•••••
|JD's POV|
Tatlong linggo ang lumipas. Nanatili akong nasa tabi ni Euphe. Marami na ring nangyari sa loob ng tatlong linggo. Nahihirapan si nanang sa bagong pwesto nito sa palengke at si tatang naman ay kasalukuyang nagpapagaling pa. Dahil sa aksidenteng kinasangkotan ni tatang ay nasira ang pinaparadang tricycle niya kaya kahit na muling gumaling si tatang ay mahihirapan pa rin siya. Si Jeffrey naman dahil medyo kapos kami sa pera kasi sa mga gamot ni tatang ay naghanap na ito ng kompanyang pagpa-part timer niya at may tinatanggap pa ring trabaho bilang tutor kaya nahahati ang kanyang atensyon sa pag-aaral at pagta-trabaho.
Ang dahilan lang ng pananatili ko sa tabi ni Euphe ay ang paghihintay ng tamang panahong tanungin ulit siya at marinig ang magiging sagot niya. Patuloy naman akong pinapaalahanan ni Kael. Minsan naman ay kinakamusta ako at sina nanang at tatang. May araw ding inimbitahan niya sina Jaze at Jeffrey na kumain sa labas para lang humingi ng tulong sa kanila na pagsabihan din ako. Nag-away pa kami ni Mikael dahil sa ginawa niya. Naiintindihan ko naman siya at nagpapasalamat ako sa pag-aalala niya pero buhay ko 'to. Pabayaan na lamang niya ako.
Kasalukuyang nandirito ako sa loob ng sasakyan. Hinihintay na matapos sa panananghalian si Euphe kasama si Mico. Nakatingin lang ako sa kanila habang masaya silang nagku-kwentuhan at kumakain. Simula no'ng nagkaayos ang dalawa naramdaman kong itinatabi ako ni Euphe sa sulok. Kinikibit balikat ko naman ang pakiramdam na iyon. Iniisip na baka nahihibang lang ako. Na kahit ano na lang ang pumapasok sa utak ko kasi nababagohan ako sa mga pangyayari. Napatitig ako kay Euphe na nakangiti kahit na may sinasabi kay Mico. Naalala ko ang mga bagay na nangyari no'ng pinaalis ni Euphe ang pagban ni Mico sa kompanya. Minsan pumapasok si Mico sa opisina ni Euphe, wala naman akong mapagpipilian kung hindi samahan ang dalawa sa loob. Nang bumalik naman ang secretary ni Euphe mula sa leave niya ay nabawasan ang oras na magkasama kami nito. Minsan nama'y pinapa-day off niya ako kahit hindi ko day-off. Nalaman ko nalang na nagkasama pala si Mico at Euphe.
Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa manibela. Sumisikip na rin ang dibdib ko sa kakatingin ng dalawa. Akala ko magiging maayos na kami ni Euphe. Hindi pala. Base sa galaw ng dalawa konti nalang ay magkakabalikan na sila.
Dumadaan ang araw lalong lumalayo ang loob ni Euphe sa akin. Tipong may harang na unti-unting tumataas sa pagitan namin. Hindi na nga niya ako gaano pinapansin. Nakakapanglumbaba.
Talumpong minuto ang lumipas, ang pinakamalungkot na talumpong minuto sa tanang buhay ko. Nakatingin sa kanila, sa kanya. Hinihiling na sana ako nalang ang kasama niya sa loob. Kagaya lang noon pero hindi na mangyayari iyon. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng panliliit simula no'ng kinausap ako ng mama niya.
Nang makita kong lumabas na sila sa restaurant at papalapit na sa sasakyan ay umayos na ako sa pagkakaupo saka lumabas. Hinintay ko si Euphe sa may pintuan para pagbuksan ito ng pinto. Huminto silang dalawa sa tabi ko.
"I hope for another lunch date tomorrow," sabi ni Mico habang may malaking ngiti sa labi.
"It's not a date," busangot namang ni Euphe sa kanya.
"What do you call a two person eating alone in a fine dining restaurant?"
"Whatever," natatawang sabi ni Euphe sabay irap.
"Don't worry about anything else. Surely, you'll get the result that you wanted soon. Bye." Paalam ni Mico. Dahil sa sinabi niyang iyon ay binuksan ko na ang likurang pinto ng sasakyan.
Tumango naman si Euphe. "Bye."
Papasok na sana ito nang hawakan ni Mico si Euphe at hinatak. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Euphe at masuyong hinalikan ang kanyang noo. Napalaki naman ang mga mata ni Euphe tandang hindi niya iyon inaasahan. Hindi ko naman magawang ibahin ang direksyon ng mga mata ko kahit pa nagsisimulang bumuo ang selos sa loob ko.
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...