Chapter 12

384 17 7
                                    

Chapter Twelve: Battle Royale.

NGAYONG gabi na ang pinakahihintay na laban ng lahat. Ang pinaka-inabangan ng lahat ng gangsters dito sa GW.

Ang Battle Royale.

Dito magtatagisan ang lahat para subukin ang lakas at talino maging ang galing sa pakikipaglaban. Ang larong nakakatakot at napakadelikado.

Pinagmamasdan ko ang octagon na kaharap ko ngayon. Isang octagon na sobrang laki kumpara sa mga ginagamit sa MMA fights. Sa loob niyan ay dadanak ang dugo ng mga magiging sawi. At sa loob din niyan tatanghalin ang pinakamagaling sa lahat.

Alas diyes pa lang ng gabi at kakaunti pa lang ang mga tao rito sa venue. Sinadya naming agahan para makita ang lahat ng papasok at maging alerto sa pupwedeng mangyari.

Noong huling taon ay nabalitaan naming sa labas pa lang ng venue ay may mga gangster na pinatay sa madayang paraan upang hindi na makalaban sa laro. Ngayon ay hindi imposibleng mangyari iyon kung kaya't nagiingat lang kami.

Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo sina Liyah. Komportableng-komportable silang nakaupo na para bang hindi sasabak sa madugong labanan mamaya.

Nilapitan ko sila at umupo sa tabi ni Kate.

"Always remember that-" Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsagot ni Lorraine.

"We shouldn't be relaxed later and stay alert chuvanes chuvanes." Natawa kaming lahat sa huling sinabi niya.

"Alam na namin 'yan Queen. Just trust us." Ani Liyah.

"Good." Nginitian ko na lang sila.

Sana nga maging maayos ang laban mamaya.

Battle Royale.

Dalawang salita lang iyan pero nakakatakot. Sa larong ito, pwede kang gumamit ng kahit anong sandata na mayroon ka maging ang baril ay pwede. Isa lang ang rule dito. Kailangan ay fair ang laban at lahat naman ay sumusunod.

Lahat ng tao na naglalaro dito ay walang awa. Puro kapakanan lang nila ang iniisip.

Killing for power.

Alas onse y medya na ng gabi at madilim na madilim na dito. Dumami na rin ang mga tao.

Napasandal na lang ako sa pader sa may sulok. Sinadya naming hindi magpakita sa iba para may thrill. Tanging ang Royalties lang ang nakakaalam na kami ay pupunta ngayon.

So far, wala namang nakakakillala sa amin dahil sa get-up namin. Walang kamatayang all black ang attire namin tonight. Nakamaskara pa rin at heavy and dar ang make-up sa amin ni Kate. Fierce and smokey-eyes.

Naka-contact lens din kami at kakulay ng mga ito ang code names namin.

"Alam mo ba nandito ang Angel Warriors!"

"Talaga?"

"Oo! Nakita ko yung sasakyan nila e."

"Wow ang galing naman."

Narinig namin ang paguusap ng dalawang babae sa tabi namin.

"Good evening ladies and gentlemen! As we all know, we are here again to witness the Battle Royale!"

Napabaling ang atensyon ng lahat sa pagbukas ng ilaw sa octagon maging ang pagsasalita ng emcee.

Naghiyawan ang lahat ng tao dito. Napatayo ako ng maayos at napangisi. Medyo na-eexcite na rin ako sa mangyayari ngayon.

"Pare, pupusta ako sa Angel Warriors!" Masayang sabi ng isang lalaki sa 'di kalayuan.

"Sus, laos na 'yan! Sa RYG ako."

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon