Chapter Twenty: Addicted.
"THE place is definitely clear Dark." Narinig kong sabi sa device na hawak ni Kyle. Lumayo naman siya sa akin upang ituloy ang pakikipag-usap kay Nathan.
It's been half an hour since we went here. Wala na rin akong naririnig na mga putukan o senyales ng isang labanan. I just hope the girls are safe.
Tinignan ko ang tiyan ko na may tela. Kanina ay ginamot niya ito at tsaka nilagyan ng benda.
I sighed. I hope everything will turn out fine.
Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Nakakapit ang magkabila kong kamay sa puno para kumuha ng suporta at hindi matumba.
Hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay nakaramdam na ako ng pananakit sa may bandang tiyan. Napabitaw ang kaliwang kamay ko sa puno at napunta ito sa tiyan ko.
"Ang sakit pa rin." Ani ko.
"What are you doing?!" Napatingin ako sa sumigaw na si Kyle. Nakita kong ibinaba niya ang hawak niyang device at mabilis na nagtungo sa akin. Hinawakan niya kaagad ang bewang ko at marahang hinatak papunta sa kanya. Tuluyan kong nabitawan ang puno at napakapit sa leeg niya.
"You're still in pain." Aniya.
Pinagmasdan ko mabuti ang perpektong mukha niya. Kahit na nakakunot ang kanyang noo at nakatiim ang labi niya ay iba pa rin ang dating ng hitsura niya sa akin.
"Queen." Aniya.
Nabalik ako sa katotoohanan at muling umiling.
"W-What?" mahinang sabi ko.
Siya naman ang napailing ngayon at dahan-dahan akong isinandal sa puno na nasa likod ko.
"We're going home. The game's done." Aniya.
Hindi naman ako nagulat sa sinabi niya. Sa umpisa pa lang ay alam kong magaling talaga ang RYG kaya't hindi ako nagtaka kung bakit napasama sila sa Royalties bilang top 2.
"That's good." Wala na akong ibang masabi dahil occupied na ang isip ko kay Kyle.
Shit. What is happening to me?
"Any minute ay darating na dito ang RYG kasama ang AW. Just rest okay? You need more energy later." Aniya.
Napatango na lang ako ulit sa kanya. Nawala na sa laro ang focus ko at ang tanging gusto ko na lang mangyari ay makauwi dahil mukhang hindi ata maganda ang pakiramdam ko. I'm being weird these days. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko lalo na towards Kyle.
Janella, stop it. Habang maaga pa, itigil mo na.
"Huy!" Napabaling ako kay Liyah na ngayon ay naka-cross arms sa harap ko.
Today is Saturday. Tapos na ang laban kaninang madaling araw. Lahat ng Royalties ay nabuhay and the rest ay patay na o 'di kaya ay nasa mga ospital. I am very thankful sa RYG dahil kung wala sila ay baka hindi na kami nasikatan ng araw.
"You're spacing out Janella!" Sigaw ni Kate.
I mouthed sorry to them for spacing out again. These days, lagi na akong lutang and the like. Halos hindi na ako nakakatulog sa gabi at madalas ang pagpunta ko sa mga bars. I don't even know myself. Ang laki ng pinagbago ko at hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit ako nagkakaganito.
Monday came and I felt a little bit okay compared last time. I skipped classes dahil tinatamad ako and besides, hindi pa ako fully nakakarecover mula sa laban. Medyo gumaling na ang sugat ko sa pisngi pero visible pa rin ang scar. Ang sugat ko naman sa tiyan ay medyo gumagaling na rin pero kailangan pa ng pahinga. Maybe in a month or two, maghilom na ang sugat.
BINABASA MO ANG
The Gangster And I (Posted in Psicom App)
ActionSabroso Series #1: Dylan Kyle Sabroso After staying in the States for eight long years, Janella Amarie Claveria finally decided to go home to investigate her parents' death and to fulfill her responsibility as the leader of the Angel Warriors and as...