bag ko. Binigyan ko ng mensahe si James na sa opisina nalang kami magkita kasi may dadaanan pa ako. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo.
****
Saktong mga alas otcho y medya nakarating na ako sa TEC. Tiling tawag ni Monica sa pangalan ko ang bumungad sa akin pagpasok ko sa gusali. Napatingin tuloy ang mga tao sa amin. Lahat ay nahinto sa kani-kanilang gawain. Kahit kailangan talaga ang eskandalosa ang baklang ito. Pagkatapat nito sa akin isang hampas sa braso ang nakuha niya.
"Aray naman, Yuan. Sakit no'n!" sabi niya habang hinahaplos ang parte ng braso niyang hinampas ko. Nginiwian ko siya.
"Ingay mo kasi."
"Hindi mo naman ako kailangan sapa--" Nahinto siya sa kakasigaw matapos ko siyang ambagan ulit ng sapak. Itinaas niya ang kanyang kamay upang iharang nito sa kanyang harapan.
"Yuan naman. Ang sadista mo na!"
"Kung hindi ka talaga titigil sa kakasigaw sipa na matatanggap mo."
Napanguso si Monica. "I hate you. Ang harsh mo na sa akin. Isusumbong kita kay papa JD."
Natatawang napakunot ang noo ko. Pfft! Papa JD? Gusto kong tumawa. Parang sugar daddy nitong si Monico si James e sa paraan ng pagkakasabi niya. Tiningnan naman ako nito ng masama. Nakanguso rin ito.
"Anong nakakatawa?"
"Kailangan pa bang itanong iyan?"
"I hate you na talaga, Euphe," papaiyak niyang sabi. "I hate you! I hate you!"
BINABASA MO ANG
Be Mine
عاطفيةHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...