•••••
|Yuan's POV|
"Good night Miss Euphe."
Paulit-ulit kong naririnig sa aking ulo ang mga salitang iyan galing kay James. Ang uri ng pagtingin niya sa akin. Ang paghalik niya sa likod ng palad ko. Lahat ng iyon ay hindi mawala-wala sa aking utak. Nakahiga na ako rito sa kama. Sa tuwing mag-aattempt akong matulog o maski man lang ipikit ang mga mata ko ay makikita ko ang mga eksenang iyon. Para na akong uod na nilagyan ng asin sa kakaikot rito sa higaan upang maitabi ko lamang ang ala-alang iyon sa aking ulo at para makatulog na. Ang bigat bigat na ng katawan ko dahil sa pagod pero ang utak ko ay gising na gising pa rin. Marahas na napaupo ako sabay hawak sa aking ulo. Ano ba?! Patulogin mo na ako!
Nagdesisyon na lamang akong tumayo at pumunta sa veranda. Gusto kong lumanghap ng hangin. Maglabas ng... ng nararamdan ko. Habang tinitingnan ko ang paligid ay 'di ko namalayang hinahaplos ko na pala ang aking kamay kung saan iyon hinalikan ni James. A smile creep it's way to my face. Oh my! Tumitibok din ng malakas ang puso ko. Kinikilig ako. Kahit kinakagat ko na ang ibabang labi ko'y 'di ko pa rin mapigilan ang aking pagngiti. Geez! I'm acting like a teenager! Damn!
"James, what did you do to me?" Bulong ko sa kawalan.
May dumaang malakas na hangin. Napayakap tuloy ako sa aking sarili. Napagdesisyonan kong pumasok na pero kesa bumalik sa kama ay lumabas ako't pumunta sa kusina. Dumiretso ako sa ref at binuksan iyon. Kumuha ako ng white wine pagkatapos ay kumuha ng wine glass sa cupboard. I feel like drinking. Masyadong na-ooverwhelm ang puso ko sa ginawa kanina ni James. After so many years, simula no'ng nagustuhan ko si James noong highschool at minahal si Mico noong college ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng kilig. Iba ito sa kilig na nararamdaman ko kay Mico noon. Iba talaga. I can't really identify it but I know deep inside that there is some difference between it.
Argh! Ano bang pinagsasabi ko?! Inisang lagok ko ang laman ng wine glass. Urgh! Alam mo Yuan bakit ka nagkakaganito? Kasi hindi mo iyon inasahan! That James Dwight attack me without any warning! How dare he?! How dare he make me act this silly... but honestly speaking...
I'm so happy. I truly am.
Kinabukasan, padabog na bumaba ako sa kama at para akong nasa alapaap palang habang lumalakad palabas ng aking kwarto. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sabayan mo pa ang sunod sunod na pagdoorbell.
"Heto na! Heto na!" Binuksan ko ang pinto. "Will you stop it?!" Bulyaw ko sa taong may plano yatang sirain ang doorbell ko. Ang aga aga nambubulabog na ang lokong nasa likod ng pintuan ko. Nako naman, e!
Naramdaman ko nalang na may humawak sa magkabilang balikat ko at malakas akong niyugyog. Muntik nang atakihin ako sa puso dahil sa gulat ng ginawa niya.
"What happened to you?!" Hysterikal na tanong sa akin ni Monica. Anong what happened to you?! Sa sarili niya dapat itanong iyan hindi sa akin.
"What the! Stop! Nahihilo ako!" Reklamo ko sa kanya. Binitawan naman niya ako pagkatapos. Napahawak nalang ako sa aking ulo at sumandal sa pader para makapagpahinga. Parang literal na inikot-ikot ang mundo ko. Nararamdaman ko ring sumisirko ang tiyan ko. Gusto kong masuka. Letseng Monica! Kasalanan niya 'to!
"Let's talk," sabi niya at pinapasok ang sarili. Dinaanan lang ako. Medyo naging maayos na rin ako't hindi kagaya kanina ay malinaw ko nang nakikita si Monica. Nang mapasok naman sa utak ko ang kanyang sinabi at ginawa ay napabusangot ako.
"Come inside," mahinang bulong ko. Ang kapal talaga ng mukha nito. Hindi ko pa nga pinapapasok e. Tsk! Sinara ko nalang ang pinto at sinundan siya papunta sa living room ko. Prenteng nakaupo na ito paglapit ko sa kanya. Nakaangat pa ang magkabilang paa sa glass table ko. Hinampas ko kaagad ang hita niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ibaba ang mga 'to. Umupo naman ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomansHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...