Chapter 54

157 10 0
                                    

Chapter Fifty-Four: Threats.

PAGKALABAS ko sa Battle Royal ay pumasok kaagad ako sa aking Audi R8. Napahawak ako sa steering wheel at napahinga nang sobrang lalim.

Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ba ang gusto nila?

Napaisip ako bigla. Ibig sabihin totoo ang nakuha kong information na gangster at isa sa Royalties ang kasapi ng P.A? Kasi hindi sila magkakaroon ng access sa Battle Royal kung hindi ka kabilang sa Gangster World at most especially, sa Royalties dahil ang Royalties ang may hawak ng pass code ng Battle Royal.

Shit. Mas lalo naming kailangan mag-ingat. Nasa tabi lang ang mga kalaban at anytime pupwede nila kaming patayin.

Kinuha ko ang gadget na inimbento muli ni Kuya Jeric. Parang beeper o cell phone siya na communication ang purpose pero ang kakaiba lang ay isang pindot lang ay nagbibigay na ito ng message sa lahat ng gusto mong send-an. Ginagamit ko lang ito kapag nagpapatawag ng mga urgent meeting sa GW. Kung saan mga Royalties lang ang dadalo.

Pero this time, ang RYG at ang AW lang ang binigyan ko ng message.

Pinaandar ko na ang sasakyan at dumiretso papunta sa conference room ng Royalties.

Binuksan ko ang cellphone ko at nakatanggap ng sandamakmak na texts galing kina Liyah, Kate at Gwen.

From: Kate

Janella, where are you?

Halos pare-parehas ang mga mensahe nila.

From: Liyah

Are you okay Ella?

Hindi na ako nag-abala pang reply-an sila isa-isa.

From: Gwen

I felt sorry for you and Lorraine, Janella. I hope everything will be fine. Keep safe.

Mayroon ding text galing kay Lorraine.

From: Lorraine

Hey, I'm sorry for what happened. I didn't mean it. I hope we'll be okay. Saan ka na? Just call me and the others for back-up if you need help.

I was tempted na magbigay ng reply pero mas mabuti pang sabihin ko na lang ang lahat sa personal.

From: Baby

Baby, I miss you and I love you.

Napangiti na lang ako. Pinalitan niya ng pangalan ang nasa contact ko.

From: Baby

Baby, what are you doing? Why aren't you replying? :(

Marami pang text na mula sa kanya.

From: Baby

Baby, I'm starting to get worried. I love you so much.

Pinatay ko na ang cellphone ko at nag-focus sa pagda-drive. Alas dos na ng madaling araw nang dumating ako sa conference room.

Nakita ko ang mga sasakyan ng AW at ng RYG. Pinarada ko na ang sasakyan ko at bumaba na. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang kumpletong AW at RYG.

Napatayo sa pagkaka-upo si Kyle nang makita niya ako at lumapit bigla sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ng maiigi. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Good morning Queen." Bati ng RYG sa akin. Tinanguan ko lang sila.

"Are you okay baby? Where were you? And what happened? I heard nagpunta ka sa Battle Royal."

"I'm fine Kyle."

Bumaling ako sa kanila at nakitang nakangiti ang mga loko. Hindi pa rin ako binibitawan ni Kyle habang nakatingin sa akin.

"Kyle, bitiwan mo na ako."

"What did you said?"

Napatingin ako sa kanya.

"I said, bitiwan mo na ako."

"No, the other one."

Napakunot na ang noo ko sa kanya. Ano ba ang mga pinagsasabi niya?

"Kyle?"

Napatango naman siya. Napatingin ako sa AW at sa RYG na nakangiti sa amin. Maging si Nathan ay mukhang inaabangan ang susunod kong gagawin. Alam ko na kung anong pinuputok ng buchi nito.

"Ang sabi ko bitawan mo na ako, baby." Napangiti naman siya at unti-unti akong binitawan.

Hinila niya ang upuan at pinaupo ako dito. Nabaling naman ang tingin ko sa AW at RYG. Nakita kong natatawa naman sina Andrei at Brent habang si Nathan ay nakangisi lang.

Sinimangutan ko sila at nag-umpisang magsalita.

"I called each and every one of you to talk about something personal and not just to laugh nor smile like an idiot." Napawi naman ang ngiti nila.

"Ang awkward pala na makaharap kayo ngayong nalaman na namin kung sino talaga kayo." Saad ni Andrei.

"Wala kaming pakialam sa nararamdaman niyo. Kung hindi kayo kumportable ngayon at kung marami pa kayong reklamo, bukas ang pinto para sa inyo." Seryoso kong sabi habang nakatingin kay Andrei.

Itinaas niya ang kanyang mga kamay at nagsalita.

"Now I can see the real Queen." Ngumiti siya sa akin.

"Stop it Lopez." Sabi ni Liyah.

Natahimik naman ang lahat.

"So, what is the problem Queen? Bakit ka nagpatawag ng urgent meeting?" sabi ni Brent.

"Nakatanggap ako ng threat kanina. Ang sinabi, magpunta daw sa Battle Royal. Nagpunta ako doon at exactly twelve am. Pinaligiran ako ng mga tauhan ng P.A pero wala silang ginawa sa akin. Hindi sila umatake o sumugod. Hanggang sa may narinig akong nagsalita. He wants me to be their Queen..." Itinuloy ko pa ang mga sinabi ko sa kanila.

Hinawakan ni Kyle ang kamay ko habang nagsasalita ako at pinabayaan ko lang iyon.

"What happened?" Tanong ni Liyah.

"Of course I declined his offer. Hindi ako tanga sa nangyayari at kagustuhan niya."

Marami silang sinabi sa akin na mga techniques and information na alam nila tungkol sa P.A.

"And here's the thing. Ang isa sa kasapi ng P.A ay mula dito sa GW. Mula sa Royalties. Iyon lang hindi ko pa alam kung sino pero sigurado na ako na member siya ng Royalties dahil may kakayahan siyang gamitin ang Battle Royal."

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. I know that it is shocking. Kahit ako nagalit at nagulat ng nalaman ko iyon. Lahat ng Royalties ay pinagkatiwalaan namin pero mukhang may isa talagang babali nito.

"So here's the plan..."

Threats? That won't make us fall.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon