Chapter 45

171 10 2
                                    

Chapter Forty-Five: The Reason Why.

LITERAL na napatigil ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at gagawin ko. Hindi ko alam na mangyayari pala ang araw na ito. Na-estatwa na lang ako sa pwesto ko dahil hindi ko mai-galaw ang paa ko maging ang mga kamay ko.

Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka kamuhian niya ako at masira na ang kung ano mang meron sa amin.

"Answer me!"

Napaatras ako sa pagsigaw niya dahil hindi ko inakala na ganito ang magiging reaksyon niya. Galit na galit siya sa akin.

Nanatili pa rin akong hindi nagsasalita kaya mas lalo siyang nagwala. Kinuha niya iyong upuan sa gilid at ibinalibag niya ito. Nakakatakot ang hitsura niya ngayon. Parang mangangain ng buhay.

"Why won't you answer me?" Mataas pa rin ang tono ng boses niya at rinig na rinig pa rin ito sa buong kwarto. Pasalamat na lang ako at sound proof ito kaya walang makakarinig sa amin.

Unti-unting siyang lumapit sa akin at nagbigay ng isang suntok. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko at nailagan ko kaagad ito. Nagpatuloy siya sa pagbibigay ng suntok pero wala namang tumama ni isa.

Isang suntok pa ang pinakawalan niya pero this time, sinalo ko ang kamay niya at pinilipit. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi niya inaakalang lalaban ako pero hindi ko naman siya sinuntok nor sinipa.

Napalayo kaagad siya sa akin nang bitawan ko siya.

"Why?" Mahinang usal niya.

Napaupo na lang siya sa kabilang dulo ng kwarto. Naupo rin ako sa kabilang dulo, kaharap niya.

"Why?" Inulit niya pa ng isang beses pero mas mahinahon at mahina na ngayon.

"Kinailangan ko." 'Yan lang ang tanging nasabi ko. Dahil ito naman talaga ang totoo.

Nakatitig lang siya sa akin. Naawa ako sa kanya pero mas naawa ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang sabihin ang totoo sa kanya at sa sarili ko.

Bakit pa kailangang mangyari ito? Kanina ang saya-saya namin tapos umalis lang ako, nagkaganito na.

"Hindi naman talaga ako gangster. Wala akong alam sa Gangster World, sa Royalties at sa pagiging Queen. Ni isang ideya tungkol dito ay wala akong alam." Pagsisimula ko.

Nakapikit na siya ngayon at tila nakikinig sa mga sinasabi ko.

"I was a little girl na mahilig maglaro. Normal lang kagaya ng iba pero nag-umpisang mabago ang lahat simula nang mamatay ang mga magulang ko."

Pinikit ko ang aking mga mata at inalala lahat ng nangyari.

"Saan mo gusto pumunta Jane?" Tanong ng isang matandang babae sa kasama niyang bata.

"Gusto ko po sa park! Maraming balloons at ice cream!" Masayang sagot ng batang babae.

"O sige pupunta tayo sa park pero hindi ngayon. Abala pa kasi ako e." Ani ng matandang babae.

Umalis na ang matandang babae papunta sa kusina upang tignan ang kanyang niluluto. Naiwan namang mag-isa ang batang babae.

Palabas na ng pinto ang batang babae nang may magsalita.

"Ooops! Saan pupunta ang magandang bata?" Sabi ng isang matandang lalaki.

Napahagikgik naman ang batang babae.

"Sa park po!" Masayang sabi niya.

"'Di ka pwedeng umalis ngayon munting binibini." Ani ng matandang lalaki.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon