Chapter 56

223 11 1
                                    

EDITED (May 10, 2018)

A/n: Enjoy kaya ang stay nila Janella sa Isla Corona? Alamin natin iyan sa chapter na ito. By the way guys, nag-post ako ng note sa LIOIW. Wala pong katotohanan ang storyang ito. Kathang-isip lang po ang lahat ng ito lalo na ang nasa chapter na ito at sa susunod. Huwag po gayahin ng mga bata pati ang lenggwahe. Salamat sa pinagsamahan natin guys! This is the last chapter of The Gangster And I. Don't forget to vote, comment, share, like our FB Page (Janellathepanda WP) and visit our website (JanellaThePanda.Weebly.com). Enjoy Reading!

Chapter Fifty-Six: The Ending.

"JANELLA naman kasi e, let's swim na." Pang-sampung beses na pag-aaya ni Liyah sa akin.

Napahinga na lang ako nang malalim at tinignan siya.

"Okay." Sabi ko sa kanya at dumiretso na sa kwarto ko. Narinig ko naman siyang nagtiti-tili sa labas.

Kaninang umaga pa ako kinukulit ni Liyah na mag-swimming daw sa beach. Okay lang naman sa akin kung mag-swimming sila pero huwag na sana nila ako idamay pa. Pero ang kulit nila at hindi umalis nang hindi ako kasama.

Kanina pa nasa labas sina Kyle at nags-swimming pero kaming girls ay naiwan dito sa loob ng hotel room.

Hindi naman sa ayaw kong mag-swimming, may kutob lang talaga ako na baka may gawin ang P.A ngayong alam na nilang nandito na kami sa Isla nila.

Dumiretso na ako sa bag ko at kumuha doon ng isang Black na two piece at agad na sinuot ito. Bago ako lumabas ng kwarto ay kinuha ko na rin ang White see-through dress ko para maipantakip kahit papaano sa katawan ko.

Nakita kong nakaupo silang apat sa sofa habang hinihintay ako.

"After four-hundred years." Sabi ni Kate.

Naka see-through dress din sila pero kita mo pa rin ang mga suot nilang two-piece. Hindi ko aakalaing magsu-suot ng ganyan si Lorraine. Nginitian ko na lang siya.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng kwarto at sumakay sa elevator. Pagkalabas namin, nakita kong walang tao sa lobby. Nahuli ako sa paglalakad dahil pinagmamasdan ko pa ang lugar. Bakit walang tao?

Sana talaga hindi tama ang kutob ko.

Lumabas na rin ako sa hotel at nagmasid kung may tao nga ba. Pero nagkamali ako. Ni isang tao wala akong nakita. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa kinaroroonan nilang lahat.

"Oh andyan na pala si Janella." Narinig kong sabi ni Gwen.

Napatingin naman silang lahat sa akin. Una kong nakita si Kyle na naka-suot ng khaki shorts at topless. Nginitian ko siya pero hindi niya ako sinuklian ng ngiti o tango man lang. Nagtuloy-tuloy naman silang lahat sa beach at nagtampisaw na. Nanatili naman akong naka-upo sa buhanginan.

Maya-maya lang ay naramdaman kong naupo sa tabi ko si Kyle. Hindi siya umimik kaya napatingin na ako sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi pa rin natinag ang titig niya sa mga mata ko.

Tumingin na lang ako ulit sa dagat kung saan nakita kong nagsasaya ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam na magiging masaya pa pala sila sa kabila ng mga nangyari. Paano kaya nila iyon ginagawa? Kasi ako gusto ko din maging masaya pero hindi ko magawa.

"I don't like what you're wearing baby." Napalingon na ako kay Kyle na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

Tinignan ko naman ang damit ko at bumaling muli sa kanya.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon