Prologue by: Tonyang

19.3K 230 5
                                    

Si Marshall Del Rio ang huling tagapagmana ng Hacienda Del Rio sa kanyang panahon. ipinagkasundo syang ikasal sa isang anak ng kaibigan ng kanilang Pamilya na si Madeline para mapangalagaan ang yaman ng kanilang pamilya kahit pa ito ay labag sa kanyang kagustohan. ang totoo ay may babae syang tunay na iniibig, si Loida. Babaing hindi kayang tanggapin ng kanyang mga magulang dahil ito ay anak lang ng trabahador sa Hacienda.

Noon ay wala pang lakas ng loob si Marshall na ipaglaban ang babaing tunay na minahal kaya labag man sa kalooban ay nakipaghiwalay sya rito at pinakasalan nya si Madeline.

Nang araw ng kasal ni Marshall at Madeline ay ang araw na natuklasan ni Loida ang kanyang pagda2lang tao sa anak nila ni Marshall. Gusto nyang Ipagtapat yon sa binata subalit Nakaalis na ito at ang asawa nito patungong ibang bansa kaya't ang ama nitong si Don Ramon ang kanyang nakaharap.

''Kasal na ang anak ko kaya tigilan mo na sya!'' Dumadagundong ang boses ng Don sa sala ng Villa Del Rio.

''Magkano ba ang kailangan mo para lumayo ka sa lugar na ito at h'wag ng magpapakita pa sa anak ko?''

Kinuha nito ang wallet at naglabas ng Tig-iisang libong papel at hinagis sa harap ni Loida.

''Kunin mo yan at umalis ka na!''

Sigaw pa nito.

Hilam sa luha, taas noo nyang sinalubong ang mga mata ng Don na puno ng galit.

''Hindi ko kailangan ang pera mo! Narito ako para sabihin sa inyo, Buntis ako. Dinadala ko ang anak ng anak mo. Ang apo mo Don Ramon.''

Saglit itong natigilan. Maya ay bumalasik ang mga mata nito.

''Kung ganun, malaking pera ang kailangan mo para lumayo sa lugar na ito?''

kinuha nito ang checkbook at pinirmahan.

''Name your Price. Basta lumayo ka lang sa lugar na ito.''

Isinampal yon ng Don sa mukha ni Loida saka bumagsak sa marmol na sahig.

Dinampot yon ni Loida at puno ng galit na pinagpu2nit-punit yon sa harap ng matanda.

''Hindi ko kailangan ng pera mo. Mahirap lang kami pero may pride parin ako at di ko papayagan na pati yon kunin mo sa akin Don Ramon. Hindi mo ako kailangang apakan.''

saka walang paalam na tinalikuran ang matanda.

Namatay sa sama ng Loob ang ama ni Loida dahil sa sinapit ng anak.

Sa kanyang mga sinapit ay nanatili si Loida sa loob ng Hacienda Del Rio. Hindi nga lang sya umaalis sa kanilang bahay. Naging panatag ang Don sa pananahimik ni Loida. Ang alam nya ay umalis na ito ng Hacienda.

Lumipas ang mga buwan at isinilang ni Loida ang batang babae at pinangalanan nya itong Ashley. Matapos manumbalik ang kanyang lakas ay saka ito nagpasya na umalis ng Hacienda at makipagsapalaran sa ibang lugar. Iniwan nya sa kanyang kapatid na lalaki ang kanyang anak at nangakong babalikan ito kapag may nakuha na syang trabaho.

Subalit ilang taon na ang nakakalipas ay di parin ito bumabalik ng Hacienda. Tanging sulat lang at pera ang pinapadala nito sa kapatid na si Edgar.

Abangan ang kasunod na kabanata...

sa panulat ni Tonyang

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon