Chapter Fifty-Two: Love and Hate Collide.
HINDI na ako masyadong nagulat nang sabihin ni Violet na P.A ang may kagagawan nito. Noon pa man ay inaasahan ko na maghihiganti sila sa akin at sa ginawa kong pagtutol o pagsuway.
Ang grupong nag-utos sa akin na patayin si Kyle. Ang grupong nagmamay-ari ng mga sasakyang itim na sumunod sa akin noon. At ang grupong sinuway ko at pinagsisihang kausapin ang may pakana nitong lahat.
Walang iba kundi ang P.A o mas kilala bilang Perilous Association.
Isa sila sa pinakamakapangyarihang grupo o asosasyon sa buong mundo ng gangster, assassin at mga killers. Sila ang may hawak at nagpapatakbo ng mga illegal na pasugalan, mga droga, at mga illegal na kompanya at agencies ng mga hired killers at assassins.
Unfortunately, sila ang may hawak sa agency na pinagtrabahuhan ko noon bilang isang assassin. Sa sobrang makapangyarihan nila, kayang-kaya ka nilang patayin sa isang kurap lang. Napakarami din nilang tauhan na naglilingkod at pumapatay para sa kanila.
Sa pagkakaalam ko dati, mahirap makapasok sa P.A bilang member. Kinakailangan mo pang dumaan sa sobrang hirap na training both physically and mentally. Matatalino sila at magaling sa pakikipag-away.
"Are you alright J?" Napalingon ako sa nagsalita.
Nakita ko naman si Jared na nakatayo sa gilid ko at may benda sa may kanang balikat.
"Yeah." Mahinang usal ko.
Fortunately, nakalabas din kami sa lugar na iyon. Dineretso ko sa ospital si Jared para mapatingin ang sugat niya samantalang sina Liyah at Brent ay umuwi na kasama ang iba. Sumama pa sa akin si Kyle hanggang ospital at ayaw niya pa akong iwan pero napilit ko siyang umuwi na rin dahil mag-uumaga na.
"Kumusta na iyang sugat mo?" Pabalik kong tanong sa kanya.
Napatingin naman siya sa sugat niya at tumingin ulit sa akin.
"Ito? Wala 'to. Malayong-malayo sa bituka kong gwapo." Natawa naman ako sa sinabi niya.
Napaupo na siya sa gilid ko at sabay namin pinanood ang sunset mula dito sa balcony ng unit niya.
"Ang ganda no?" Sabi ko sa kanya.
"Yup. Maganda nga."
Ilang oras din kaming naupo doon at hindi nagsalita.
"J, I missed you. I told you na sa akin ka na lang mag-stay before edi sana hindi mangyayari ito ngayon." Seryoso niyang sabi sa akin na nagpalingon sa akin.
"Jared, alam mo ang sitwasyon ko noon pa man. I was careless at sobrang padalos-dalos ng mga desisyon ko kaya ako nagkaganito. Kung maibabalik man ang panahon, siguro ganoon pa rin ang desisyon ko. Kasi hindi ko makikilala sina Lorraine, Violet maging sina Kyle. Hindi ko makikilala yung mga totoong kaibigan ko na hindi ako iniwan kahit na marami akong pagkakamali. Tinanggap nila ako kung sino at ano ako." Mahinang sabi ko.
Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"J, I'm sorry. Sorry dahil iniwan ka namin nila Kuya Jayden, Jeric at Jake. Sorry kasi alam kong ako lang yung nakakaintindi sa iyo ng labis pero pinili ko pa ring iwanan ka kagaya nila. Natakot kasi ako e. Natakot sa nangyari kina Mommy at Daddy. Natakot ako na baka tayo naman ang isunod nila, ang patayin nila." Malungkot na sabi niya.
"You know we won't let them kill us Jared." Mariing sabi ko sa kanya.
"I know. Pero syempre hindi mawawala sa akin yung takot at kaba. Nakakatawang isipin na kung sino pa yung bunso ikaw pa yung matapang. I am so proud of you Janella. Naging matapang at matatag ka kahit nag-iisa ka lang." Sincere na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Gangster And I (Posted in Psicom App)
AksiyonSabroso Series #1: Dylan Kyle Sabroso After staying in the States for eight long years, Janella Amarie Claveria finally decided to go home to investigate her parents' death and to fulfill her responsibility as the leader of the Angel Warriors and as...