Chapter 19

247 18 2
                                    

Chapter Nineteen: Joined Forces.

NAKARATING kami sa isang abandunadong bahay sa gitna ng gubat na ito. Pagkpasok ay bumungad sa amin ang salang walang laman. Umakyat pa kami sa ikalawang palapag at pumasok sa isang maliit na kwarto. Marahas niya akong itinulak kaya napahiga ako sa sahig.

Mabilis akong tumayo at tumakbo papalapit sa pinto pero tuluyan niya na itong naisara. Narinig ko ang tunog ng mga kadena sa kabilang bahagi ng pintong ito. Nabaling naman ang tingin ko sa bintana. Lumapit kaagad ako dito pero nadismaya dahil nakagrills ang bintana at hindi makakalusot kahit ang kamay ko dito.

Naghanap pa ako ng pwedeng lalabasan pero wala talaga akong nakita. Mukhang pinaghandaan talaga nila ito.

Naglakad-lakad ako habang nag-iisip kung paano makakatakas dito pero my mind went blank! Ni walang idea ang pumapasok sa utak ko kung paano ako makakalabas ng buhay sa lugar na ito.

Bigla kong naisip ang earpiece na kanina ay suot ko. Shit. Tinanggal ko nga pala ito at inilagay sa bag. Ang bag naman na dala-dala ko ay kinuha nung lalaking nagdala sa akin dito.

Dapat pala ay hindi ko tinanggal iyon kanina.

Ang lahat ng armas ko ay nasa bag maliban na lang sa dagger na ginamit ko kanina, dalawang syringe, isang magazine at ang caliber 45 ko. Mabuti na lang at hindi ako nagawang kapkapan ng lalaki kundi mamamatay talaga ako dito.

Makalipas ang labing-limang minuto ay nakaramdam ako ng pagod sa kakalakad. Naupo ako sa may sulok at inisip mabuti ang gagawin.

Nasaan kaya sina Lorraine? Mukhang nasama din sila dito sa bahay na ito. Kung hindi ay malamang nailigtas nila ako kanina dahil tanaw ang pwesto ko sa kinaroroonan nila. Hiniwalay sila ng kwarto dahil alam nilang kaya naming sirain ang pinto o 'di kaya'y kaya naming makalabas dito kapag sama-sama.

Nabaling ang atensyon ko sa may pinto dahil sa narinig na ingay. Lumapit ako doon at idinikit ang tenga upang mas marinig ng mabuti ang ingay sa labas.

"Ang gaganda talaga nila kahit na naka-maskara. Paano pa kaya kung tanggalin natin iyon?" ani ng lalaki.

"Huwag kang magalala, hindi lang maskara ang tatanggalin natin mamaya." Malagkit na sabi ng kausap niya.

Napuno ng tawanan at hiyawan ng nasa labas. Mukhang marami silang nakabantay dito.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Huminga ako ng malalim at pumikit. Kailangan kong lumabas dito at mailigtas ang buong AW.

Ilang minuto ang lumipas at nakarinig ako ng mga yabag sa labas ng pinto. Inayos ko ang sarili at ibinaling ang tingin sa taong nagbubukas ng pinto.

Iniluwa ang isang lalaking naka-leather jacket. Nabaling ang paningin niya sa akin.

Hindi ako tumayo at sa halip ay ibinuka ko ng kaunti ang mga legs ko. Dahan-dahan kong hinaplos ang hita ko at iginilid ang buhok ko papunta sa kanan. Kagat-labi ko namang tinignan ang lalaking nasa harap ko at halos lumuwa na ang mata sa nakikita.

I can't believe I am doing this! Kadiri talaga.

Napalunok siya at nanigas sa kinatatayuan. Tumayo naman ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kanya. Hindi ko tinanggal ang eye contact namin. Nang makalapit ako sa kanya ay marahan kong hinaplos ang balikat niya. I drew circles and curves with the use of my forefinger.

Hindi talaga gumalaw ang lalaki at patuloy lang siya sa paglunok. Sinisinok ba 'to?

"Hi handsome." Ani ko. Pwee! Parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko kanina.

Isinara ko ng kaunti ang bukas na pinto. Pagkatapos ay napunta sa leeg niya ang mga kamay ko.

Kung hindi ko lang talaga gustong mabuhay ay hindi ko gagawin ito!

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon