•••••
|JD's POV|
"Miss," sabi ko sabay kulbit doon sa babae na nasa unahan ko lang. Nasa terminal ako ngayon ng dyip at heto ako nakatayo ang gwapong ako, nagbibilad sa araw at naghihintay. Tsk! Hustisya?
Total siya ang una sa pila ay may naisip ako. Nakakainip na rin kasi. Kinulbit ko siya at sakto lang na ang paparating na sasakyan ay isa na lang ang bakante. Narinig ko iyon, sa lakas ba naman ng sigaw ng konduktor. Punoan pa kasi sinakto pa na may kailangan akong puntahan. Putek!
"A-Ano iyon?" Tanong niya at halatang nagulat pa. Nakakagulat talaga ang kagwapohan ko. Grabe pala talaga ako 'no?
Nginitian ko ang babae at tiningnan ko siya sa kanyang kabouan. May kurba rin pala itong babaeng 'to at maganda ang mga mata. Pasado na sana kaso miss pasensya ka na wala na akong oras sa iyo at wala rin akong interes. Mas interesado ako sa paparating na dyip.
"Kasi ano..." Tumingin ako sa kanan at kaliwa bago ako lumapit sa kanya. Inilagay ko ang isang kamay ko sa aking bibig pero tama naman para makita niya ang pagbuka-sara ng mga ito. "Nahulog mo kasi ang napkin mo," pabulong na sabi ko. Nakita ko namang namula siya at nagulat.
"A-Ano?!"
"Gusto mo talagang ulitin ko?" Ibinulong ko iyon kaso ngayon ay nakatanggap ako ng sampal sa mukha. Hang Shaket! Napahawak tuloy ako sa pisngi ko habang nanlalaki ang mga mata.
"Gago! Wala akong dala at hindi pa siya bumibisita. B'wesit ka! Nakakakahiya!"
Namumula siya at lumakad na palayo. Tumingin ako sa ibang direksyon kaya ngayon nakatingin ako sa sasakyan na paparating habang makikita sa labi ko ang ngiting tagumpay. Napatawa ako sa utak ko. Galing ko talaga. Huminto na ang sasakyan sa harapan ko at lumakad. Paakyat na sana ako nang may biglang humawi sa akin dahilan upang halos masubsob ako sa hawakan ng dyip. Nang tingnan koi to ay siya namang pagpasok ng salarin sa loob ng sasakyan. Naiinis na tiningnan ko ang taong iyon.
"Hindi mo ko maloloko. Ulol!" Ang babaeng napkin! "Tara na manong," sabi niya pa pagkaupo niya. Agad namang tumakbo ang dyip. Nangingitngit ako sa galit. Nakakalalaki iyong ginawa niyang iyon, a! Napatingin ako sa likod at nakita ang mga mukha ng mga nakapila na panay bungisngis at ngisi. Ginawa pa akong clown dito. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bagpack. Leche 'to! Makaalis na nga!
Lumakad na ako palayo roon sa terminal ng dyip at pumunta sa isang kanto kung saan may sasakyang hihinto. Wala rin naman ang traffic enforcer kaya walang hulian na magaganap. Kung sana ginawa ko 'to kanina siguradong nakapunta na ako roon sa kompanyang sadya ko.
Naiinip na naghintay ako ng dyip. Ilang dyip na rin ang dumaan pero masyadong puno kung p'wede nga lang ako pumwesto sa bubong ginawa ko na pero sayang naman ang porma ko kung ganoon. Tumingin ako sa isang drug store sa likod ko lang. May nakasabit kasing orasan doon. Mag a-ala una na. Tsk! Isang oras pa bago mag-alas dos kung hindi ako makakasakay malayong magpapaalam na naman ako sa oportunidad na 'to.
Gulat na napatingin ako sa unahan matapos kong marinig ang pagsabog kasunod ang matinis nitong tunog. Napakasakit nga sa tainga. Nakita ko 'di kalayuan sa aking kinatatayuan na may humintong kotse, huminto na rin ang tunog dahil doon. Sandali ay may lumabas na babae. Nakatalikod siya sa akin kaya kitang-kita ko ang likod na bahagi ng katawan niya. Masasabi kong maganda ang katawan ng babae at ang ganda ng balakang. Nakita kong tumingin siya sa isang gulong pagkatapos hinawakan niya ang maliit na parte nito. Maya-maya nagulat na lamang ako noong tumayo siya ng matuwid at pinagsisipa ang gulong ng sasakyan. Gusto ko sana siyang lapitan kanina kasi halatang may nangyari sa gulong niya pero ngayon nagdadalawang isip na ako. 'Di biro lang nilapitan ko pa rin ang babae malay ko baka pagtinulongan ko siya pasasakayin niya ako. May bago akong makilala makakapunta pa ako sa distinasyon ko.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...