Chapter 31

201 14 0
                                    

Chapter Thirty-One: Delicate Seasons' Revenge

NANLAKI ang mga mata ko sa sinabi niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

"No. You're not Wenie. Hindi siya kagaya mo." Umiiling kong sabi.

Napatawa naman siya ng malakas. Isang tawang may bahid ng kapaitan.

"Buti alam mo. I used to be like her pero nag-umpisang magbago dahil sa'yo." Seryoso niyang sabi.

I shut my opened mouth, trying to absorb all these lies.

"Alam mo kung nasaan yung dati mong Wenie?" Mahina ngunit mariing sabi niya.

Hindi ako sumagot at nanatili lang ang titig ko sa kanya.

"Patay na siya!" Galit na sigaw niya.

Muling nanlaki ang mga mata ko. Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi pwede.

"Pinatay mo siya!" Muli niyang sigaw.

Nabitawan ko siya at tuluyan siyang nakalaya sa mga kamay ko. Napa-iling ako sa sinabi niya.

"No. Not Wenie." Mahina kong sabi.

"Hindi ka makapaniwala 'di ba? Kasi ikaw mismo walang pakialam sa kanya! You treated her like nothing! Lahat nasa iyo na habang siya, kawawa. Laging naiiwan." Umiiyak niyang sabi.

"Hindi..."

Hindi ko maintindihan. Bakit ang gulo?

"Naguguluhan ka ba? Hayaan mong ipaliwanag ko ang kagaguhang ginawa mo." Puno ng hinanakit na sabi niya.

Nanatili siyang nakatayo habang nakatingin sa akin. Nawala ako sa pokus at unti-unting napaupo sa sahig. Tila nanghina ang katawan ko nang malaman na wala na siya.

"She was a kind and a bubbly girl. Maraming nagmamahal sa kanya. Maraming humahanga sa kanya dahil sa taglay niyang kagandahan at kabaitan pero sa kabila ng lahat, she stayed humble. Her name is Gwenie Cipriano. " Diniinan niya ang pangalan ni Gwenie.

That's it. Kaya pala parehas ang pangalan nila. Kaya pala familiar ang pangalan ni Gwen dahil kambal pala sila.

Naalala ko na sikat siya sa university namin dati, way back when we were thirteen. She was my very first friend.

I was being feared by others. I was always alone dahil lihis lahat ng tao sa akin. And because of that, I learned how to live alone and to survive without the help of others. Then she came into the picture. She was the girl who keeps on bugging me.

"Hindi mo ba naiintindihan na ayaw ko sa'yo? Ayaw ko sa'yo!"

Akala ko nang dahil doon sa sinabi ko ay lalayuan niya na ako but I was wrong. Mas lalo lang siyang lumapit sa akin.

"Well I don't care kung ayaw mo or gusto. I just want to be friends with you and that is all what matters." Masaya niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong vitamins and iniinom niya dahil araw-araw siyang hyper. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari at naging magkaibigan kami.

"Isang araw umuwi siya to tell nonsense things. She said na nakilala ka niya and idol ka niya. To think na wala namang espesyal sa'yo. Hindi ka sikat, hindi ka maganda, at wala kang pakialam sa iba." Nabaling ang tingin ko sa kanya.

She's right. Wala namang espesyal sa akin pero bakit ako ang nilapitan ni Gwenie?

"Ilang beses kaming nag-away tungkol sa'yo at dumating sa point na pinapili ko kung sino sa ating dalawa ang pipiliin niya. Nasaktan ako ng ikaw ang pinili niya." Umiiyak niyang sabi.

The Gangster And I (Posted in Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon