HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' BY:TONYANGCHAPTER 27:

6K 143 9
                                    

BUMALIK na ng Maynila si Loida, Kahit di ito pinapayagan ni Marshal ay wala itong nagawa dahil maraming itong inaasikaso roon.

"Kailan ka babalik dito? O ako nalang ang luluwas ng Maynila."
tanong dito ni Marshall ng huli silang mag-usap bago ito umalis.

"Marshal, Please.."

"Ako ang makikiusap sayo, H'wag mo na akong tiisin pa Loida. Bakit kailangan pa nating pahirapan ang ating mga damdamin kung pareho naman ito ng tinitibok."

hindi nalang kumibo si Loida na lumakad papunta sa kotse ni Clyde kung saan ito ang maghahatid sa kanya.

"Clyde, ako na ang mag hahatid sa tita Loida mo."

"O-Opo sir Marshall." agad na iniabot dito ng binata ang susi ng kotse.

Napailing nalang si Loida na sumakay.

"Hindi ka parin talaga nagbabago, ipinipilit mo parin kung ano ang gusto mo." maya'y sabi nya ng makasakay na.

Ngumisi lang si Marshal na in-start na ang kotse.

"Kung nagu2lohan ka pa ngayon, sige hihintayin ko na makapag-isip ka at makapag desisyon.

Samantala,naka-uwi na sila Ashanti. Hindi nya magawang tingnan kahit ang mga kasambahay nila higit lalo di sya makatingin kay Ashley na sumalubong sa kanyang pag pasok sa Villa. Kaya naman, nilampasan nalamang nya ito.

"A-Ashanti..!"

dinig nyang tawg nito sa kanya ngunit mas binilisan pa nya ang pag akyat na halos ay takbuhin nalang nya ang matarik na hagdan para makapanik agad sa kanyang silid.

Pag dating doon ay pabagsak syang naupo at muli ang pagbalong ng masaganang luha sa kanyang mga mata.
Maya2 ay dumapa sya sa kama at hinayaang nakasub2 ang kanyang mukha sa kanyang paboritong Unan saka pinagpatuloy ang tahimik na pag tangis.

Samu't saring alalahanin ang pumuno sa kanyang isip. Mga ala-ala ng masayang kahapon kasama ang kinilala nyang daddy at lolo at sa isang iglap lang ay tila salamin na bumagsak at nabasag ng pino sa kanyang isipan. Pakiramdam nya ay naging stranger sya sa kinalakhang Villa. Hindi kilala ang mga nasa kanyang paligid higit sa lahat ay ang kanyang sarili.
Naikuyom nya ang kanyang mga kamay subalit natigilan sya ng maramdaman na may hawak2 sya na kung ano. Nang tingnan nya yon ay ang Calling Card na iniabot sa kanya ng nagpakilala nyang ama.
Walang duda na nagsasabi nga ito ng totoo batay narin sa narinig nyang usapan nito at ng kanyang mommy.

Lumipas ang magdamag, at ang panibagong araw na di lumabas ng kanyang silid ang dalaga kahit manlang kumain ay di ginawa.
Agad na tinakbo ni Marshal ang silid ni Ashanti ng malaman nitong di pa kumakain ang anak. Kakabalik lang nya buhat maynila at yon na ang sinalubong sa kanya ni Ashley at ni Nana Amalia. Naroon din si Ced at sinabi nito ang nangyari ng dumalaw ito kay Madeline.

Nagulantang si Ashanti sa malalakas na katok kaya natigilan sya sa paglalagay ng ilang gamit sa bag. Panay ang sulyap nya sa orasan, iniisip nya kung anong oras aalis si Arthur pabalik ng Bicol sa araw na iyon. Wala naman kasi itong nabanggit sa kanya.

"Ashanti, Open the door!"

napatingin sya sa pinto ng marinig ang boses ng daddy Marshal nya.

"Pls, Baby.. Buksan mo ang pinto. Narito na si Daddy, mag-usap tayo pls.."
binalingan ni Marshal si Aling Amalia na kakapanik lang dala ang kumpol ng mga susi. Agad nya yon kinuha sa kamay nito at dali-daling hinanap ang akmang susi para sa room na yon. At ng akma na nya iyon sususian, kusa ng bumukas ang pinto.

Saglit na natigilan si Marshal nakatitig lang sa mukha ng anak. Walang kabuhay-buhay ang mukha nito at namumugto ang mga mata.

"A-ashanti, anak.."

Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon