•••••
|Yuan's POV|
"I brought Doctor Gueverra here. He wants to talk to you."
Kunot noong tinitingnan ko ang lalaking nasa harapan ko. Nakaupo ito paharap sa akin. Nasa tabi naman niya si Monica. Kung wala pa lang kami sa sitwasyong 'to kanina pa ako natawa. Halata kasi ang pagkailang niya habang nakatingin sa aming dalawa.
Binalik ko ang aking atensyon sa kasama naming lalaki. Sabi niya isa raw siyang doctor at kilala niya si James. Kaibigan niya raw. Hindi ko man sinasabi pero hindi ako naniniwala. Baka nagsisinungaling lang o hindi ba pinagti-tripan ako nito. Wala kasi akong narinig mula kay James na may kaibigan siyang doctor. Tsaka masydo pa akong emosyal kung si James ang pag-uusap.
"O-kay... This is so awkward. Mag-oorder na ako, waiter!" sabi ni Monica. Nasa isang restaurant kami. Sabi kasi nitong Doctor Gueverra na may sasabihin siya patungkol kay James. Nag-aalala siya kasi ilang araw na raw hindi nagpaparamdam ang kaibigan sa kanya. Halata kasi sa boses niya iyon kanina no'ng sinabi niya sa akin sa harapan ng gusali ng GIC.
Lumapit naman ang waiter at si Monica na ang pumili. Makalipas ng ilang minuto ay umalis naman ito matapos iconfirm ang inorder ni Monica.
"Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Mikael Gueverra."
Mikael Gueverra. And that name rings a bell. Binaggit kasi ni James ang pangalan ni Mikael. Isang beses yata iyon kesyo matalik niya raw kaibigan ito simula noong college at nagkita sa pinagta-trabahuan niyang repair shop noon. Kaso dahil hindi maganda ang oras na iyon para magkwentuhan kaya naputol ang pag-uusap namin sa bagay na iyon. Kaya hindi niya nasabing doctor pala ang kaibigan niya. Napanatag naman ang kalooban ko. Knowing his James' friend. I guess he can help.
"I'm-- "
"Kryle Euphe Vellanez." Singit niya sa sasabihin ko. "I've heard much about you from James. Masyado ka niyang mahal kaya noong college kahit sinong kaibigan niya binibida ka." Pagpatuloy niya pa.
Agad akong nabahala. Ginawa iyon ni James?! Noong college... Noong highschool din kaya matapos akong umalis? Sinabi niya rin kaya sa mga kaibigan niya na gusto niya ako? Kinikilig ako at the same time nahihiya sa ginawa niya.
"So Doctor Mikael, bakit mo hinahanap si Yuan? Sabi mo kasi kanina hinahanap mo rin si James kaya napasugod ka sa kaibigan ko," sabi ni Monica. Sumalubong naman ang dalawang kilay niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Rin? Bakit? Nawawala ba siya? Hindi ba siya busy sa trabaho niya?"
Nagugulohan ako sa sinasabi niya. Simula noong binigay niya ang sulat na iyon automatic na nagresign na siya sa trabaho niya. Sabi niya kaibigan niya si James kaya dapat... Dapat...
Agad nag-iba ang timpla ko. Maski nga ako hindi niya sinabihan. Baka gano'n din ang ginawa niya kay dok.
"Umalis siya sa trabaho noong nakaraang araw. Hindi na siya bumalik. Sinubukan kong pumunta sa bahay nila pero sabi ng nakatira roon ay umalis ito sa bahay nila. Hindi ko alam kung nasaan siya. Kung saan siya... wala akong ideya." Mahina ang boses ko. Baka kasi kung lalakasan ko ay manginginig ang boses ko at 'di ko mapigilang umiyak sa harapan nila. Nakita ko kung paano kumuyom ng kamao niyang nakapatong sa mesa.
"Hindi na niya kaya," mahina niyang sabi na parang bulong nalang. Nagkatinginan kami ni Monica. Nagkibit siya ng balikat. Binalik ko ang aking paningin kay Doc. Mikael.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Ngayon naman ay nanggigigil niyang kinagat ang kanyang ibabang labi.
"Naawa na siya sa kanila." Ulit mahina na naman niyang sabi. Medyo napuno na ako. Alam ko kasing may koneksyon iyon kay James. Gusto kong malaman kung bakit ganito nalang ang reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...