•••••
|JD's POV|
"I'm sorry..." sabi ni Euphe pagkatapos niyang buksan ang pinto't pumasok saka umupo kaagad sa tabi ko. "Natagalan ako." Pagpatuloy niya pa. Nginitian ko naman siya.
"Ayos lang naman. Nga pala saang restaurant mo gustong kumain?" Tanong ko rito habang binubuksan na ang makina.
"Uhm, let's just use the Navi on this thing. Baka kasi maligaw tayo e kung imano-mano ko ang pagturo sa iyo." Sabay kulikot sa maliit na monitor na nasa tabi lang ng manibela. "Actually bagong restaurant 'to. Nagse-serve sila ng best Bicolano dishes. Narinig ko lang kay Jayden at nagkataong I'm craving on something spicy. Nakakatawa lang kasi umagang-umaga."
Napangisi naman ako sa kalokohang naisip ko. "'Di kaya naglilihi ka?"
"Loko! Hindi ako buntis 'no! Pambihira!" Malalaki ang mga mata nito habang binubulalas iyon. Ngumingiwi rin siya kaya napatawa tuloy ako.
Natapos na rin niya ang kanyang ginagawa at ngayon nga'y sinusundan ko na lamang ang direksyong pinapakita sa monitor. Habang papunta kami roon ay nagawa niyang magkwento sa akin tungkol sa nangyari sa kanya kagabi. Kinabahan ako akala ko nakita at narinig niya ang pinag-usapan namin ng mama niya. Pero parang nabunotan naman ako ng tinik nang malaman kong iba pala. Mataman lang ako nakinig sa mga sinasabi niya at medyo nagulat. Tungkol kasi iyon kay Yana... este Yalyn. Hindi nga pala niya ako hanggang ngayon pinahihintulutang tawagin siyang Yana. Batang iyon. Nakakatampo.
Saan na nga ba ako? Ah! Tungkol sa pagdating kuno ng totoong mommy nito kagabi. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Mas nagulat din ako kasi ang totoong ama rin daw ni Yalyn ay si Reeze. Kaya pala medyo maldita ang batang iyon may pinagmanahan talaga. Pero sana lang hindi maging malala tulad ng daddy niya. Nako!
Ilang minuto lang naman ang tinagal nang byahe at nandito na kami sa lugar na tinutukoy kanina ni Euphe. Napapagitnaan ang restaurant ng malalaki at malalawak na mall at mga ibang restaurant din. May ibang aura ito nang papasok kami sa lugar. Narinig ko ring may sinabi si Euphe na parang nasa Bicol lang daw siya. Sa katunayan sinabihan ko si Euphe na hindi ako sasama sa loob. Kasi maliban sa nakakakain naman na ako ng almusal kanina ay nakasuot ako ng uniporme. Kaso naging mapilit si Euphe hindi na rin ako nagpapilit ang kapal naman kasi ng mukha ko kung aarte pa ako sa boss ko.
Umupo kami sa bakanteng upuan at may lumapit naman kaagad sa aming waiter. Si Euphe na ang nakipag-usap. Siya na rin ang pinapili ko. Pagkatapos umalis ito at hindi naman matagal ang paghihintay namin kasi sandali lang ay pababalik ito sa aming direksyon at dinadala ang inorder ni Euphe. Napapabilib ako. Maraming tao pero ang bilis nilang kumilos.
Habang kumakain kami ni Euphe ay 'di ko mapigilang titigan ang mukha niya pero sa tuwing mahahalata na ni Euphe ang mga tinging iyon ay dali-dali akong titingin sa ibang direksyon o may itatanong sa kanya kahit walang katuturan. Hindi ako mapalagay. Kanina palang habang hinihintay ko si Euphe sa loob ng sasakyan ay iniisip ko na ang sinasabi ni Reeze. Alam kong binabantayan ako ng loko-lokong iyon. Kung may mali akong magawa kay Euphe o kung sa mga mata nila ay idadamay nila sila nanang at tatang. Naalala ko rin kung paano ako kinausap ng mama niya kagabi. Kung paano niya sinabing pera lang daw ang habol ko kay Euphe.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Napapitlag naman ako sa tanong iyon. Hindi ko namalayang napatitig na pala ako kay Euphe at nakita niya iyon. Dali-dali akong tumango.
"Oo naman. Maanghang lang itong kinakain ko."
"'Di naman ah," nakakunot man ang kanyang noo ay may ngiti ito sa labi habang sinasabi ang katagang iyon. Napanguso ako.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...