Chapter 32

205 13 1
                                    

Chapter Thirty-Two: The Fifth Member.

MASAKIT palang masaktan? I know that this is a dumb question but I still chose to ask it. Sa buong buhay ko, akala ko naramdaman at naranasan ko na ang lahat ng klase ng sakit. Akala ko immune na ako dito. At ang buong akala ko ay kaya ko nang mamuhay ng walang nararamdamang sakit.

Pero puro akala ko lang pala ang lahat ng iyan dahil hindi ko pa nararamdaman ang totoong sakit. Sobra akong nasaktan ako dahil sa pagkawala ni Gwenie pero masakit din pala ang matamaan ng bala.

Don't get me wrong but this isn't the first time that I was shot. But this is the first time that I did it to save another person. Sinalo ko ang bala na para kay Gwen. Masyado na siyang maraming ginawa para sa akin at gusto kong tumanaw ng utang na loob.

"Janella, hold on. 'Wag kang bibitaw." Maiyak-iyak na sabi ni Gwen habang nakahiga ako sa hita niya.

"I'm sorry..."

Mas lalo siyang naiyak sa paghingi ko ng kapatawaran. Nilabas niya ang phone niya at nakita kong tinawagan niya si Lorraine.

"Lorraine, I'm sorry. Please tulungan mo ako. Si Janella..." Their conversation became choppy in my ears. Paputol-putol ang mga salita na narinig ko hanggang sa tuluyang wala na akong narinig.

Kasabay nito ay ang paglabo ng paningin ko at ang unti-unting pagdilim ng paligid.

THIRD PERSON

Unti-unting sumara ang mga mata ni Janella na ikinataranta ni Gwen. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin lalo na nang maramdaman niyang hindi na gumagalaw si Janella.

"Shit Janella! Hindi ba ay ikaw ang Queen? Akala ko ba ay malakas ka? Bakit hindi ka lumalaban?!" Inalog-alog ni Gwen ang katawan ni Janella ngunit hindi siya nakakuha ng kahit anong sagot mula dito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ang AW sa loob ng abandunadong gusali. Mabilis silang lumapit upang sumaklolo sa kaibigang walang malay.

"J?" Maluha-luhang sabi ni Liyah. Hindi na niya inintindi ang paglimot niya sa pagtawag ng 'Queen' sa kaibigan dahil sa matinding pagkagulat.

Napatakip naman si Kate sa kanyang bibig nang makita ang hitsura ni Janella.

"No..." Ani Lorraine.

Nagulat si Gwen nang biglang kumilos ang AW at inasikaso si Janella. Seryoso ang mga hitsura nila pero makikitaan mo ito ng pag-aalala. Isinakay na nila si Janella sa sasakyan nila at dumiretso kaagad sa ospital.

"This is my entire fault." Nakayukong sabi ni Gwen.

Isang linggo na ang nakalipas matapos mangyari ang pagtutuos nina Gwen at Janella sa isang abandunadong gusali malapit sa isang parke.

Bakas sa mga mukha ng AW ang lungkot at labis na pag-aalala. Lumapit sa kanila ang doktor kanina at sinabing maayos naman na daw ang kalagayan ni Janella at maaaring magising na ito.

"Hindi ba natin sasabihin kina Kyle ang tungkol dito?" Pagtatanong ni Liyah sa mga kasama.

Kasalukuyan silang nasa loob ng Royal Academy. Nais nilang lumiban sa klase dahil gusto nilang bantayan si Janella pero nakakarami na sila ng absent at malapit na rin ang exams nila kung kaya't hindi nila magawa ang nais nila.

Sasagot na sana si Lorraine sa tanong ni Liyah ngunit may naunang nagsalita.

"Ano ang hindi ko dapat kong malaman?"

Tumindig ang mga balahibo nilang tatlo nang bigilang magsalita si Kyle na nasa likod nila. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan.

Hindi kaagad nakaimik sina Liyah at Lorraine dahil sa pagkabigla.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon