•••••
|Yuan's POV|
Pagkatapos namin magswimming ay sinubukan naman namin ang isang extreme sport na noon ko pa lang talaga gustong gawin. Ang parasailing. Dahil sa busy schedule ko puro plano nalang ngunit hindi naman natutupad pero iba na ngayon. Iniisip ko palang na sa wakas ay gagawin ko na rin iyon ay 'di ko na alam kung saan ko ilalagay ang pagkasabik kong masubukan ang activity. Napatingin ako sa katabi ko. Doon ko naalalang kasama nga pala namin si Mico. Kahit hindi ko siya pinapansin ay pinabayaan ko nalang. Birthday niya e, pagbigyan. Tsaka sa katunayan nga mukhang third wheel pa ako ni Monica. Ang sweet ng bakla kay Mico may pahawak-hawak pa kasing nalalaman. Hindi naman ako nababahala. Wala nga akong pakialam kaso lang hindi ako komportableng nakabuntot si Mico sa amin. Siguradong alam iyon ni Monica kaya bakit niya hinahayaang sumama ito? Naman oh.
Anyways, gustong-gusto ko talaga gawin ang activity na ito kaya ise-set aside ko muna ang bagay na iyon. Ayokong masira ang mood ko dahil sa isa riyan. Tumingin ulit ako sa harap. Dumapo ang paningin ko sa isang babaeng nasa ere na habang hinahatak siya ng maliit na barko sa pamamagitan ng mahabang lubid. Mas dumoble naman ang tuwa na nararamdaman ko matapos kong makita ang babae.
Ilang sandali lang ay lilipad na ako! Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
Bago ang lahat ay sinabi ng instructor na kailangan may kasama kaming may alam ng pagparasailing. First timer pa kasi kami kailangan ng guide para pagsakaling magkaaberya ay may tutulong sa amin. Ang nag-iisag bakanteng guide ay agad namang kinuha ni Monica. Tuloy wala akong kasama. Hinawakan ko ito at mahinang hinatak-hatak ang kanyang braso.
"Monica, pahiram muna ng kapartner mo. Ako muna ang mauuna." Pagmamakaawa ko sa kanya. Alam na alam niyang gustong-gusto ko 'to kaya sana naman payagan niya ako. Napangiwi naman si Monica sa aking sinabi.
"Eh? Ayaw ko nga tsaka ang gwapo ni kuya Ronie. Ayaw kong ipahiram siya sa iyo baka agawin mo pa," bulong nito. Nakabusangot na hinampas ko tuloy ang braso niya.
"Loka! Magpapasama lang naman para maexperience 'to! Nakakainis naman o. Sige na, please?" Hindi ko pa rin siya tinatantanan. Gusto kong mauna kasi. Atat na atat na kasi akong subuan iyon. Kinuha naman ni Mico ang atensyon namin. Magkasabay na tiningnan namin siya saka hinihintay ang sasabihin niya pa.
"Ano kasi... alam ko paano magparasailaing," maikoing sabi ni Mico na halata ring nagdadalawang isip na sabihin iyon.
Nagliwanag naman kaagad ang mukha ko dahil sa ideyang pumasok sa utak ko. Tama! Nagniningning ang mga mata kong tiningnan ulit si Monica na hindi maipinta ang mukha. Sigurado kasing nahulaan na niya ang iniisip ko. "Oh. Sige na Monica. Sa akin nalang iyong si Ronie tapos ikaw na kay Mico."
"Ano? Hindi kita naririnig," sabi niya at kinalas ang pagkakapit ko sa braso niya. Napabagsak naman ang dalawang balikat ko. Anong sinabi niya?! Lumingon si Monica sa kanyang likod. "Teka! Ano? Tinatawag mo ko?"
Hinarap niya ulit ako at sandaling niyakap. Kumalas naman kaagad siya pagkatapos. "See you mamaya. Coming!" Pagkatapos ay masayang tumakbo na ito sa pwesto sa Ronie. Agad nag-init ang ulo ko sa ginawa niyang pag-iwan sa akin rito.
"Monica!" Nanggagalaiti ako habang tinatawag ko ang pangalan niya. Anak ng tupa talaga! Ano ba?! Del Rosario maghanda ka mamaya! Iniwan mo ko rito! Napabuntong hininga na lamang ako. What's the use? Kahit anong pagmamaktol ko rito siguradong hindi niya ako papakinggan. The fact that she left me here even though she knows that I don't like to be me with Mico obviously planned this to happened. Ngayon, hindi na iyon pagdudududa kundi sigurado talaga ako kahit ipusta ko pa ang laman ng atm ko. Narinig ko naman ang mahinang bungisngis ni Mico sa tabi. Nilingon ko siya at matalim na tiningnan. Napansin naman niya ako pero kahit pilit niyang inihinto ang sariling matawa ay tumatakas talaga ang mga iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...