BM 12

900 48 5
                                    

•••••

|JD's POV|

Nakaupo ako sa isa sa mga upuang na nakahilera rito sa pasilyo. Nasa Preeminent ako ngayon at gaya ng sinabi ni Euphe sa akin ay dumito ako sa opisina niya bandang alas otcho. Nakatungo ako habang may malalim na iniisip. Kagabi pa lang ako kinakabahan at hindi ko talaga maintidihan ang sarili ko. Masyado lang siguro akong nasasabik na malaman at marinig mula mismo sa bibig niya ang kagabi ko pang palagay.

"Hey!"

Itinaas ko ang paningin ko at agad akong napaupo ng maayos mula sa pagkalumbaba.

"Ikaw iyong body guard kahapon," maangas nitong sabi. Natandaan ko siya. Siya itong lalaking nadatnan kong ginugulo si Euphe. Pinaparamdam niya sa akin ngayon na dapat akong matakot sa kanya. Tumayo ako para ipabatid sa kanyang wala akong nararamdamang takot ni katiting dito. Mas pogi ako sa kanya kaya bakit ako matatakot?

"Ako nga po iyon sir."

"Nasaan ang boss mo? We need to talk."

"Wala pa siya rito."

Napabuga ito ng hangin at nilagay ang kamay sa balikat ko. "Don't try playing dumb, dumbass. I asked you, where is Yuan?" madiin niyang tanong. Kasing diin ng paghawak niya sa balikat ko.

Tanga yata 'to. 'Di nakakaintindi ng tagalog. Ingleshan ko 'to nang malaman niya hinahanap niya. Nakikita ko naman sa mga mata niyang nanggigigil ito. Kung ganito ito kapursigidong humingi ng tawad dapat sa una pa lang hindi niya ito sinaktan. Hindi ko pinansin ang uri ng paghawak niya at walang imik na tiningnan lang siya.

"Mico! Stop that!"

Napatingin ako sa harap at itong lalaki naman ay napalingon sa likod niya. Lumapit si Euphe at hinawakan ang kamay ng lalaki na mariin pa ring nakahawak sa akin. Marahas na hinatak nito ang kamay at itinapon. Tumayo naman si Euphe sa harap ko pagkatapos.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto kitang kausapin."

"Hindi ka pa rin sumusuko? Ano bang nangyayari sa iyo? Nawala ka lang naging shunga ka na! Mico, stop this bull crap and stop wasting my time!"

"Calm down you're making a scene!" Bulong ng lalaki at humakbang para lapitan pa lalo si Euphe.

"Nahihiya ka? Umalis ka!" sabi ni Euphe at tinulak ang dibdib ng lalaki. Nagawa namang humakbang ang tinatawag niyang Mico sa likod.

"Please, babe. Let's just talk I'm not going to hurt you anymore! Trust me."

"Trust you? Damn! Once it breaks you can't put it back together again. Kahit anong gamitin mo. Maski scotch tape, super glue, rugby, isama mo na ang uhog mo't tutuli! Hindi kita ulit pagkakatiwalaan. Umalis ka na bago kita papakaladkarin sa mga guards ko rito!"

"Krylle Euphe!"

"Guards!" Sigaw ni Euphe at gano'n nga ang nangyari. Ang guards na nandito ay nilapitan ang lalaking nagpupuyos sa galit. Ayaw niya pa sanang lumisan pero nakahawak ang tatlong guards sa kanya at kinaladkad nga ito palayo sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Tumabi naman ako kay Euphe matapos pumasok ang mga ito sa elevator at sumara ang pinto nito. Nakikita kong namumula ang mukha ni Euphe at mabibigat ang paghinga. Nagdadalawang isip man pero hinaplos ko ang likod niya. Doon naman siguro siya natauhan at napatingin sa akin. Ngumiti ako na siya namang sinuklian niya rin ng ngiti. Tumingin siya sa paligid at sinunod ko naman ang ginawa niya tumigil na rin ako sa kakahaplos sa kanyang likod. Inutusan niya ang mga taong nakasaksi na bumalik sa kanilang mga ginagawa. Naguguluhan man ang karamihan pero pinagpatuloy na nila ang kanilang naudlot na gawain.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon