Chapter 25

205 16 1
                                    

Chapter Twenty-Five: Where Art Thou?

IPINIKIT ko ang mga mata ko. Kung talagang mamamatay na ako ngayon, so be it. Hindi ako natatakot mamatay pero sa tingin ko ay hindi ko pa oras ngayon. Marami pa akong misyon na hindi nagagawa sa lupang ginagalawan ko.

Lumipas ang ilang segundo ngunit wala akong narinig na putok ng baril o naramdamang panibagong sakit sa katawan. Sa halip ay mga sigaw ng pag-aray ang narinig ko.

Napamulat ako at nakitang nakatali na ang mga kamay ng mga babaeng nakalaban ko kanina. Sigaw sila ng sigaw pero hindi sila pinapansin ng mga lalaking nakatayo sa paligid nila.

Lumapit sa akin an glider nila at lumuhod upang mapantayan ang pagkakahiga ko. Inalalayan niya akong umupo.

"Jane." Aniya.

Napangiti naman ako sa pagbati niya.

"Keiron." Pagbati ko rin sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang pagaalala. Hindi natanggal ang ngiti sa mukha ko.

"I won't ask if you're alright because I know you're not." Sabi niya.

Napanguso ako sa sinabi niya. Kahit kalian talaga Keiron.

"Let's go. I'll take you home." Muli niya akong inalalayan patayo at idineretso na sa sasakyan niya. Bago 'yun ay sinenyasan niya muna ang mga kasama niya at kung ano-anong code pa ang ginawa. Well, that's a sign of their brotherhood.

Dinalaw ako ng antok habang nasa biyahe kung kaya't hindi ko na napigilan ang pagtulog. Sobrang sakit ng katawan ko at parang hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko.

Nang magising ako ay mukha ni Keiron ang bumungad sa akin.

"Gising ka na pala Jane."

"Where am I?" pupungas-pungas kong sabi.

"Nasa HQ ka ng DW. Hindi ko alam kung saan ang unit mo at kapag iniwan kita doon ay baka walang mag-alaga sa iyo."

I smiled at him.

"Thank you."

Marahan niyang pinitik ang ilong ko at sumimangot.

"You made me worry."

Pinilit kong hawakan ang kamay niya. Inunahan niya na ako at hinimas-himas ang kanang kamay ko.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko.

"Jane naman, I told you a thousand times before na hindi ka pwedeng lumaban mag-isa! Why are you so stubborn? Paano na lang kung hindi kami dumating?" Nag-aalala niyang tanong.

"That's why I'm thankful to you and sa DW." I let out a small smile to show him that I am fine.

Napamura siya ng mahina sa sinabi ko. Tinignan niya ako ng masama na para bang hindi maganda ang sinabi ko. Kahit kalian talaga ay savior ko 'tong lalaking 'to.

Keiron Castillo is my childhood friend. Madalas kaming magkasama noon at naging madaling lang ang pagkikita namin noong namalagi ako sa ibang bansa. Like me, parte din siya ng Gangster World. Ang DW o ang Deadly Warriors ay ang gang na binuo niya kasama ang mga kaibigan niya na sina Mark Castor, Nick Madrigal at Bryan Montenegro.

Sinipat ko ang balikat ko at nakitang malinis na ito at nakabenda. Wala na rin akong nakitang bahid ng dugo pero masakit pa rin ito.

"You need to rest Jane. You need to regain energy. Don't worry, I'll be here by your side and I won't leave you." Aniya sabay halik sa noo ko.

I'm so lucky to have this guy in my life.

I woke up again but this time, I felt better compared yesterday. I've been staying here for three days and so far, naigagalaw ko na ang katawan ko and I can walk normal na. Kumikirot pa rin ang balikat ko pero tolerable naman.

"Are you sure?" tanong ni Keiron.

Nagpaalam na kasi ako sa kanya na kailangan ko nang umuwi. It's been days and malamang ay nag-aalala na rin sina Lorraine.

"Yes. Thank you so much Keiron. I have to go." Tumango siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Take care Jane."

"I will."

Dumiretso na ako sa parking ng HQ nila at sumakay sa Ducati ko. Mabuti at nasama nila ito dito sa HQ nila.

Pinili kong pumunta sa R.A dahil doon ko makikita sina Kate. I opened my phone and saw that I was bombarded with text messages from them.

Pumunta na ako sa classroom dahil may nakapagsabi na nandoon sina Lorraine. Mula sa kinatatayuan ko, napansin kong walang tao sa loob maliban kina Liyah, Lorraine, Kate at kay Kyle na siya namang ikinagulat ko.

Why is he here?

"Please tell me where she is." Ani Kyle kay Lorraine.

Wait, did I hear it right? He used the word 'please'?

"We told you Kyle, we don't know where she is! Ni hindi siya nagre-reply sa mga texts namin." Sagot naman ni Lorraine sa kanya.

"Fuck!" Napaigtad ako ng biglang suntukin ni Kyle ang pader. Hindi pa siya nakuntento at sinipa ang lamesa na nandoon.

"Calm down okay? She'll be back." Sabi ni Liyah.

Hindi pinansin ni Kyle ang sinabi ni Liyah.

Nanatili lang ako sa pwesto ko at hindi na muna pumasok. I'm still watching his moves.

Damn, why do I feel like I missed him?

Walang sabi-sabi ay umalis si Kyle sa harap nila at dumeretso sa kinaroroonan ko. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil nakayuko siya at mukhang malalim ang iniisip. Mukhang wala din siyang balak tignan ako kaya nagsalita na ako.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Lunod na lunod na ako." Nakasandal lang ako sa pader malapit sa pinto habang naka-cross arms.

He flinched and looked at me. His eyes stayed the same but I saw a glint of surprise.

"Baby..." Aniya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. He then pulled me away from the corridor. Nakarating kami sa likod ng gym kung saan walang namamalagi.

Pagkabitaw niya sa akin ay agad niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"I missed you baby. Where did you go?" malambing na sabi niya. I flinched a little when he sniffed my neck.

"Somewhere." Sagot ko sa kanya. Humiwalay ako sa yakap niya dahil nakaramdam ako ng kirot sa balikat.

"I'm glad you're here." Wala naman akong naging reaksyon sa kanya.

"I need to go." Mabilis na umalis ako sa harap niya pero nakahabol siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Is there a problem baby?" I shook my head.

"Wala tayong problema Kyle. And please, stop calling me baby." Mahinang sabi ko. I don't have enough energy for this and besides, si Lorraine talaga ang pinunta ko dito at hindi si Kyle.

"Wh-" naputol ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Nathan sa harap namin.

"I'm sorry for interrupting but I need to talk to my brother." Malamig na sabi niya. Matalim din ang tingin na ipinukol niya sa akin.

"I better go." Marami pa sana akong sasabihin pero pinili kong manahimik na lang. Naglakad na ako papalayo hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa parking lot.

I'm very tired and yet, hindi ko pa nagagawang puntahan sina Lorraine. Napa-iling na lang ako. Why did I even let him drag me?

Napagdesisyunan kong umuwi na lang muna. I need to rest and find some time for myself.

My phone vibrated and I was surprised to see a text message from Keiron.

From: Keiron

Jane, we have a problem. Gwen and her gang are missing.

Napamura ako ng mahina sa nabasang text.

Gwen Cipriano, where art thou?

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon