NAGPASYANG lumabas ang apat para maglakad2 nang dumating si Scott.
"Aalis kayo?"
sabi nito habang palapit sa apat kaya naman sabay2 ang mga ito na napalingon."Baka mahirapan ang Señorita, kita nyo naman hindi sya makalakad ng maayos. Suggest ko na mangabayo nalang kayo." sabi pa nito na kay Ced seryosong nakatingin kaya naman nagkasukatan sila ng tingin.
Napataas naman ang kilay ni Ashanti.
"Feeling Concerned? Parang kanina lang ei sinasabi mo na nag iinarte lang ako at kinaladkad mo pa ako."
"S-Señorita.."
"Ano!?"
napatingin sa kanya ang tatlo."Sya lang naman si Scott, ang kinukwento ko sa inyo."
"Loko ka ah! Ikaw pala yon!?" sabi ni Clyde dito na napakuyom ang mga kamaom ganun din si Ced.
"Para sa kaalaman mo ni minsan di yan naranasan ni Ashanti sa Hacienda Del Rio." galit na sabi pa ni Clyde na di mapigilan ang sarili. Naalala pa nya na minsan nyang tinalon ang dalaga sa likod ni Harmony dahil takot na takot na ito at malapit ng mahulog.Hinila ni Ashley ang binata sa braso sinyales na tumigil na ito.
"Hindi ko sinasadya yon. Pinigilan ko sya pero mas pinatakbo nya ang kabayo ng mabilis. Sa tingin nyo ano ang iisipin ko lalo na't di ko sya kilala."
"Kahit na! Hindi parin tama ang ginawa mo sa kanya! Hindi ganun ang tamang pag trato sa babae!"
muling sabi ni Clyde.
ang di nila napaghandaang lahat, ang naging aksyon ni Ced. Inilang hakbang nito si Scott at sinapak.
Napatili nalang ang dalawang dalaga.Paupong bumagsak si Scott saka baliwalang pinunas ang agad na nagdurugong labi.
Agad na nahila ni Ashanti sa beywang ang binata para pigilan na ito."Ced, tama na."
"Tama man o Mali ang ginawa ng gf ko, wala ka parin karapatang saktan sya!"
"Tssss!" tanging reaksyon ni Scott saka baliwalang tumayo at pinagpag ang pants.
"Hayaan nyo akong I-Tour ko kayo sa buong Rancho." sabi nalang nito na binaliwala ang ginawa sa kanya ni Ced.
"Huh.. Sige lang., makikita mo lilipas ang mga araw at magugulat ka nalang wala ka ng Gf." sabi ng kanyang isip habang matamang nakatingin kay Ced na kuyom parin ang mga kamao at yakap ito ng dalaga sa beywang.
"Maghintay kayo rito, kukuha ako ng dalawang kabayo na maari nyong magamit." sabi pa nito na di na hinintay ang sagot ng alinman sa mga ito, tuloy2 na itong tumalikod at umalis.
"Huh! Nakakainis pala sya!" tanging sabi nalang ni Ashley.
"Hayaan mo sya. Tama lang ang ginawa sa kanya ni Ced. Kung di lang tayo nakidayo rito makakatikim din yon sa akin." si Clyde na nakatingin parin sa direksyong tinahak ni Scott.
"Clyde.. Tama na."
"Mag-iingat ka sa kanya ha.." sabi ni Ced kay Ashanti at inakbayan ito.
Hindi naman nagtagal at bumalik agad ito at tulad ng sinabi ay nagdala nga ng dalawang kabayo pero may kasama na itong isang lalaki.
"Guys, si Brandon. Kasama natin sya."
pakilala nito sa kasama.
Agad na ngumiti sa kanila ang binata."Hi guys! Nasabi sa akin ni Scott na mga kaibigan kayo ng Señorita. Kinagagalak ko kayong makilala. Sana mag enjoy kayo dito sa amin."
pero napakamot ito sa batok ng mapansin na tila di sya pansin ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: Tonyang
RomanceHACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' Written by: Tonyang