Chapter 22

201 14 3
                                    

Chapter Twenty-Two: Gwen Cipriano.

EARLIER this morning, I received another text message from G. I know that what she's doing isn't a prank nor a joke. This is something serious.

The text was all about me being the Queen of the Gangster World. I find it irritating to see her messages telling me who I really am.

Sa tingin niya ba ay hindi ko kilala ang sarili ko at hindi ko alam na ako ang reyna?

That was the reason kung bakit bad mood ako buong araw. The girls were quiet and didn't even budge to annoy me dahil alam nila na hindi maganda ang nararamdaman ko at hindi talaga ako maganda magalit.

Kasalukuyan akong nasa locker area ng Royal Academy. May sampung minuto pa bago magsimula ang klase kaya dito muna ako dumiretso dahil kukunin ko ang naiwan kong notebook.

Pinauna ko na sa classroom sina Lorraine at Liyah. Si Kate kasi ay absent ngayon. May family gathering sila at kinakailangang um-absent dahil sa ibang bansa pa ang event at dahil doon ay isang linggo siyang mawawala.

Tahimik ang buong paligid kung kaya't rinig na rinig ang bawat hakbang ng mga babaeng naka-takong na papalapit sa amin. Ipinagpatuloy ko lang ang pagla-locker ko at hindi sila pinansin.

Naramdaman kong nakapaikot sila sa akin. Sa tansya ko ay lima sila. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong sumandal sa locker ang nasa kaliwa ko. Bago ako matapos sa pagaayos ay nakita kong may katawan na nakahilig din sa locker sa kanan ko. Hindi ko lang makita ang mukha dahil nakabukas ang pinto ng locker ko.

Nang tuluyang matapos ako ay tinignan ko ang relo ko. I still have five minutes bago mag-start ang klase. Malakas ang pagkakasara ko ng pinto ng locker na siya namang ikinagulat ng dalawang babaeng nakasandal dito.

"The fuck is your problem?" Bulalas niya.

Hindi ko siya tinignan at tumalikod na. Doon ay nakita kong nakaharang ang tatlo pang babae. So I'm right, lima nga sila.

"Move." Malamig na sabi ko.

Wala ako sa mood makipaglaro at kaunting oras na lang ay maguumpisa na ang next class ko.

Pero hindi natinag sa lamig ng boses ko ang tatlong ito. Naka-cross arms sila at pare-parehong nakataas ang kilay. Pinasadahan ko ng tingin ang mga suot nila. Kung hindi mini skirt ay short shorts ang suot nila na tinernuhan ng crop top at spaghetti top. I smirked. What a typical bitch they are.

"I said move." Paguulit ko.

Sa pangalawang sabi ko ay naramdaman ko ang takot sa kanila at kaunting panginginig. Dahan-dahan silang umalis sa harap ko pero bago pa ako makadaan ay hinila na ng panget na 'to ang buhok ko.

"Fuck." Mahinang sabi ko.

Nabitawan ko ang mga dala ko at napahawak sa buhok ko na kasalukuyan niyang hinihila.

Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko. I was about to twist her hand and give her a punch in the face kaya lang may epal na sumigaw.

"What the hell are you doing?!" Um-echo ang boses niya sa buong locker area. So sobrang lakas ng sigaw ay napabitiw sa pagkakasabunot sa akin ang babaeng ito.

Nang makatayo ng ayos ay tinignan ko ng masama ang babae na ngayon ay lumambot ang ekspresyon sa mukha.

"D-Dylan." Aniya.

Napalingon ako sa lalaking sumigaw na walang iba kundi si Dylan Kyle Sabroso. Napaka-epal niya talaga kahit kalian. Hindi tuloy ako nakaganti sa babaeng ito.

"What are you doing Sasha?!" Muli na naman siyang sumigaw pero ngayon ay nakalapit na siya sa amin.

Sa totoo lang ay nakakatakot ang mukha ni Kyle. Para siyang lalamon ng buhay.

Wait, did I hear it right? Sasha? As in Sasha Bianca Trinidad, the fucking queen bee? Oh, kaya pala ang lakas ng loob para maghamon ng away. Hindi ko naalala ang mukha niya dahil ang panget niya. Before, I did not have any reasons para tandaan siya pero ngayon, meron na.

Just wait and see Sasha, makakaganti din ako sa'yo.

"S-She s-started it! We were just p-passing b-by and she pulled my hair!" Ani ng babaeng ito sa maarteng pananalita.

"Liar." Sambit ko.

Napalingon sa akin ang babae at tinitigan ako ng masama at pagkatapos ay bumaling kay Kyle na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Go to your classes before I report this to the Student Council." Aniya habang hindi inaalis ang pagkatitig sa akin.

Pagkasabi niya ay biglang kumaripas ng takbo ang mga babae at nawala ng parang bula. Inayos ko ang aking sarili at isa-isang pinulot ang lahat ng gamit ko na nagkalat sa sahig.

Tinulungan niya naman ako sa pagkuha ng gamit pagkatapos ay ibinigay niya ang lahat sa akin. I did not even bother to look at him nor dared to say thanks. Wala naman siyang nagawang mabuti.

"Wala man lang bang 'thank you'?" Aniya.

Binalingan ko siya with a smirk in my face.

"For what? Sa pakikisawsaw mo sa amin?" Mataray kong sabi.

Mukha naman siyang nagulat sa inasta ko.

"If it weren't for me baka pinaglalamayan ka na ngayon." Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Ako, paglalamayan? That's impossible lalo na kung ang limang 'yun ang makakalaban ko.

"If it weren't for you, tapos na sana ang laban ngayon at nakabawi ako sa ginawa nila. What you did made me look like someone who's weak. I'm not fucking weak Sabroso. I can handle myself and my fights. I'm no damsel in distress that needs a fucking knight to save me from bitches like them." Ani ko.

"Look, I'm just trying to help-" Pinutol ko kaagad ang sinasabi niya.

"You just don't get it right? You're not trying to help me! Mas lalo mo lang akong pinahihirapan. I thought you were smart but why can't you get what I'm trying to say? Just fuck off and mind your own shit!" Mabilis na naglakad ako papalayo sa kanya.

Dahil tatlumpung minuto na akong late ay hindi na ako tumuloy sa klase. I texted the girls na mamaya na lang kami magkita at mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Fuck that Sasha and her bitches. Isama mo pa si Sabroso!

I'm currently inside my unit. Napagdesisyunan ko na umuwi na lang muna. Hindi na safe sa labas at isa pa ay wala naman akong mapupuntahan ngayon.

My phone rang and I pressed the accept button.

"Hey Queen." Pagbati niya.

"Bn, what's up?" tanong ko.

"Alam ko na kung sino ang nagtetext sa'yo."

Napabalikwas ako sa kinauupuan dahil sa narinig. That's good news!

"Pero sad to say, name niya lang ang nakuha ko. Mahirap pasukin ang account niya at mukhang professional hacker din ang isang ito." Pagpapaliwanag niya.

"It's fine Bn. So, what's her name?" ani ko.

"Gwen Cipriano ang pangalan niya. Ayon sa ibang source na nakuha ko parang member din siya ng isang gang kaya lang ay hindi ko na nakuha kung anong gang iyon. Pasensya na Queen, I did my best to search information pero 'yan lang ang nakuha ko." Aniya.

"Thank you so much Bn. Malaking tulong iyan." Sambit ko.

The line went off after a few seconds.

Gwen Cipriano? Let's play a game. I'll be the one to chase you so better hide now before you regret that you existed in this world.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon