Chapter 1

1.1K 23 3
                                    

Chapter One: The Gangsters and The Killers.

"QUEEN!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin mula sa likuran. Nakita ko naman si Blue na hingal na hingal at mukhang kakagaling lang sa pagtakbo. Huminto siya sa harapan ko at tumukod sa kanyang mga tuhod habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Anong meron Blue?" Walang emosyong sabi ko sa kanya.

Napa-angat naman siya ng tingin sa akin at mukhang hindi na nagulat sa sagot ko.

"Na-trace na nila Green 'yung location ng pinapahanap mo."

Kusang umangat ang sulok ng labi ko sa narinig.

"Halika at ipapakita raw niya sa atin."

Tumango ako at sumama kay Blue. Dinala niya ako sa The Closet, ang lugar na ipinatayo ni Blue para sa aming apat. Parang HQ na rin ang dating pero mas maganda dahil kumpleto sa kagamitan.

"Mabuti naman at nandito ka na Queen, nahanap ko na ang pinagtataguan nila." Bati ni Green.

"Mahusay." Tanging sabi ko.

Naupo ako sa tabi niya at tinignan nang mabuti ang screen ng computer at nakita ang pulang tuldok na nagsisilbing guide kung nasaan ang mga hinahanap ko.

"Ano na ang balak natin sa kanila?" Napalingon ako kay Red na nakapamewang sa gilid ko.

"Ako na ang bahala, thanks for the help girls." Napatango naman sila at sabay-sabay na umalis sa kwartong ito.

Isinandal ko ang likuran ko sa sandalan ng swivel chair na ito at nagpaikot-ikot.

Binasa ko ang pangalan na nasa screen, The Killers.

Napangisi ako nang wala sa oras. Humanda kayo ngayon sa akin dahil sisiguraduhin kong katapusan niyo na.

Inilabas ko ang phone ko sa bulsa at pinindot ang pangalang Black sa screen.

Wala pang ilang ring ay sumagot na ito.

"What can I do for the Queen?" Mahina niyang sabi.

"Na-trace na ang lungga ng mga hinahanap ko. I'll send you the details and ikaw na ang bahala sa kanila." Malamig kong sabi.

"And why me Queen? You know you can do that in just a snap, so why bother call me?" Manghang tanong niya sa akin.

"I know that Black, no need to remind me. 'Yun nga ang problema ko e, baka 'pag ako ang gumawa, mawala kaagad sila. Gusto kong pahirapan muna sila bago tuluyang mawala sa mundong ginagalawan at hinihingahan nila." Mahabang paliwanag ko.

I heard him chuckle. "Sige ako na ang bahala Queen."

Pinatay ko na ang tawag at tumingin muli sa screen.

It's payback time.

"DELA CRUZ!"

Halos mabingi ako sa sigaw na narinig ko kaya napatakip ako sa magkabilang tainga ko.

Maya-maya lang ay nagpakita sa harapan ko si Lorraine, ang best friend ko, na may dala-dalang plastic ng isang kilalang food chain.

"Nakita mo ba sina Liyah at Kate?" Bungad na tanong niya sa akin.

Agad akong napa-iling dahil hindi ko rin napansin kung saan sila nagpunta.

"Napadaan nga pala ako kanina sa fast food chain kaya bumili na ako ng lunch para sa ating apat. Grabe, miss na miss ko na ang mga pagkain na ganito. Mabuti na lang talaga at may branch pa ng fast food dito sa U.S." Ngumunguya niyang sabi.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon