HACIENDA DEL RIO present.. ''BASTA'T IKAW'' BY: TONYANGCHAPTER 34:

5.8K 130 5
                                    


  NATIGILAN sa pag hakbang si Madeline ng makita si Marshal. Agad naman itong napatayo ng sya'y mapansin.

"M-Madeline?"
tila nakaramdam ng habag si Marshal ng makita ang asawa. Ilang araw lang itong nakakulong ay tila ilang taon na ang tinanda nito.

"M-Marshall.."
napaiyak na lumapit ito sa kanya at agad na yumakap. Subalit ng mapansin nito si Loida na nakatayo sa likuran ng asawa ay agad itong bumitaw sa pagkakayakap dito.

"Madeline, Kasama ko si Loida."

Hindi nalang ito kumibo sa halip ay na-upo na.

"K-Kumusta si Ashanti? Kumusta ang anak ko?"

"Hinayaan namin syang sumama kay Arthur ayon narin sa sarili nyang kagustohan."
sagot ni Marshal na naupo narin katabi si Loida.

"M-Mula ng huling punta nya rito, hindi na nya ako muling dinalaw pa."

"Madeline, Nakikiusap ako sayo para nalang kay Ashanti.. Magbago ka na. Gusto kong sabihin sayo na walang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya at mananatili syang anak ko kahit na nalaman ko ang totoo. Kung sana'y sinabi mo sa akin ang lahat noon pa man, hindi sana tayo aabot sa ganito."

"N-Natakot ako Marshall. Natakot ako. Patawarin mo ako."

ginagap ni Marshall ang kamay nito.

"Kakalimutan ko ang lahat. Madeline, bibigyan kita ng isang pagkakataon na mabuo ang pamilya mo, hayaan mo lang ako na mabuo ang pamilya ko."

"M-Marshall?"

"Iuurong ko ang demanda at hahayaan ko na makasama mo ang anak natin na si Ashanti kung pipirmahan mo ang divorce papers na pinaayos ko."

maging si Loida ay nagulat sa narinig. Alam nya na iuurong ni Marshall ang demanda laban kay Madeline pero di nya akalain na yon ang hihinging kapalit nito.

Napatingin sa kanya si Madeline.

"D-Dahil sa kanya? Dahil babalikan mo na si Loida kaya ka humingi ng divorce?"

"Gusto ko syang pakasalan dahil mahal ko sya at gusto kong mabuo ang aming pamilya. Ikaw ba, ayaw mo mabuo ang pamilya mo kasama ang lalaking tunay na ama iyong anak?"

"M-Marshall, Niloko man kita pero totoo naman na minahal kita sa loob ng mga panahong nagsama tayo bilang mag-asawa."

"Alam mong dahil lang kay Ashanti kaya nanatili ako sayong tabi. Hindi man kita minahal tulad ng nararamdaman mo para sa akin, nanatili parin akong tapat na asawa sayo. Pinahalagahan kita bilang aking asawa. Handa akong kalimutan ang lahat, Iuurong ko ang demanda basta't ibigay mo lang sa akin ang hinihingi kong kalayaan."

Nakagat ni Madeline ang pang ibabang labi nya. Ayaw nyang humagulhol ng iyak sa harap ng mga ito.

"Pls, madeline. Magsimula tayong muli kasama ang kanya2 nating pamilya. Pero si Ashanti ay mananatiling Del Rio kahit sa inyo sya nakatira dahil mananatiling anak ang pagkilala ko sa kanya."

sa sinabi ni Marshal ay di na nya napigil ang muling pag agos ng luha. Ewan ba naman nya kung bakit ngayon ay napakadali nalang ng pag patak ng kanyang luha. Masyado na syang nagiging emosyonal. Tanda na ba ito ng kanyang pag suko at pag amin sa sarili na isa rin syang mahina?

Ginagap ni Marshal ang kamay ng asawa.
"Kung mahal mo ang anak mo, hindi mo sya hahayaang mag celebrate ng 18th birthday ng wala ka sa kanyang tabi, hindi ba?"

Ilang ulit na humugot ng malalim na buntong hininga si Madeline at mataman nyang tiningnan ang dalawa saka ngumiti.

"Oo Marshall, pinapalaya na kita."

nagkatinginan ang dalawa.

"T-Talaga?"

Yumango-tango ito. "Kung bibigyan pa ninyo ako ng isa pang pagkakataon, di ko ito palalampasin na makasamang muli ang aking anak. T-Totoo bang palalayain na ninyo ako?" alanganing tanong pa nito.

"Oo. Ngayon mismo ay aayosin ko ang pag laya mo rito." masayang sabi pa ni Marshall.

"Salamat.. Maraming salamat sa inyo. Pangakong hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito."

"At sana buohin mo ang pamilya mo Madeline. Bumalik ka sa kanila."

tipid na ngiti lang ang itinugo nya sa asawa.

"Hindi ko alam kong nasaan sina Ashanti at Arthur ngayon. At di ko alam kung tatanggapin pa nila akong muli pagkatapos ng lahat ng ginawa ko lalo na kay Arthur."

"Tutulongan kota. Dadalhin kita sa Bicol. Sa Rancho ni Arthur. Kakausapin ko sya.." agad na sabi ni Marshal.

"T-talaga? Gagawin mo yon?"

"Oo naman. Para maging ayos ang lahat.. Magkaroon tayo ng Peace of mind."

Tumayo si Madeline at lumapit sa asawa. Tumayo din ito at niyakap sya.

"M-Maraming maraming salamat.. Marshall, napaka buti mo. Salamat."

"Basta't di mo na uulitin ang lahat.. Magiging maayos ang lahat mula sa pag labas mo dito."

"Loida.."
kumalas sya kay Marshal at si Loida naman ang nilapitan. Wala ng sabi2 na yumakap sya rito at gumanti din ito ng yakap.

"thank you.."

ngumiti lang si Loida sa kanya.

Ngayon lang nakahinga ng matiwasay si Madeline mula ng pumasok sya rito. Ngayon ay kaya na nyang ngumiti dahil totoo ang sayang naramdaman nya. Mawawala man sa kanya si Marshal, hiling lang nya ay tanggapin syang muli ni Arthur pagkatapos ng lahat ng kanyang nagawa.
Sya na ang tumawag sa isang bantay para ihatid sya sa kanilang silda ng magpaalam na sina Marshall at Loida.

Pag balik nya ay nakangising sinalubong sya ng tomboy.

"O ano? Nagbigay ba ng pera ang bisita mo? Ibahagi mo naman sa amin." sabi nito ng nakalahad ang mga kamay.
"Share your blessing.." sigunda naman ng mga kasama nito.
Di nya yon pinansin, nilampasan lang nya ang mga ito nang biglang hilahin sya sa buhok ng malakas kaya naman napabalik sya.

"Bastos ka, kinakausap kita!"

"Bitawan mo ako ha.. Bitawan mo ako."

"At kung ayoko, may magagawa ka?" nandidilat ang mga mata na tanong nito.

"Bitawan mo ako sabi!!!" bumwelo si Madeline at ubod lahas na sinuntok nya ito sa mukha.
Agad na dumugo ang ilong nito sabay bitaw sa kanya at napa atras habang sapu-sapo ang ilong na nagdurugo.

"Maganda ang mood ko ngayon kaya h'wag na h'wag mong sisirain dahil hindi lang yan ang matitikman mo!" sabi ni Madeline na inayos ang buhok.

"Ano?! Ano tinitingin-tingin nyo rin?" baling nya sa tatlong alipures nito.

"W-wala.." sabay2 na sagot ng mga ito na nagsibalik sa kani-kanilang higaan.

"Tah!" muli na nyang tinalikuran ang mga ito at naupo sa isang sulok. Ang naging pwesto nya mula ng ipasok sya roon.

"G-Grabeh.. Bigla tumapang.." dinig nyang bulalas ng isa sa mga ito..

UMAGA, naka upo si Ashanti sa garden kasama ang papa nya habang sabay silang nag kakape.

"Kumusta na ang paa mo, anak?"

"Ayos na. Naiaapak ko na sya at medjo nakakalakad na ako ng walang saklay."

"Good. Two days nalang at 18th Birthday mo na. Anong gusto mong gawin ha?"

"W-wala.. Ay papa, maari kaya tayong pumunta sa villa nila Lolo?"

"H-Ha? S-Sige.. Pero, ayaw mo bang dalawin muna natin ang mommy mo sa araw na yon saka tayo pumunta sa villa ng Lolo mo?"

bahagyang natigilan ang dalaga. Ano nga ba dapat?

"S-Sige, kung di kapa handa. Pero sana, H'wag mong tiisin ang mommy mo. Isipin mo nalang, kung di dahil sa kanya.. Wala ka sanang Lolo Ramon at Daddy Marshal diba? Lahat sila naging mabuti sayo. At hanggang ngayon na alam na nila ang buong katotohanan ay di nagbago ang pagtingin nila sayo. Sana naman, mapatawad mo na ang mommy mo."

"P-Papa, n-Napatawad mo na ba si mommy? Hindi ka na ba galit sa pang iiwan nya sayo? Sa pag layo nya sa akin sayo?"

"Anak, Mahal ko ang mommy mo. Oo nagalit ako sa kanya lalo na ng muntikan ka ng mamatay. Pero ang galit dito sa dibdib ko ay di nagawang tabunan ang pagmamahal ko sa kanya kaya siguro madali ko syang mapatawad kasi di ko hinahayaang manaig ang galit sa akin."

napangiti si Ashanti.
Mahal talaga sya ng Diyos dahil kapwa mabubuting tao ang mga ama na ibinigay nito sa kanya.

"Sige po.. Dalawin natin si mommy bago tayo tumuloy sa villa. Gusto ko kasi surpresahin sila lolo at daddy. Basta sama ka ha."

"Oo ba.."

tumayo ang dalaga at niyakap ang ama sa leeg kung paano niyayakap nya ang daddy Marshall nya sa hapag kainan.

"I love you, Daddy."

Nawala ang ngiti ni Arthur na natigilan sa pag inum ng kape saka sinulyapan ang anak.
Sya nga ba ang sinasabihan nito o ang Daddy Marshall nito?
Alam nyang ni minsan ay di sya nito tinawag na daddy kundi ang Daddy Marshall nito.

"Hey Dad, I love you." ulit ng dalaga na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa ama.

"Hmmm, ako nga ba yon?"

"Of course, yes!"

"Hmm sige na nga. I love you too, 'Nak." hinaplos nito ang braso ng anak na nanatiling nakayapos sa kanya. Ngumiti na sya na muli itong sinulyapan, saka inabot ang buhok nito at hinaplos.

Panay ang sulyap ni Brando sa dalaga habang inaayos nya ang mga halaman.
Nang makita nyang tumayo na si Arthur at naiwan mag isa ang dalaga ay agad syang lumapit dito.

"S-Señorita.. Excuse me po."

"Hmmm?" bahagya lang itong tinapunan ng tingin ng dalaga.

"Ei señorita, maari po ba makisuyo? Maari po ba maki Txt? Wala kasi akong load. Ittxt ko lang ang mama ko, bumaba kasi sya sa bayan may ipapabili ako."

Hindi na nagsalita na inabot ng dalaga ang kanyang cellphone sa binata.

Agad yon inabot ni Brando at napangiti. Totoong ittxt nya ang mama nya sa bayan pero ang sadya nya ay hanapin ang number ni Ashley at kunin.
Matapos mai-send sa number nya ang number ni Ashley ay delete nya ang send items nun saka nag txt sa kanyang mama at di na yon inalis sa send items.

"Thank you po Señorita." matapos ibalik yon sa dalaga.
Tinanguan lang ito ni Ashanti na nabasa pa nya ang txt nito sa mama nito. Sya na ang nag delete nun.

Lihim na napa yes si Brando ng pag tingin nya sa kanyang phone ay naroon na ang number ni Ashley.

"hmm, mukha namang di ka suplada.. Sana lang pansinin mo ang txt ko." sabi ng kanyang isip saka nag send ito ng message sa dalaga.

"Hi"
Basa ni Ashley sa narecieve na txt msg. Napakunot noo sya dahil di nya kilala ang number. Baliwala na ibinulsa nya muli ang phone. Muling itinuon ang pansin sa mga trabahador na patuloy sa pag aani ng mga mangga.
Ito ang panahong gusto nya, ang anihan ng mangga dahil tuwang tuwa syang tumingala sa puno ng mangga na hitik sa bunga.

Habang si Clyde ay kaisa sa mga nag-aani. Hindi kasi ito ang tipo na panonoorin lang ang mgatrabahador. Maging ito ay tumutulong sa pagbubuhat.

"Hi Ashley!"

napalingon ang dalaga sa malanding boses na tumawag sa kanya.
Si Mylin, kumikinding na palapit sa kanya at sexing sexy sa suot nitong ubod ng ikli na short at tinernohan ng spageti strap na labas pusod. Naka make up pa ito.

"Narito ka rin pala. Nakakatuwa ka naman, dapat nasa Villa."

"Kailangan ko kasing mag masid sa kanilang ginagawa."

"wow.. Naghahanda ka na talaga, balang araw ikaw na ang mag mamana ng lahat ng ito." sabi pa nito na bakas ang pagkaingit sa kanya.
Tipid nyang nginitian ito.

"Isa ka ng ganap na Haciendera Ms Del Rio. At ako naman balang araw magiging Mrs Clyde Alvama." ngiting ngiti na sabi nito sabay kaway kay Clyde na napatingin sa kanila. Gumanti ito ng kaway.

"Excuse for a while, pupuntahan ko lang ang baby ko baka pawis na pawis na."
saka muling kumikinding na iniwan sya.
Halos lahat ng trabahador na madadaanan nito ay napapalingon sa dalaga at kinakawayan nman nito.

Tumalikod nalang sya at hinila si Hercules saka nagsimulang lumakad.
Pero tila tukso na di nya kayang tanggihan, muli syang lumingon sa mga ito, kitang kita nya na pinupunasan ni Mylin ng pawis ang binata sa mukha at leeg.
Bahagya pa syang natigilan ng iangat nito ang T-shirt ng binata at ipasok ang kamay nito para punasan din ng pawis ang katawan nito.

"Tsssh! Gustong gusto naman.!" bulalas nya na nagpatuloy nalang sa pag lalakad.
"Bakit ganun ang mga lalaki, sasabihin na di nila gusto ang isang babae pero di naman nila kayang iwasan? Kakainis, feel na feel nya na binibaby nya ng haliparot na yon." pag mamaktol ng kanyang puso.

Napapitlag ang dalaga ng mag ring ang kanyang phone.
Dahil inis, di na nya yon tiningnan basta nalang sinagot.

"Hello?"

"Ms Ashley?"

napakunot noo sya ng marinig ang baritunong boses sa kabilang linya.

"Hey! Ako ito, si Brando. Dito sa Rancho De San Sebastian."

"Oh, H-Hi! N-napatawag ka?"

"Hindi ka kasi nag re2ply kaya naman tinawagan na kita."

"Pasensya ha, di ko kasi pinapansin ang mga txt messages na di ko kilala."

"G-Ganu ba? Ei magkakilala na tayo ngayon. Siguro naman, magre2ply ka na. Diba, friends na tayo. Sorry ha kung makulit ako. Mula kasi ng makita kita, di kana nawala sa isip ko."

"H-Huh?"

tumawa nalang si Brando sa kabilang linya.

"Ahmm sorry ha, m-may ginagawa kasi ako. Bye." agad na pinatay ni ashley ang kanyang phone.
Di na nya naisip tanungin kung sino nagbigay ng number nya rito, marahil ay si Ashanti tangi nalang naisip nya.

Bahagya nyang tumigil sa paglalakad ng matanawan nya ang isang kubo sa tabi ng napakalaking puno ng mangga na hitik na hitik sa hinog na bunga.
Naisip nya na ito marahil ang kubo na tinutukoy ni Clyde dahil alam nyang bago lang yon. Dati naman ay wala yon at tandang-tanda nya na yon ang punong inakyat nya ng bata pa sya ng unang isama sya ng kanyang papa Edgar sa manggahan.

Nang tuluyan syang makalapit doon ay itinali nya sa gilid si Hercules.
Inikot nya ang paligid ng kubo at napangiti sya. Ang cute kasi sa labas palang. Saka ang ding2 nito at atip ay gawa sa dahon ng niyog.
Dahil sa paghangang nadarama ay mas sumidhi ang kanyang pag nanais na makita ang loob niyon.
Pero bago pa sya natuksong pumasok ay napatingala na sya sa punong mangga.

"Wow.. Ang dami nila.. Hmm makapitas nga ng makakain habang tumatambay dito." napangiting sabi nya saka walang alinlangan na nangunyapit para maka akyat lang.

Noon ay di sya nahirapan akyatin yon dahil di pa ito ganun kalaki. Nagyon ay ubod laki na ng katawan kaya nahirapan sya.

Nang sa wakas ay naka akyat na ay pinagsawa nya ang mga mata sa kakatingin ng mga dilaw na dilaw ng bunga.

Saglit syang naupo sa isang sanga habang pumipili ng kanyang pipitasin at kakainin doon sa kanyang kinauupuan.

Ilang saglit pa at naka ubos na sya ng dalawang mangga. Pero pumitas parin sya ng isa pa.

Napakunot noo si Clyde ng makita si Hercules na nakatali kaya nag palinga-linga sya. Ibig sabihin ay naroon din ang dalaga. Matapos nyang maitali ang kanyang kabayo ay sumilip sya sa loob ng kubo ngunit wala namang tao.

"N-Nasaan sya..?" tanong nya sa sarili na inikot ang paligid ng kubo nang sya ay matigilan.

Nagkalat roon ang balat ng mangga sa lupa. Mukhang bago lang yon. At biglang may mamasa-masang bagay na nalag2 sa kanyang braso. Pag tingin nya'y balat ng hinog na mangga.
Dahan-dahan syang napatingala at presto!
Ayon ang dalaga, tamang upo at enjoy na enjoy sa pagkain ng mangga. Madungis na nga ang paligid ng bibig nito.

Natawa si Clyde sa tanawing kaiga-igaya sa kanyang paningin.

"Hais.. Bata ka pa talaga.." naiiling na sabi nya ng sa muli nyang pag tingala ay saktong nalaglag muli ang balat ng mangga ay sapul sa kanyang kabilang mata.
"A-anak naman nang..." bulalas nya sabay tanggal nun sa kanyang mata.

"Hoyyyy!!!" malakas nyang sigaw dito.

"AYYY!! Balugang tandang!!" bulalas ng dalaga sa pagkagulat saka gumiwang ito sa kinauupuan hanggang sa tuluyan itong mahulog.
Isang nakabibinging tili ang pumuno sa lugar na iyon pero naging maliksi ang binata at sinalo nya ito.
Subalit sa kanyang malas ay naapakan nya ang balat ng mangga sanhi para sya'y madulas habang karga ang dalagang nasalo.
Kaya naman sabay silang bumagsak.




===ITUTULOY


Hacienda Del Rio Present: Basta"t Ikawby: TonyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon