BM 7

1.4K 64 8
                                    

•••••

|JD's POV|

Isang malakas na hampas sa ulo bago tuluyang magising ang aking diwa. Agad akong napahawak sa batok at nang inangat ko ang ulo ko'y nakita ko si Jaze. Nasa bandang bibig niya ang dalawang kamay at pinipigilang mapatawa.

"Jaze!" mariing sabi ko. Dahil sa tonong iyon ay agad siyang napatakbo papuntang kusina yata na sumisigaw ng, 'Sorry po, kuya.' Naiiling na binaba ko ang kamay kong nakahawak sa batok ko't nang nakalma ko ang aking sarili ay agad kong hinanap ang bulto ng katawan ng babaeng dinala ko sa bahay. Napaupo ako ng maayos nang makitang wala na si Euphe sa sopa. Nataranta ako. Baka lumabas siya sa bahay. Masyadong delikado kung ginawa niya iyon. Mga tambay sa labas at mga paliko-likong daan. Hindi ko naman siya gagaliwin ni sasaktan dito kaya dapat pumirmi na lang siya rito sa loob.

"Nanang!" Tawag ko kay nanang kaso walang sumasagot. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at nang makita ng malinaw ang oras agad akong napatayo mula sa pagkakaupo. Kaya pala hindi sumasagot si nanang kasi wala na siya rito at alam kong si tatang at Jeffrey rin. Late na ako! Late na late na ako. Pihadong masesesante ako ngayon. 'Di p'wede!

Dali-dali akong napatakbo sa taas at kinuha ang bag, mga damit at tuwalya. Tumakbo ulit ako sa baba at binilisan ang lakad papuntang CR.

"Kuya— "

"'Wag ngayon Jaze!" Singit ko sa sasabihin ni Jaze nang madaanan ko siya sa kusina.

"P-Pero— "

"Mamaya na. Maliligo na ako," sabi ko at binuksan ang pinto ng CR. Agad napalaki ang mga mata ko at iyon din ang ginawa ni Jeffrey.

"Kuya!" Pasigaw niyang sambit sa pangalan ko at tinakpan ang junior niya gamit ang tabo. Agad kong sinara ang pinto pero bago ako umalis ay hinampas ko pa iyon.

"Sorry utol!" Sigaw ko na lang. Narinig ko naman ang tawa ni Jaze kaya masama ang tinging tumingin ako sa kanya. Nang maramdaman niya ang tingin ko sa kanya na tagos sa kanyang buto't kaluluwa ay kinakabahang napatingin ito sa akin.

"K-Kuya! Iyon sana ang sasabihin ko sa iyo but you cut me off!" sabi niya.

"But you cut me off." May tonong pang-aasar na sinunod ko ang sinabi ni Jaze. Napabusangot naman siya. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa harapan niya. Kumakain siya ngayon ng almusal. Hindi na ako nagsalita pa at napabuntong hininga na lang. Pa'no na ito? Hindi ko naman maaring ibalik ang oras. P'wede naman akong umalis na ngayon kahit walang ligo pero ang baho ko naman kung gano'n. Ah bahala na nga! Kung sermon o sesante. Tss. Sino naman ang kailangan ng trabahong iyon?

Napatulala ako. Sinong kailangan ng trabahong iyon?

Ako! Kailangan ko iyong posisyong iyon kahit pa security guard lang ako. Dagdag na rin sa makukuha namin kada buwan ang s'weldo ko.

"Jeffrey! Magmadali ka riyan! Late na ako!!" Sigaw ko kay Jeffrey. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi siya sumasagot. Hindi niya yata narinig dahil sa paglagaslas ng tubig. Napatingin ako kay Jaze na kakaupo pa lang sa harapan ko. Tumayo kasi siya para kumuha ng tubig kanina. Nahuli niya akong nakatingin sa akin kaya tiningnan din niya ako. Tinaas niya ang kanyang isang kilay.

"Ano?"

"Late na ang kuya mo. Lapitan mo siya ro'n at sigawan na magmadali." Utos ko kay Jaze. Buntong-hiningang napairap siya sa akin. Matalim na tiningnan ko ulit siya. Aba! Inirapan ako! Wala itong makukuhang baon ngayon. Tss.

"Kuya, subukan mo kayang tumingin sa orasan," sabi niya. Nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Kanina ko pa 'yan nakita. Hindi ako bulag," naiinis kong sabi. "Nga pala naabutan mo ba kanina sila nanang?" Pagpatuloy ko at sinimulan nang magtimpla ng kape. Kailangan kong kumalma. Bahala na kung anong mangyayari mamaya. Sakto lang itong kape kaysa manigarilyo ako. Kakagising ko lang at iniisip ko ang sermon ni nanang pagsakaling mahuli niya ako.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon