BM 11

1K 48 12
                                    

•••••

|JD's POV|

"Ghad!"

Pangatlong hiyaw na ito ni Euphe at napatawa na naman ulit. Tiningnan ko saglit ito gamit ang salamin para matingnan kung ayos lang ba ito.

"I am so thankful na dumating ka kanina. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kung hindi pa ako makakalayo sa lalaking iyon!"

Napatango lang ako at ibinalik na ang paningin sa daan. Ipinagpatuloy ko rin ang pagmamaneho.

"That jerk! Ang kapal kapal ng mukha niya. Matapos niya akong saktan babalik lang para humingi raw ng tawad. As if naman tatanggapin ko iyon kaagad! Pesti niya! Sana hindi na lang siya bumalik! Sana nanatili siyang nagtago kasi roon naman siya magaling! Ang magtago! Pwe!"

"Tapos... Tapos... Alam mo, may gana pa siyang sabihin sa akin na matatali ako sa kanya ng habang buhay? Magiging asawa sa walang hiyang iyon? Damn that bastard! I wanna strangle his neck! Wreck his bones! Balatan siya ng buhay! Nanggigigil ako! Ugh!" Saglit lang ay narinig ko ang pagtama ng kung anong bagay sa upuan na nasa tabi ko. Napalingon ako't nakita roon si Euphe na niyayakap ang upuan. Nakasabog ang buhok.

Nasa back seat ito nakaupo at kanina pa lang siya nagsasalita. Inilalabas ang inis na nararamdaman habang ako naman ay nagmamaneho at hindi maiwasang marinig ang sinasabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero wala ako sa p'westo para gawin iyon. Hindi naman kasi niya ako boyfriend. Saklap lang. Pero kaibigan niya naman ako kaso... tsk! Naiinis ako na nalulungkot. Kung maari nga lang kunin ang sakit na nararamdaman niya ngayon kasi nakakapanibago ang Euphe na nasa likod ko ngunit hindi naman iyon maari.

Naghari naman ang katahimikam sa aming dalawa. Pinabayaan ko na lang kasi baka nakatulog na ito. Ayos na rin iyon para kahit papaano ay makapagpahinga siya.

Ano kaya ang nangyari? Bakit kaya nagkaganoon si Euphe? Marami akong mga tanong pero alam ko namang hindi ko malalaman ang sagot kung hindi niya sasabihin. Kaso parang ayaw niya yata. Maghihintay na lang ako, Euphe.

"Thanks."

Bahagyang nagulat pa ako kasi may brasong pumulupot sa nakasandal kong katawan. Inulit-ulit ni Euphe ang pagpapasalat nito bago kumalas sa kakayakap sa akin. Patagong napasuntok ako sa hangin at napakagat sa labi. Bakit naman kasi nakikisingit pa itong nyemas na sandalan. Pumagitna pa talaga. Niyakap na ako ni Euphe, o! Chance ko na iyon! Sayang!

"Pumunta tayo sa bar," mahina niyang sabi. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Magpapalasing ako, James. Gusto kong makalimutan saglit ang lalaking iyon."

"Euphe..."

"Please. Maari mo naman akong iwanan doon kung gusto mo nang umuwi," sabi niya. Napatingin ako sa salamin at nakita si Euphe na nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Nakatungo ito at sumisinghot-singhot pa siya. Binasa ko ang labi ko at napabuntong hininga. Tumingin ako sa daan baka kasi mabangga pa kami ng wala sa oras.

"Wala namang makukuha ang paglalasing, Euphe. Alam kong alam mo na hindi ka magkakaamnesia sandali kung maglalasing ka."

"Alam ko. Anong gusto mo uminom ako ng gamot?" Bakas ang inis sa sinabi niya. Mariing umiiling ako.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

"I know! I know! But James masakit pa rin pala! I thought I'm okay kasi ilang taon na pero iba pala kung magkikita ulit ng personal. Okay, I wanna make myself clear about this. I'm still hurting but I'm officially over him."

"Gusto mo balikan ko at bigyan ng isang suntok?"

"Nah! Hindi na kailangan. Dalhin mo na lang ako sa--"

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon