Chapter 8

380 17 5
                                    

Chapter Eight: The Queen Bee.

"WHAT a show Janella." Pinalakpakan pa ako nila Liyah pagkalabas namin ng cafeteria. Dumiretso na kami sa parking lot at doon tumambay dahil ayaw muna namin makakita ng mga tao.

Natawa na lang ako sa inasta niya.

Of course I should do that. I won't let them destroy us without facing the real me.

"May mga code names din pala sila sa GW Janella." Pambabasag ni Lorraine sa katahimikang bumalot sa amin.

"What?" Sabi ni Kate.

Syempre ay may code names din sila. Every gangster doesn't want to risk their real identities.

"Ayon sa information na nakuha ko last night, si Kyle ay kilala bilang Dark at dahil siya ang leader ay sa kanya lang ang naiiba. Si Nathan ay si Thunder, si Andrei ay kilala bilang Rain at si Brent naman ay kilala bilang Storm." Pagpapatuloy niya sa sinasabi niya.

Napalingon kaming lahat kay Liyah na tawa ng tawa.

"That is so lame! Pinag-isipan nga ba talaga ang code names nila? It's like 'thunderstorm' and 'thunder and rain'." Natawa rin kami sa sinabi niya.

Lumipas ang isang oras at napagdesisyunan naming apat na bumalik na lang sa mga building namin dahil may apat na period pa kami na dapat pasukan pero bago pa kami tuluyang magkahiwa-hiwalay ay nakarinig na kami ng announcement na free cut na for the next two periods dahil may emergency meeting ang mga professors.

Napahiyaw naman si Kate at inaya kami na pumunta sa mall. Hindi na ako nagpumigil pa dahil ayaw ko ring makita sila Kyle.

"Ang laki pala talaga ng mall niyo Lorraine!" Ani ni Liyah.

Natawa lang si Lorraine sa amusement ng mukha at boses ni Liyah. Nandito kasi kami sa mall nila Lorraine. Mahigit isandaang branches kasi ang mall nila at ang bawat isa ay may mahigit six floors at sobrang lapad. Lahat ng shops ay halos nandito na. Hindi kami madalas sa mga mall nila Lorraine dahil nakakasawa na rin minsan. Ngayon ay napagdesisyunan namin na dito para malapit lang sa R.A.

Maya-maya lang ay nagpaalam na sina Liyah at Kate na may bibilhin sa isang boutique. Tumango naman kami ni Rainne at hinayaan silang makaalis.

Bored na bored pa rin ako kahit na nasa ibang lugar na kami pero laking pasasalamat ko na nandyan si Lorraine na hinahatak ako papunta sa hindi ko alam na lugar. Tinanong ko siya kanina kung saan pero ang sinabi niya lang ay 'basta'.

Nagpatianod na lang ako hanggang sa makalabas kami ng mall at napunta sa harap ng isang maliit na parang cottage. Hindi naman siya sobrang maliit pero sakto lang. Pinapasok niya ako sa loob at literal na nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

Ang buong lugar ay punong-puno ng mga gamit na hilig naming apat. May isang mahabang sofa na nakadikit sa pader. At hindi lang bastang mahabang sofa dahil talagang mahaba ito.

Sa gilid ay makikita lahat ng gamit na gusto ko kagaya ng mga libro. Sa katabi nito ay mga cd's at mga make-up at mga instruments na hilig nilang tatlo.

Hinila niya pa ako papasok sa isang pinto at napagtanto kong isang walk-in closet ito na punong-puno ng mga damit at sapatos. May isa pang kwarto at dito ko nakita ang mga armas kagaya ng mga baril, iba't-ibang klase ng kutsilyo at mga espada.

"What is this place?" Manghang tanong ko.

"This is the Closet. Pinagawa ko ito last year dahil naisip ko na pupwede tayong bumalik ng Pilipinas at tumira dito. From now on, this is the place na pagkukuhaan natin ng mga gamit natin and tambayan natin." Pagpapaliwanag niya.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon