Chapter Forty-Seven: The Reason Why. (Part 3)
TINIGNAN ko siyang mabuti bago ako magsalita.
"Tumigil ako sa pagiging assassin nang dahil sa'yo."
Nakita kong napaayos siya ng upo at mas lalong nakinig sa akin. Mukhang na-curious yata siya.
"What do you mean?" Halata na sa mukha niya na hindi niya na naiintindihan.
Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Kahit kailangan talaga ay napaka-iyakin ko.
"Wala pa akong balak tumigil sa pagtatrabaho noon. Tanggap lang ako ng tanggap ng mga misyon na sa tingin ko ay swak para sa akin. Pero isang araw may lumapit sa akin na mga lalaking naka-itim. Nagbigay sila ng folder sa akin at umalis na. Binuksan ko ito at nakita na ang gusto nilang ipapatay ay walang iba kundi ikaw. Si Dylan Kyle LeFevre Sabroso." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
Ibubuka niya palang ang bibig niya pero inunahan ko na siya.
"Yes Kyle, ikaw ang gusto nilang ipapatay. They say that you've been using drugs and you and your friends sell it. Pati sila Nathan ay gusto rin nilang ipapatay. I accepted it, of course it's my job pero bago pa ang lahat, I made sure na totoo ang sinabi nila sa akin. Inimbestigahan kita. Minanmanan ang bawat galaw mo at lakad mo. Sa huli, I convinced myself na hindi totoong gumagamit at nagbebenta ka ng drugs. "
"Anong nangyari? How long have you been investigating me?"
"A year. I stalked you for a year and saw nothing. You just party every night with your friends and do illegal car racing for fun. You studied at Kinston University in your elementary and secondary level with your siblings, Nathan Angelo and Gianne Angela Sabroso..." Marami pa akong sinabing information sa kanya na mas lalong ikinagulat niya.
"What happened after you declined them?" Takang tanong niya.
This time tumayo na siya at unti-unting lumapit sa akin.
"They threatened me. They said that they will hunt me down and kill me. They did everything just to kill me but they just failed to do it. Noong una, puro panakot lang na kapag hindi ko ginawa iyon ay papatayin nila ako. I wasn't scared because I know that I can handle myself. Pero it turned the other way around because they even threatened my brothers and friends. 'Yun ang hindi ko kinaya. Nawala na ang mga magulang ko at mas lalong ayaw ko sila mawala sa akin. I traveled around the world just to hide. Japan, Korea, Canada hanggang sa America ay nagtago ako. After eight years tsaka lang ako bumalik. Pero nandyan na naman sila. Remember noong last game ko na napunta tayo sa isang lugar dahil may sumusunod sa atin? Sila 'yun. Buti na lang at hindi nila natunugan na ikaw ang kasama ko dahil parehas tayong mamamatay."
Tuloy-tuloy na ang luha ko. Niyakap niya ako nang sobrang higpit at hinalikan ang buhok ko.
"Everything was my fault. Kung hindi dahil sa pagiging careless ko hindi mangyayari ito."
"Shh, baby. You didn't do anything wrong."
"That's why I can't tell you my real feelings because I was scared. I am scared that you might hate me if you'll know this."
Ni-level niya ang noo niya sa akin at pinagdikit ito.
"Baby, hindi mo kasalanan ang lahat. You protected me and Nathan against those people who wanted to kill me. Naging mabuti ka at inisip lang ang mga mabubuting tao sa halip na sa sarili mo. Naging matapang ka. Shh, stop crying baby. It hurts the hell out of me." Niyakap niya ulit ako at mas lalong napahagulgol sa sinabi niya.
"Just remember I am always here beside you, loving you with all my life. I love you so much baby."
Napatango na lang ako. I am so damn lucky to have him.
I have to let this out. Gusto kong sabihin kung ano ang nararamdaman ko.
"I think I like you too Kyle." Mahinang usal ko na halos ako lang ang nakarinig.
No more denials, no more lies. I'm ready to fight with you baby.
BINABASA MO ANG
The Gangster And I (Posted in Psicom App)
AzioneSabroso Series #1: Dylan Kyle Sabroso After staying in the States for eight long years, Janella Amarie Claveria finally decided to go home to investigate her parents' death and to fulfill her responsibility as the leader of the Angel Warriors and as...