BM 19

716 40 2
                                    

•••••

|Yuan's POV|

Kanina pa kami kumakain pero walang umiimik sa amin. Siya lang ang bumasag sa katahimikan kanina para sabihing kumain na kami. Hindi ko alam kung paano kikilos ng tama. Ni simulan ang pag-uusap parang ang awkward lang talaga. Napabuntong hininga ako. Hindi ko gusto nito kaso hindi ko naman maaaring sisihin siya kung bakit kami naging ganito. Hay naku.

"Euphe, ga-galit ka ba?"

Nagdadalawang isip man ay inangat ko nalang ang paningin ko para tingnan siya. Sa totoo lang gusto kong kutusan ang sarili ko kasi kung makaasta ako para akong nagdadalaga pa! P-parang bumabalik si Yuan noon na may gusto nito.

Oo na! Crush ko siya noon e. Paano ba hindi? Ang gwapo at ang jolly niya! Hindi iyong pa pogi at pa-astig daw sarap lang buhusan ng mainit na tubig ang mga gano'ng tao e. Siya kasi ang gaan lang kasama. Lumalabas ang totoong ako kaya nga naging bestfriend ko.

"Honestly hindi naman. Nagulat lang."

"Sana hindi ko nalang sinabi," mahina niyang wika. Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan siya.

Gusto ko sana sabihing mali ang sinabi niya pero pinili kong huwag nalang isatinig iyon. Napatungo ako at tumingin nalang sa aking plato. Para kasing makakakomplika. Hindi rin naman kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. Kasi wala naman akong nararamdaman...

Teka wala nga ba? Bahagya akong umiling. Kahit na ayaw ko namang paasahin siya kung sakaling may nararamdaman nga ako saka sabi niya ayaw niya pang malaman ang sagot ko kaya wala akong sasabihin.

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Walang nagsasalita at tunog ng kubyertos lang na tumatama sa cyramic kong plato ang ingay na maririnig. Hindi ko gusto ito. Ayaw ko nito kaya matapos kong malunok ang pagkain ko ay napagdesisyunang kong magsalita kaso nahinto ang dila ko dahil sa sinabi niya.

"Sorry talaga Euphe." Nakatingin siya ng diretso sa akin. Kitang-kita ang pagsusumamo ng mga mata niya ngunit tumungo siya.. Napatitig ako sa malungkot niyang mukha. Iyong mga mata niya nakapako lang sa plato niya pero halatang ang lalim ng iniisip. Nakita ko rin kung paano niya hinawakan ng mahigpit ang kutsara't tinidor. P-parang hindi siya. Biglang namula ang mukha ko. May gustong kumawala mula sa akin at hindi ko na nga mapigilan ang sarili ko. Napatawa na ako ng malakas matapos kong makitang namumula ng kanyang tenga.

"B-bakit?" Naguguluhan niyang tanong. Tumawa lang ako ng tumawa. Hindi ako makaget over sa mukha niyang ang sarap kurutin lang sa mga oras na ito. Nahinto lang ako kakatawa matapos niya akong subuan. Kunot noong tiningnan ko siya habang nginunguya ang pagkaing nasa bibig ko. Nakita ko naman ang kutsarang ginamit niyang isubo sa akin ay ginamit niya pangsubo. Nakatingin lang ako sa kanya habang unti-unti niyang inaangat ang kutsara. Po-protesta sana ako kaso agad niyang sinubo iyon bago ako makapagsalita. Nagawa niya pa akong ngisian pagkatapos. Hindi ko alam pero uminit ang mukha ko. Indirect kiss iyon!

"Nakaganti rin!!" Tumawa siya. "Ang ganda mo talaga tuwing ikaw ay namumula, Euphe! Priceless ika nga! Sarap kunan ng litrato," natatawa niyang saad. Napabusangot ako. Nakaganti talaga ang mukong. Kaloka ito!

"Tuwang-tuwa ka naman?"

"Oo naman."

"Tss!" inis kong turan pero hindi ko maitago-tago ang ngiting pilit na lumalabas mula sa akin. Hindi ko talaga mapigilan kahit kinakagat ko na ang labi ko. Ginawaran niya naman ako ng isang malawak na ngiti.

Matapos naming kumain ay unti-unti namang bumabalik ang kanina. Hindi ko na masyadong nararamdaman ang awkward. Tinulungan ko siyang ayusin ang lamesa. Panay asar naman ang ginagawa niya habang nililinis namin ang kalat kaya ako panay tawa nalang.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon