BM 18

682 41 6
                                    

•••••

|Yuan's POV|

Pagkatapos kong makapagbihis napagdesisyonan kong lumabas sa kwarto finding that James is still here. Kapwa kami nagulat sa isa't isa. Nagulat ako kasi akala ko umalis na siya tsaka pagbukas ko mukha niya agad ang nabungatan ko. Sino naman kasi ang hindi magugulat do'n? Pero ewan ko lang sa kanya huh kung bakit siya gulat na gulat. Nakakaasar naman kung idadahilan niyang nagulat siya sa mukha ko. Ang ganda ko kaya! Ahem.

Hindi ko nalang iyon pinansin. Sinara ko ang pinto at natamaan no'n ang chime na nakasabit lang sa taas nito dahilan upang tumunog iyon. Nilagpasan ko siya at pumunta sa kitchen. Kumain na ako kanina bago kami nakauwi rito pero para akong nagutom. Tumunog kasi tiyan ko no'ng nakalubog ako sa tubig kanina. Nagugutom na naman ang mga bituka ko. Nakakapagtaka nga e. Napatawa nalang ako sa kaewanang naisip ko. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

"Akala ko umuwi ka na," sabi ko kay James kahit hindi ko siya tinitingnan.

"Ayaw ko pa." Tapos narinig kong tumawa siya. Nilingon ko ito saglit at nakitang kinakamot niya ang kanyang ulo. Napangiti nalang ako. Ang cute niya. Dumeritso ako sa ref at tumingin tingin ng mga ulam na pwede kong initin sa microwave kaso sa kasamaang palad. May molds na ang tatlong ulam na nasa tupperware itinapon ko nalang. Maari naman akong magluto pero tinatamad ako.

"Gutom ka, Euphe?" Lumingon ako sa tabi para makita ko siya pagkatapos tumango ako.

"Yeah. Gusto ko sana ng kanin at ulam kaso nakakatamad magluto o-order nalang ako ng pizza. Huwag ka munang umuwi ah. Gagawin kong tatlo para may madala ka sa pag-uwi mo rin ang isa sa mga magulang at kapatid mo tapos iyong dalawa tayo ang kakain no'n." Tiningnan niya ako na parang may kung anong tumubo sa bibig ko. Napairap ako.

"I know It's weird pero kasalanan ko ba? Gutom ako e!" Lumabas naman ang kanyang tawa pagkatapos kong masabi iyon.

" 'Wag ka nalang umorder, Euphe. Ako na magluluto."

Humarap ako ng maayos sa kanya suot ang hindi makapaniwalang mukha ko. Napangisi siya.

"Hindi porke lalaki ako hindi ako marunong magluto. Alam ko ngang maglaba, mag-alaga ng bata, at maglinis ng bahay e. Maari mo akong tawagin kung sakaling gusto mong ipalinis ang condo mong ito. Para sa iyo may discount na. Tapos kung gusto mo ng yayo para kay Yana nandito rin ako. Always present," sabi pa niya sabay kindat. Napairap nalang ako at saka siya sinapak. Loko-lokong ito. Nagawa pang pakili-- Napalaki ang mga mata ko at saka tinulak siya papunta sa harap ng center table.

"Sige magluto ka ng menudo." Bumalik ako sa harap ng kitchen habang pasimpleng hinahawakan ang dibdib kong kumakabog. Hoy Yuan! Umayos ka riyan!

Sinimulan ko nang kunin ang mga ingredients at baboy na lulutuin.

"May tiwala ako sa iyo James ah. Gutom na gutom ako kaya sarapan mo," sabi ko. Hmmm. Nasan na ba iyong patatas? Yumuko ako para hanapin iyon pero naramdaman ko ang presensya ng tao sa tabi ko. Tumingin ako kay James na ginaya lang ang pwesto ko. Nakayuko at nakatapat ang mukha niya sa mukha ko. Nginitian niya ako at kinuha ang mga sangkap na nasa bisig ko.

"Akin na iyan. Umupo ka na at hintayin akong matapos itong lulutuin ko para sa iyo. Sige na."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Tumayo kaagad ako ng maayos at sinunod nga ang sinasabi niya. Habang abala siya sa kanyang ginagawa at halata ngang sineseryoso niya ang sinabi ko. Bahagya nalang akong napangiti matapos niyang maalalang magsuot ng apron. Ang nakakatawa lang kulay fuchsia iyon at sa may bandang dibdib may mukha ng bear at kulay neon green naman iyon. I know masyadong shocking ang color. Kung titingnan nga ang buong bahay. Fuchsia colored themed ang unit ko. I have this weird fascination of color fuchsia. This started when I was in highschool. Baka dahil sa binigay nitong taong ito noon. Bigla tuloy sumagi sa utak ko ang fuchsia colored chime na nakasabit sa pinto ng kwarto ko. Yeah. That chime was given to me by this fellow. Kung tama ang pagkakaalala ko regalo niya no'ng bestfriends day. Ang sweet niya e!

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon