Chapter 17

244 17 1
                                    

Chapter Seventeen: Strategies.

NO. There's no freaking way that the feeling is mutual!

You have to wake up J! Ugh. Ano na ba ang nangyayari sa 'yo?

I rolled over my bed. It's been a day since Kyle dropped me home pero bakit hanggang ngayon ay iyon pa rin ang iniisip ko?

His gestures, his looks, the way he speaks and everything about him makes me confused!

Simula nung ihatid niya ako ay hindi pa kami nagkikita nor nag-uusap ng matino. I don't even know what's running in his head! Baka kung ano-ano na ang iniisp nun.

"Earth to J?" Napalingon ako kay Liyah na ngayon ay ngumunguya ng chips sa harap ko.

"What?!"

"Whoah! Hands up!" Natatawang sabi niya. Itinaas niya pa ang mga kamay niya.

"Sabi ko anong balak natin tomorrow night?" aniya.

Napaayos ako ng upo.

Bumukas ng pinto at dere-deretsong pumasok sina Kate at Lorraine.

"Dating gawi?" sabi ko.

Napatango naman siya. Nakakunot naman ang mga noo nung dalawa.

"What?" Ani Kate.

Muling sinabi ni Liyah ang pinag-usapan namin.

"You know, parang may hindi maganda akong nararamdaman about tomorrow's game. Huwag na kaya tayong pumunta." Ani Lorraine.

Liyah groaned.

"Oh come on Lorraine! It's been years since we last joined a fight!" Napaupo naman siya sa tabi ko.

"Huwag kang OA Liyah, we just joined the Battle Royale! And hindi pa nga lumilipas ang isang buwan!" Lorraine said.

Narinig ko namang tumawa si Kate.

"What do you say?" Bumaling sa akin si Lorraine.

Napunta ang tingin ko kay Liyah na parang nagmamakaawa na sumali kami sa laro.

"I don't know. Fighting's fun pero kung kinukutuban ka ng hindi maganda, then maybe we should..." Actually hindi ko nadugtungan ang sasabihin ko dahil maski ako ay nalilito.

A part of me wants to join like Liyah. It'll be fun and isa pa, magsisilbing work-out namin. But a part of me doesn't want us to join dahil kahit ako ay kinukutuban din.

"We should what?" Ani Kate.

I sighed.

I was about to speak when my phone vibrated. Kinuha ko kaagad ito and checked who messaged me.

From: 09*********

Hey.

I frowned when I saw the message.

"Who's that?" Naitago ko kaagad ang phone ko dahil nakasilip na silang lahat.

"No one."

Before they could speak, another message appeared in my phone.

From: 09*********

Are you home?

"Ooh! Someone has an admirer!"

"I don't have!" Mabilis na sabi ko.

"Ikaw ba?" Natatawang sabi ni Kate.

I was about to answer them pero nag-ring na 'yung phone ko.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon